Chapter 6

6 0 0
                                    

Stress and Anxiety.

Hindi ko alam kung paano ko aalisin sa buhay ko 'to, stress sa school tsaka sa bahay. Anxiety naman sa gabi, bago matulog. Paano ko maalis 'to? Paano ko malalabanan 'to? Lagi nalang akong umiiyak sa gabi, dahil hinahanap ko ang best ko. Ako lang ba ang nakakaramdam ng ganito, kung paano ko hahanapin ang best ko? 

I heard a sound. "So-sorry." My eyes, went round nang nakita ko si Leo. Nakalimutan kong ilock ang pinto, papunta na ako sa kanya pero umalis siya agad,natataranta pa siyang tumkbo. "Leo." Tinawag ko siya bago pa man siya makapasok sa kwarto, he turn around to face me. I pointed him, and asked him to come over. "Im sorry, I didn't mean to—"

"what happened to your face?" I directly asked him. "Wala to, nabangga ako sa puno—

"Nabangga sa puno, may black eye. Kailan pa nanapak ang puno? Di ako na-inform, bakit ako inukitan ko ang mga puno dati, wala naman akong nakuhang black eye." He lower his head. "May sumapak sa akin kanina." Mahina ang tono niya na parang ayaw niyang may ibang makarinig, tinitignan ko lang si Leo kung paano siya manginig sa harapan ko. 

"Leo, natatakot ka ba sa akin?" he nodded. "Hindi naman ako nanapak katulad nang puno pero bakit ka natatakot sa akin?" Hindi siya nagsalita. "pero, ngayon mananapak na ako pag di mo sinabi sa akin ang dahilan kung bakit ka nila sinapak." He lift his head, halatang-halata ang black eye ni Leo, I shut my eyes and heaved a sigh. "Please, huwag mong sabihin kina Papa and Mama."

"WHAT!? Paanong di ko sasabihin, tignan mo nga. Kulang nalang maging kamag-anak mo yung Panda sa hitsura mo.

"secret lang naten 'to." Secret na naman sa bahay na'to, ako nalang ba lagi ang taguan ng mga secrets. 

"Listen, Leo. Kung ayaw mong sabihin sa kanila, sabihin mo sa akin." After a pause,Leo  asked again in a sarcastic tone.  "How can I trust you?" My mouth fell open. 

"Nice question, Leo."

"Ate Emerald, told me not to trust anybody sa loob ng bahay na'to." he lowered his head "Don't listen to her. Ako ang pinaka-matanda dito. Tsaka kung sinabi niya na huwag kang magtiwala, edi dapat huwag ka din magtiwala sa kanya." 

"Tara." I extended my hand. "Saan tayo pupunta?" tanong sa akin ni Leo. 

"Sa kwarto mo, lalagyan ko ng yelo yang black eye mo." sumunod naman si Leo. Malinis ang kwarto ni Leo. "Leo, sino ang naglilinis ng kwarto mo?" tinitignan ko ang wkarto ni Leo, kulay navy-blue ang kwarto ang pader niya, may mga solar-system na design, spaceship.

"Ako lang." ibigay sa akin ni Leo ang isang ice bag.  "Akala ko si Mama?" kinuha ko sa kanya ang ica bag, tsaka ko siya sinenyasan na umupo sa kama.  "Ayaw ni Mama na madumi, kaya ako nalang ang naglilinis." dahan-dahan kong dinikit ang ice bag sa black eye na nakuha niya. "Ate, may ipapakita ako sa'yo." tumayo siya. Pumunta si Leo sa study table niya, napansin ko na may kinakalkal si Leo sa drawer niya. 

Isang folder. 

Lumapit siya sa akin na nakangiti, tsaka niya inabot. "Ano 'to?"

"Basta tignan mo nalang." Inutusan pa ako ng kapatid ko. Binuksan ko ang envelope, puno ng bond-paper. Tumingin ako kay Leo, nakangiti siya sa akin. "Bakit mo sa akin, pinapakita 'to?"

"Lagi kasi kitang sinisilip sa kwarto mo, pag nagpa-paint ka." tinignan ko ang mga drawings ni Leo, naalala ko noong kasing-edad ko si Leo. Lagi akong nagdra-drawing kasama si Mama. "Idol kasi kita Ate. Pag natatapos kanang kumain, binibilisan ko na din para makita ko ang pagpa-paint mo." 

"Pero hindi tayo allowed na magdrawing diba?" I asked him.

"Hindi ko naman pinapakita, ayoko na sirain ni Papa ang drawing ko." i gave him a smile. Tinitignan ko lang ang drawing ni Leo. "Kaya naman pala bumubukas ang pintuan ko." I heard Leo's chuckled.  "Opo, pag nakalock na wala na akong magawa." we both laughed. 

Pinuntahan ko ang eskwelahan ni Leo, para malaman kung sino ang may kagagawan sa kanya ng black eye, kahit kapatid ko si Leo sa tatay hindi ako papayag na tratuhin nalang siya ng ganito. Dahil, ayoko na may nang-aaway sa kapatid ko lalo na si Leo. Tinuro sa akin ni Leo ang nambu-bully sa kanya, agad akong dumeretso ng Guidance Office para ireklamo ang case ng kapatid ko -- kapatid ko sa ama. 

  "Huwag nang matanong, pupunta tayo sa school." Hawak ko ang kamay ni Leo ngayon, nag-volunteer ako na maghatid sa kanya ngayong araw ng Lunes. Nagtaka naman sila Papa dahil sa ginawa ko pero hinayaan nila ako. Lagi naman nilang ginagawa 'yon.   

"Sabi kasi nila, di daw normal pamilya naten. Lagi kasing pinag-uusapan yung pamilya ko, pag Family Day ako lang ang walang parents. Tapos inaasar pa nila ako." Andito kami ngayon sa isang Food Park kumakain ng pizza noong buhay pa si Mama hindi lang sa amusement park niya ako dinadala kung hindi sa isang Food Park, dahil dito gumagaan ang loob ko, kaya naisipan ko na dalhin din si Leo dito. Hindi ko alam na may ganito na palang nangyayari kay Leo. "Inaasar din nila ako kasi yung suot ko pare-parehas lang daw, hind daw ako naliligo."

"Paanong hindi naliligo, hindi ba inaasikaso ka ni Mama pag umaga?" 

"Kapag andiyan si Papa, pero madalas wala siya. Nagigising nalang ako late na ako, di na ako naga-almusal, di na rin ako naliligo. Toothbrush nalang ang gagawin ko, pag-uwi ko naman pagod na ako, kaya nakakatulog ako."

"Kaya ba madalas, hindi ka na rin nakakasabay sa dinner?" Kumagat ako sa pizza ko. Leo nodded his head.  "Alam ba ni Mama, tungkol dito?" he shrugged his shoulders. 

"Laging wala si Mama. Alam ko kasama niya mga kaibigan niya, naglalaro sila ng cards." Page- "Tsaka, ilang beses kitang gustong puntahan sa kwarto mo, kaso baka magalit ka." Dagdag pa ni Leo. "bakit naman?"

"kasi feeling ko, ayaw mo sa akin." I tapped his head "Don't worry Leo, malay mo next month or year may magbago." He raised his eyebrow. "Paano?" kumuha siya ulit ng slice ng pizza. I started to smirked, "May tinatawag tayong magic."

"Ate, ang tanda mo na naniniwala ka pa sa magic." he responsed sarcastically, I held his hand and gave him a warm smile. "Leo, change is always possible. Any time at any moment. You have to believe, lalo na sa magic ni Ate. Change is also a magic." We started to laugh. 

"Change." Utos ng adviser ko, nakailang palit na ako ng study pero wala pa din. Hindi ko na alam kung ano pang pag-aaralin ko. 

Umuwi ako n parang wasak ang mundo ko, ang mga kaklase ko magde-defense na, ako wala pang matinong study. Ilang araw na din akong walang matinong tulog, di nakakapasok sa ibang subject. 

Hindi pang-masteral ang dating..

Ito na yung best mo..?

May iba pa bang ibabato sa akin na tanong? Pagod na akong sagutin. 

Forget-me-notTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon