CharisseMag isa lang ako sa kama ng magising ako. Nakaramdam ako ng paninibago. Dati nagigising ako na nakayakap ito sa akin. Bigla ay na miss ko ito.
Ipinilig ko ang ulo ko. Ano ba itong nararamdaman ko? Naalala ko yung wild love making namin.. Nakaramdam ako ng pag iinit ng pisngi ko.
"What are you still doing?!" muntik na akong mapa tili sa lakas ng boses nya.
"B-bakit ba? Do you need anything?"
"Do i need anything? Seriously youre asking me that fvcking question?! Fvcking shit Get the hell up and do some wife duties!" Sigaw nito.
"A--Ano bang gusto mong gawin ko?" Mahinang sabi ko dito.
"Tanga ka ba?!" Nag walk out ito at pumasok sa banyo.
-
"Ah.. Manang pwede bang mag tanong?"
"Oo naman hija."
"A-ano po ba ang mga wife duties?"
Natawa ito sa tanong ko.
"Maraming obligasyon ang isang asawa hija. Gaya ng pag hahanda sa gamit ng asawa mo sa opisina o sa laro nya. Alagaan mo sya, pati ang anak nyo. Suportahan mo sya sa lahat. Ibigay mo lahat ng pangangailangan nya mapa sexual man yan o pisikal.." mahabang paliwanag nito.
Agad akong napatakbo pabalik sa kwarto namin. Di ko na pinansin ang pag tawag ni Manang. Buti di pa tapos maligo si Jerwin.
Binuksan ko ang ward robe namin kung san nandoon ang mga pang coat nya. Pumili ako ng long sleeves at coat nya pati pants. Binuksan ko ang drawer ng mga tie nya at pumili din ako dun. It was my first time na gawin ang bagay na ito. Napapitlag ako ng pabalang na bumukas ang pinto ng C.R
"I-Inihanda ko na ang gamit mo."
Nag half smile sya. Biglang umiyak ang anak namin kaya pinuntahan ko ang crib nya at dinaluhan sya. Binuhat ko sya. Lumapit naman si Jerwin at amoy na amoy ko ang sabong ginamit nya. Ang bango ng asawa ko. Parang na hiya tuloy ako.
"Good morning buddy!" He kissed him.
Inilapag ko sa kama ang anak namin at sinimulang linisan.
"B--bumaba ka na p--pag ka bihis mo. Handa na ang almusal. Kain na tayo" binuhat ko ulit ang anak namin at inilabas ng kwarto..
Iniupo ko ang anak namin sa kiddie seater. At sinimulang subuan ng pag kain. Hinahanda na din ng mga maids ang mesa. Mayamaya ay narinig ko na ang papalapit na tunog ng sapatos ni Jerwin.
"Rosie. Ikaw na ang mag pakain kay Renz. Ikaw kumain kana." Aniya sa akin. Ibinigay ko sa yaya ni Renz ang pag kain nito.
"O!" Padaskol na inabot nya sa akin ang isang ticket.
"What's this?"
"Bulag ka ba?! Manuod ka ng laro mamaya! Ng may pakinabang naman sayo!" Anito na nag simula ng mag lagay ng pag kain sa plato.
Hindi na ulit ito nag salita habang kumakain na ikinapanibago ko. Dati ang ingay ingay nito.
What have i done?