I heard my father is shouting. Tumingin ako sa alarm clock to check the time, it's still 5am in the morning. Hindi ko alam kung bakit nagwawala ang tatay ko sa ganitong oras, hindi man lang ba niya naisip na may natutulog pa.
Ang hilig niyang gumawa ng eksena sa bahay. Hindi ko na kinaya ang ingay kaya napatayo ako sa kama ko at lumabas ng kwarto. "Sinong kumuha ng dalawang libo ko sa wallet ko!?"Usapang pera na naman. Lagi nalang issue sa bahay ang nawawalan ng pera, hindi ko din alam kung paano nangyayari yun. Minsan naiisip ko kung totoo bang nawawalan ng pera si Papa o talagang may kumukuha, di ko na nakakaya ang mga bintang niya sa amin pagdating sa pera, dahil kami mismo nagmu-mukhang magnanakaw sa mga kanya-kanyang mata. Nakita niya akong pababa ng hagdan. "Calypso, nawawalan na naman ng pera ang tatay niyo, ilabas mo na." Nang sandali 'yon, nasira ang umaga ko dahil sa sinabi ni Liza, at hindi ko nagustuhan ang structure ng pananalita niya. "Ano ba ang ilalabas ko kung wala akong ninakaw, sakin mo ba dapat itanong 'yan?" Natahimik si Liza sa sinabi ko, narinig ko din ang yapak ni Amethyst na pababa ng hagdan. "Pwede ba, ayusin mo nga yung tono ng pananalita mo." Pag-uutos sa akin ni Amethyst, heto na naman siya nagpapaka-bayani.
"Bakit ko aayusin. Tsaka may dapat ba akong ayusin kung siya nga mismo, hindi niya inayos. Tama ba ang structure ng sentence niya na ako ang pagbintangan sa pagkawala ng pera." Natahimik si Amethyst sa sinabi ko. "Tsaka sino ba ang kukuha ng 2,000 niya simula kagabi?"
"Kaya nga nagtatanong ako." Sagot ni Papa.
"Sa tingin mo naman may aamin? Kung mismo ngang salarin hindi umaamin, yung mismong walang kinalaman pa kaya ang aamin?" Wala akong natanggap na sagot mula kay Liza, Amethyst kahit kay Papa. "Bakit ganun sa tuwing may gusto kang bilhin, doon ka nawawalan ng pera?" Tanong ko kay Papa. Hindi siya nakasagot dahil doon, "ikaw naman Mama Liza, bakit sa tuwing nagkakawalaan ng pera, 'yan lagi ang statement mo? May dapat ba akong ilabas na pera o ikaw?" Nanlaki ang mata ni Liza dahil sa sinabi ko at alam ko na gigil na gigil siya saken. Umakyat nalang ako ng kwarto para mag-pahinga sandali dahil pag pumasok ako ng school, iba na naman ang kalaban ko."Kinakabahan ako, baka kasama ako sa mga bagsak." Narinig kong nag-uusap ang mga kaklase ko sa hallway, agad akong nakiusisa sa kanila at tinanong kung ano ang meron. "Ngayon daw, sasabihin kung sino ang legwak sa course na'to, kaya im-meet tayo ngayon."
This is it, ito na yung araw na khng saan malalaman namin kung papasa ba kami sa susunod na year or magpa-paalam na. Lahat kami kinakabahan nang pumasok na sa loob ng room, daig pa namin ang nasa loob ng supreme court. Hindi ako nag-sasalita, hindi ko din alam kung mag-dadasal ba ako sa sitwasyon na'to, kung pakikinggan ba ako, basta ang alam ko nalang ay ihanda ang sarili ko sa mangyayari.
Pumasok na ang prof ko sa loob ng kwarto kaya lalong nadagdagan ang tensyon sa loob. Nahuli ko din siya na nakatingin sa akin habang binibigyan niya kami ng "motivation."
Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng mga sermon niya samen sa huli naiisipan niya pang mag-bigay ng motivation sa amin. "Anim lang ang nakapasa sa inyo out of 35 students." Sa pagsabi niya, alam ko na wala ang pangalan ko doon, pero umaasa pa din ako.
Binanggit ng professor ko ang mga pumasa, may mga nakahinga ng maluwag may mga umiyak, pero ako hindi ko hinayaan na umiyak sa harap ng professor ko, dahil ayoko. Hinintay kong lumabas ang professor ko ng classroom, para makalabas na din kami.
Walang Sanchez, Calypso sa list na 6 na pumasa.
Hindi ko alam kung bakit parang may gusto akong ilabas, at nang-hihina ako. "Calypso, ayos ka lang?" M classmate Annie asked me, she's always nice to me. Nakatayo siya sa harapan ko, habang ako nakaupo sa hagdanan sa harap ng building. "To be honest, I'm not. Sino ba naman ang magiging okay kung di nasali sa—" bigla kong naalala na kasama din si Annie sa hindi pumasa at lilipat ng bagong course. Tumayo ako sa at nag-sabi ng "Sorry." , ngumiti lang si Annie sa akin. "Malay mo hindi talaga para sa atin 'to." Tumabi siya sa sa akin. "Pero it doesn't mean bobo tayo, porket bumagsak tayo yun ang sabi niya sa atin."
"Ayaw niya lang ipamukha saten 'yon na failure tayo." Natawa si Annie sa nasabi ko. "Ano bang nasa isip mo?"
Huminga ako ng malalim, marami akong gustong itanong sa isip ko at sermonan ang mundo at gustong sabihin, pero hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. "Kumakain ka ba ng siomai? Tsaka ihaw-ihaw?" She nodded. "If it's okay kung sasamahan mo akong kumain?"
"Sige. Hihintayin ko nalang si Jonas sa harap ng simbahan. Doon ka din naman kakain diba?" I nodded. "Sino si Jonas?" Hindi ko na natiis na itanong kay Annie. Napangisi si Annie sa tanong ko pero sinagot niya din naman. "Boyfriend ko. Tara na, text ko nalang siya."At 'yon na nga, umalis kami ni Annie. So I made a friend kung kailan patapos na ang college life ko. "So Annie, ilang years na kayo ni Jonas?"
Tanong ko habang kumakain kami ng kwek-kwek, lumunok muna siya bago niya sagutin ang tanong ko. "4 years na niyan, next week."
"Wow." 'Yon lang ang nasagot ko. ""Kamusta naman?" Biglang tanong ni Annie sa akin. "Anong ibig mong sabihin?"
"Hmm. Alam mo na yung legwak." Nakuha ko ang pinupunto ni Annie, yun ay ang nangyari kanina sa announcement kung sino ang magiging graduating student at sino ang nag-failed sa course namin.
"Hindi ko pa alam, pero masakit syempre." Tinapon ko ang basong plastik na pinag-lagyan ko ng street foods sa basurahan."Ang daming umiyak kanina." Malungkot ang tono ni Annie sa sinabi niya. "Sino ba naman ang hindi maiiyak dahil sa nangyari " ngumisi na naman siya.
Naiisip ko tuloy kung clown ba ako dahil sa napapatawa ko si Annie.
"Andiyan na si Jonas, mauna na ako Calypso."
"Sige, ingat kayo ni boyfriend." Nag-paalam na kami sa isa't-isa, ningitian ko nalang ang boyfriend ni Annie tsaka ako umalis para mag-abang ng jeep.I would tell this to Amber na may nakasama na ako, isa sa mga kaklase ko, pero ang malungkot hindi matagal yung pagsasama namin dahil sa nangyari. "Ang lalim na naman ng iniisip mo." Boses ni Caden 'yon, lumingon ako at nakita ko siyang nakangiti sa akin. "Amoy kalamares ka." He giggled. "Kumain kami ni Annie." Kumunot ang noo ni Caden. "Kaklase ko. Kaso ngayon ko lang siya nakausap at nakasama ng alam mo na.. mas close." Huminga ako ng malalim, naalala ko ang nangyari ngayong araw.
"Bakit? May nangyari ba?"
"Alam mo ba yung thesis proposal ko?"
"Kamusta pala?" Hindi ako nakasagot agad sa tanong ni Caden, nanahimik ako sandali, at alam ko na nakuha ni Caden ang ibig sabihin ko. "Gusto mong pag-usapan naten?"
"Tsaka nalang, gusto ko nang umuwi."Habang nasa jeep kami,sinabi sa akin ni Caden ang dahilan kung bakit hindi niya dala ang kanyang motor habang nakasakay kami sa jeep. Hinawakan niya ang aking kamay para gumaan ang loob ko dahil alam niya na masama ang araw ko.
"Jollibee?" He asked me, I slightly smile and nod as my response. Hindi na ako nagpayakap pa sa loob ng jeep dahil PDA 'yon, ngumisi naman ang loko. "Mabuti ang aga mong umuwi?" Tanong sa akin ni Caden, kabababa lang namin ng jeep at naghihintay ng signal na pwede nang tumawid. "Isang subject lang naman pinasukan ko." Sagot ko sa kanya, ipinagpatuloy na namin ang paglalakad hanggang sa makatawid kami. "Sayang pamasahe."
"Ganun talaga."Um-order lang ako ng spaghetti at burger, habang yung isa naman chicken na may extra rice, tsaka kami umalis para kumain sa park. "Ilabas mo na, alam kong kanina mo pa gustong ilabas yan. Hindi ako magco-comment." Tinanggal niya sa pagkakabalot sa rice, kinuha ko na din yung spaghetti ko sa paper bag bago ko buksan ang lalagyan ng spaghetti ko hindi ko na natiis na mag-salita. "Alam mo yung tipong pinaglalaban mo yung course mo, yung tipong ikaw nalang ang nagbe-beg na mag-stay pa sa kanya. In the end, kung itatakwil ka na niya. Talagang itatakwil kana. Kung ayaw niya na, ayaw niya na." Tsaka ako sumubo ng spaghetti, tinapos muna ni Caden ang paglangot niya sa kinakain niyang kanin at fried chicken. "Kaya ba malungkot ka?" Tanong sa akin ni Caden, dahilan nang pagka-realize ko na hindi okay sa akin ang nangyari at hindi ako okay. Konti nalang ang mga tao sa park ngayon, dahil pagabi na din at nagsisipag-uwian na sila sa kanya-kanya nilang bahay, napansin ko din na mabilis ng mag-gabi dahil nagpaparamdam na ang summer. I cross my legs and hug myself. "Sino ba naman ang hindi malulungkot, kung mismong yung course ko na ang nag-taboy sa akin." He didn't say anything, nakikinig lang si Caden sa rants ko, kaya pinag-patuloy ko ang sasabihin ko. "Ganun na ba ako kabobo para ipagtabuyan niya? Ganoon na ba ako kahina para, mag-sawa siya? Ganun na ba ako kahirap intindihin? Bakit ganun, inintindi ko naman ang course ko. Sana maintindihan din naman yung sakripisyo ko." I rubbed my eyes, hanggang sa hindi ko na mapigilan na may pumatak na luha. "Ang masakit pa, parang sinampal sa akin na hindi ako deserving, wala akong mararating, nag-failed ako, talunan ako, wala akong kwenta kasi—" at this moment I felt Caden's arm, he hugged me the reason why i stopped talking. "Malay mo hindi talaga para sa'yo 'yan." He whispered. "But I don't believe sa statement na 'yan. Kasi diba kahit naman hindi ka gusto ng isang bagay o kahit para hindi sayo, gagawa ka ng paraan para makuha mo 'yun para maging successful ka, alam mo yun.. yung sa umpisa pa lang ginalingan mo na kasi gusto mong ma-achieve.." nakayakap pa din si Caden sa akin. "Kaso.. bigla nalang mawawala.."
"Caly, hindi lahat ng bagay akala mo sa'yo na, akala mo makukuha mo na, may times din na magiging way lang 'yun para maging ready ka sa mas matinding pag-subok."
BINABASA MO ANG
Forget-me-not
Teen Fiction"They only care, when it's too late." Sanchez family is anything but a normal family -- normal family para sa society. To introduce to you my family, let me tell you my mother -- step mother sa kaalaman ng pamilya, second my father who is current...