8

24 0 0
                                    

JERWIN POV

Idineretcho ko ang kotse ko sa favorite na restaurant namin ni Justinne nuon. Ngayon na lang ulit kami makakapag usap buhat nung nangyari yung gulo more than a year ago

Kinakabahan ako at the same time excited. Mahal ko ang asawa ko, pero mahal ko pa rin si Justinne. Mahal ko pa rin sya.

Pumasok ako sa loob at nakita ko sya na pinag lalaruan ang straw ng iced tea nya.

"J--Just.." mahinang pukaw ko sa atensyon nito. Nang tumunghay ito ay nakita ko ang malungkot na mata nito. She manage to flash a weak smile. Hindi man lang iyon umabot sa mga mata nito. Nag simula din na mamasa ang mata nito.

"I.. I missed you." Anito. "H--how are you?"

Hindi ko makuhang mag salita. Hanggang sa tuluyan na itong umiyak. Ikinulong ko sya sa mga bisig ko. Umiyak sya ng umiyak.

"Sshhh.. sorry Just.. im really sorry for hurting you.. im sorry.. alam ko na walang kapatawaran yun. Pero sorry sorry." Sabi ko habang hinahagod ang likod nito. She didn't speak. Umiiyak lang sya sa dibdib ko. Umangat din ang braso nito at gumanti ito ng yakap. Iniyakap nito ang mga braso nito sa  beywang ko at ibinaon ang mukha sa dibdib ko. Umiiyak pa rin sya pero pag ka lipas ng ilang sandali ay naramdaman ko na ang pag kalma nya. Bumitaw sya ng yakap sa akin. Tinuyo ko ng kamay ko ang basang pisngi nya.

"U--Upo ka." Anito. "J--Jerwin.. sorry.."

Napa angat ako ng tingin dito. "Ako ang dapat mag sorry. Ako ang gago dito."

"Sorry kasi nag aaway kayo ni Ian ng dahil sa akin.. nasisira ang pag kakaibigan nyo.. sorry.." umiiyak na sabi nito.

"Sshh.. i understand him. Kung ako ang nasa posisyon nya gagawin ko din yun.."

"Could you please do me a favor?" Anito.

Kinabahan ako. Would she ask me to take her back?

Tumango ako.

"Papunta na ako ng New York. Gusto ko bago ako umalis mag ka ayos kayo ni Ian."

"A--Aalis ka?" Tanong ko dito.

Tumango ito. "Gusto kong maka move on. Hanggang ngayon kasi mahal pa rin kita. At hanggat mahal pa kita patuloy lang akong masasaktan. Kaya sana pag bigyan mo na ako, mag kaayos na kayo. Youve been friends for almost a decade. Wag nyong sayangin yun. Nakausap ko na sya. Wala namang problema sa kanya. Please.."

"S--sige.."

"Thank you. I'll go ahead. Please regards me to your wife, mabait naman pala sya."

Napamaang ako. Tumayo na sya at walang lingong lumabas ng restau. Kinalma ko muna ang sarili ko at nag iwan ng pera sa mesa at umalis na din.







Pumunta muna ako sa opisina para umatend ng ilang appointments kahit wala ako sa mood.






Gabi na ng mag punta ako sa tambayan namin. May sarili akong susi dito. Binuksan ko ang pintuan at pinindot ang switch. Nagulat ako ng makita ko si Ian na umiinom mag isa.

"Nag kita kayo?" Tanong nito.

"Yes."

"She's leaving tommorow night." Anito at yumuko. Maya maya ay uminom ito sa hawak nitong bote ng alak. "It hurts here." Itinuro nito ang dibdib. "Punch me if possible. Matagal na akong inlove sa kanya. Mula pa nung kayo pa." Napa awang ang labi ko dito. Tumulo ang luha nito. "She doesn't know kung babalik pa sya." Uminom ulit ito ng alak. Sumandal ako sa hamba ng pinto. Nakinig ako sa kanya.

"Pasensya na sa lahat ng nangyari tol." Anito.

"I deserve every punch that you've thrown." Sabi ko. Lumapit ako sa kanya i sat in front of him. Nag bukas din ako ng alak na nasa harapan nya. Dirediretcho kong tinungga ang alak. Ngumiti ako sa kanya. "Why don't you go after her?"

Matagal bago ito sumagot. "Babalik yun. Alam ko babalik sya." Anito na tumungga ulit ng alak. "She needs space."

Maya maya ay napalingon kami ng bumukas ang pinto. Si James, Alex at Allein.

"buti okay na kayo?" Ani James na binaba sa table ang mga take out foods na dala nila. "Uupakan ko sana kayo ng tag isa eh.."

"Aarte nyo." Komento ni Allein.

Natawa naman si Alex.


Matatahimik na ako. May guilt pa pero alam ko na mawawala din ito. Dinukot ko ang phone ko at tiningnan ko ang wallpaper. Yung mag ina ko. Sila ang pinaka importante sa akin ngayon.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon