I received the news from the Philippines about Calypso.
I'm the worst, i let my best friend make a stupid thing, which I hate the most. I feel sorry for my friend.
Umalis ako sa tabi niya habang mabigat ang dinadala niya, hindi ko man lang siya natulungan. Wala man lang ako sa tabi niya.
Andito ako ngayon sa simenteryo kung saan inililibing si Calypso. Hindi ko mapigilan ang umiyak habang ibinababa ang kabaong niya, at inilalaglag ang mga sunflower at forget-me-not sa kabaong niya.
I witness the sorrow this day, kasabay ang unang buhos ng ulan, wala nang pakealam ang Sanchez family kung nababasa sila kahit pinapayungan sila.
Hawak ko ang sulat na binigay sa akin ng tatay ni Calypso, para sa akin daw 'yon. Gusto kong sermonan si Calypso habang binababa siya sa lupa ang dami kong tanong sa kanya, pero alam ko na tatawa lang siya at iiwanan kaming bitin na bitin sa mga sagot. Ganon si Calypso.
At inis na inis ako dahil hindi ko makuha ang sagot mula sa kanya dahil wala na siya.Unti-unti na ding nagsisipag-alisan ang mga tao pagkatapos ilibing sa lupa ang kaibigan ko. Nauna na ding umalis ang pamilya niya dahil sa sobrang basa baka magkasakit pa sila.
Ako nalang ang mag-isa kaya tumalikod ako para maka-alis, laking gulat ko na si Caden ay nasa likod ko. Walang payong, at hanggang ngayon umiiyak habang nakaupo. Nilapitan ko siya tsaka ko pinayungan.
"Kasalanan ko." nakakalungkot marinig, iniisip naming lahat na kasalanan naming lahat. "Kasalanan ko din."
He lift his head up. "Kahit naman isipin naten na kasalanan naten kung bakit siya nawala. Sa huli, binigyan niya pa din tayo ng pag-asa sa mga sulat niya. Sa tingin mo ba gusto ni Calypso na makita tayong iniisip na kasalanan naten na bawiin ang kanyang sariling buhay?" hindi kumibo si Caden.
"Sa tingin ko ayaw ni Caly 'yon." nakita ko si Knox na papalapit sa direksyon namin ni Caden. Kaya humakbang na ako paalis. Hindi ko gusto na magka-salubong kami, pero ito ang nangyari.
"Natanggap mo ba ang painting na ginawa niya para sa'yo?" tanong sa akin ni Knox. Napahinto ako sa paglalakad. "Oo, lahat naman tayo na napalapit sa kanya binigyan niya kasama ang letter."
"Kamusta kana?" tanong sa akin ni Knox hindi ko pinansin ang tanong niya sa halip umalis at sumakay na sa kotse. Pinagmasdan ko si Knox na lumapit kay Caden at binigyan ng payong.
Unti-unti, tumulo ang luha ko sa manibela na hawak ko.
"Mahal pa din kita, Knox. Sana tama si Calypso. We deserve a second chance."
BINABASA MO ANG
Forget-me-not
Teen Fiction"They only care, when it's too late." Sanchez family is anything but a normal family -- normal family para sa society. To introduce to you my family, let me tell you my mother -- step mother sa kaalaman ng pamilya, second my father who is current...