1

40 0 0
                                    

Charisse..

"Guzman for threee... BANGGG! And the signature buzzer beater was shown again!!  Your Mixers  won the game and up by 2!"

"Yung nguso mo girl mahaba na naman." ani Ehra.

"Haynaku.. Mag yayabang na naman si Jerwin!"

"Magaling naman kasi talaga! Ang hot pa!" binato ko ito ng chips.

"Mas magaling sana si Pj dyan.!" sabi ni Charisse.

"Ang kaso.. run away groom naman." ani Ehra. "Alam mo girl swerte mo na kay Jerwn. I can see how much he loves you. After a fail relationship with that Justinne..He loves you and your son." anito.

Isang taon na kaming kasal.. May six months old na kaming anak na lalaki. All was un expected.. Parehas kaming lasing nun..-

"Hey!" i pinitik nito ang kamay sa ere.

Napatitig ako sa TV screen.. Sya ang ine interview.. Panalo ang team nya. Siguro kung kumpleto pa ang barkada nila kahit mag kalalaban na team ang mapuntahan ng bawat isa ay baka maihanay na sila sa pinaka magagaling na basketbolista sa bansa. Kaso after nung nangyari one and a half year ago yung iba na bago ang lahat ng plano.

"Uwi na ako girl. wag mong hayaang mag sawa si Jerwin sa kaka intindi sa ugali mo."

"Sus hayaan mo sya. In the first place  sya lang naman ang may gustong mag pa tali sa relasyon na ito."

"as you say so. bye girl."







--

"Sweetie.." akmang hahalik ito ng umiwas ako.

he just ignored my attitude..

"Dadating sila Mommy bukas." anito

"So we will act like we are a perfect couple again?" asik ko dito.

Napatungo naman ito. Minsan na na kokonsyensa naman ako. Kaso mas umiiral sa akin yung hatred! Dapat siguro mahahanap ko pa si Pj at makakabuo pa kami ng masayang pamilya. Pero wala na. Kasal na ako!

"Kelan mo kaya ako matutunang mahalin?" tanong nito.

"Psh! Kumain kana." utos ko na lang dito. 'drama' bulong ko pag katapos ay nag dadabog na umakyat ng hagdan.





Jerwin

Napailing na lang ako habang sinusundan sya ng tingin. One year na ang nakalipas buhat nung ikasal kami pero ang lamig pa rin nya. Kung si Justinne kaya ang nabuntis ko nun, siguro hindi ganito ang sitwasyon. Pero kung may pinag sisisihan man ako yun ay ang nasaktan ko ng sobra si Justinne. Hanggang ngayon galit pa sya sa akin kahit ilang beses na akong humihingi ng tawad. Nag away pa kami ni Ian kasi parang protektadong protektado nya si Justinne. Nung isang buwan kami nag away ni Ian at hanggang ngayon di pa rin kami nag kikibuan. Mag ka team kami, nag papansinan kami sa court pero pag wala ng mga camera na nakatutok sa amin di na kami okay..

Nag simula lang naman akong ma fall out kay Just nung di sumipot si Pj sa kasal nila ni Kim. Sinamahan ko si Allein na mag lasing nuon. Lasing na lasing ako nung makita ko sya. It was only  a one night stand. Pero nakita kami ng Papa nito at ayun kailangang maikasal daw kami agad dahil keso kahihiyan sa pamilya nila. Ayaw ko nung una kasi mahal ko talaga nun si Justinne pero nag banta ang Papa nya na sisirain daw nito ang buhay namin. Kasabay ng unti unting pag kasira ng relasyon namin ni Justinne, habang nakikita ko din ang unti unting pag sira ni Allein ng buhay nya. Ang pag kaka coma ni Kim. Hiniwalayan ko si Justinne. Alam ko naman na nasaktan ko sya ng sobra eh. But what should i do? Until one day, I found myself falling for Charisse. Lalo na ng malaman ko na nag bunga ang pag tatalik namin nun. Alam ko na may pag ka bitchy si Charisse pero ako ang nakauna sa kanya kaya alam ko na akin ang pinag bubuntis nya. Until Jude Lorenz came out lalo kong minahal ang asawa ko. Kahit di nya ako mahal. Ang alam ko naman sapat na - na mahal ko sya baka kasya na un sa aming dalawa. Never naman syang na ngaliwa eh. Sikat kasi ako kaya kilala na din sya, may mga followers na din sya at lalo syang naiirita dun.

Umakyat ako sa kwarto namin and i found her sleeping.. Marahan kong kinumutan at hinalikan sa noo. Kinarga ko ang anak namin na nasa crib. dinipipa kasi nito ang maliliit nitong braso. I sinayaw sayaw ko ito hanggang sa makatulog na ulit. Ibinaba ko ito at dumiretcho sa c.r.
















Date start : September 28 2014

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon