"Yun lang naman dapat ang aminin ko sa'yo!" Nalaman na ni Papa ng bagsak ako sa course na kinukuha ko at ang tungkol kay Caden. Ang resulta, nagkakagulo sa bahay nang dahil na naman ulit sa akin."Umamin na ako. Masaya kana? Masaya na kayo!?" tanong ko kina Ameth na nakaupo ngayon sa sofa, si Emerald na nakasandal sa pader, si Liza at si Leo at si Papa na nakatayo sa harap ko. Sa tanong ko na'yon, sampal ang inabot ko kay Papa.
Natulala ako sa ginawa niya, hinawakan ko ang pisngi ko na nakatikim ng sampal. Pinag-masdan ko sina Ameth at Emerald, wala man lang tumulong sa akin o kinampihan ako. Si Leo na umiiyak na dahil sa nakikita niya. Naaawa ako kay Leo.
"Ganito din pala ang mapapala ko sa inyo. Kapag ako, kailangan umamin, kapag kayo ano?"
Tinalikuran ko si Papa at makyat papunta sa kwarto ko. Sinara ko ang pintuan, sa sobrang inis ko, pinagsusuntok ko ang pader dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong aminin sa kanila, sila naman talaga ang may dapat aminin.
My hands felt the swollen and fiery. So this is me. I am really damaged, but never notice even myself. Ganito ako ka-fragile, pero hindi 'to nahahalata kasi natatakpan. Tinignan ko ang kamay ko, hanggang sa may naramdaman ako na isang patak ng luha sa kamao ko. Humiga ako sa kama ko para irelax ang likod ko. Pero ang pag-iyak ko ay tuluy-tuloy pa din.
"Mama.." ito nalang ang nasasabi ko. Tumingin ako sa study table ko, may nakita akong ballpen at papel. Dali-dali akong tumayo para kunin ang gamit ko na'to. Binuksan ko ang lampara at inumpisahan ko na ang pagsusulat.
To the residents of Sanchez Family,
Ang sulat na'to ay para sa inyo, maliban lang kay Leo. Masyado nang madami at mabigat ang galit na dinadala ko sa damdamin ko na nasa punto na hindi ko na kaya. Galit ko sa bawat isa na nasa loob ng pamamahay na ito at galit na hindi ko na makayanan dahil sa sikreto niyo sa isa't-isa. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa dahil sa araw-araw na nangyayari mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa sa malaman ang mga sikreto niyo na dahilan nang hindi pagpapatulog sa akin. Nakakasawa na. Nakakasawa na maging masama sa mga mata niyo, na ako ang laging problema sa bahay na'to, have you ever asked you ownselves? Ako nga pa ang may problema sa bahay na'to? Ako nga ba talaga ang may tinatago sa bahay na'to at ang may dapat aminin?
Kung tatanungin niyo ako kung bakit ako nagkakaganito dahil sa inyo! Imagine, nasa utak at dala-dala ko pa din ang kasalanan ng nakaraan. Gusto niyong may aminin ako? Bakit hindi naten umpisahan sa lumang sikreto na nababalot sa bahay na'to.
BINABASA MO ANG
Forget-me-not
Teen Fiction"They only care, when it's too late." Sanchez family is anything but a normal family -- normal family para sa society. To introduce to you my family, let me tell you my mother -- step mother sa kaalaman ng pamilya, second my father who is current...