Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa kusina, napapadalas ang away sa bahay namin ang dahilan ay ang pera na nawawala sa wallet ni Papa.
Pero ngayong araw na'to, hinintay kong matapos ang bangayan nila bago ako lumabas sa lungga ko na'to.
Inayos ko na ang pinag-higaan ko , mula sa pagtupi ng unan hanggang sa kumot, hinawi ko na ang kurtina sa binata at diniligan ang mga bulaklak sa bintana ko, nakapag-ayos na din ako ng gamit kahit ang damitan ko hanggang sa makaligo na ako.
Dalawang oras din ang hinintay ko bago ako makalabas ng kwarto dahil sa tagal ng pag-aaway nila.
Hindi ko na natiis at kailangan ko ng uminom ng tubig kaya bumababa na din ako para pumunta sa kusina. Nakita ko si Papa na naka-upo at halatang may malalim na iniisip.
"Kailan lang may gusto kang bilhin ka, tapos nawalan ka ng pera." mahinahon kong sabi, pinag-aaralan ko ang reaksyon ni Papa — kung magagalit ba siya, matatawa sa sinabi ko. Pero wala siyang reaskyon. "Nawalan ka ba talaga ng pera o nagastos mo. Nagastos mo sa gusto mong bilhin, nagastos mo sa bago mong babae." dagdag ko pa, at doon ko nakuha ang atensyon niya. Ikinalampag niya ang mga gamit, pero kalmado pa din ako kahit na natatakot ako kung ano ang pwede niyang magawa sa akin.
"Ikaw, tumigil ka ha! Namumuro kana!" sigaw ni Papa sa akin, tsaka niya pinunto ang hintuturo niya sa akin. Inipion ko ang lakas ng loob ko at tumingin sa mata niya. "Ganun ba, paano kung hindi ako tumigil. Tutal di naman tumitigil yung pag-wala ng pera mo. Nagtataka lang kasi ako, nawawalan ka ng pera then the next day may bago kang gamit. Hindi ko alam kung conicidence lang ba o hindi. Pasensya kana Pa ha, ito kasi ang nagiging resulta ng pagtulong ko sa'yo at sa sikreto mo."
Alam ko na mali ang sagutin ang tatay ko nang ganun, dahil sabi nga ng nakakatanda, pambabastos yon, pero hindi ko na napigilan at sana mapatawad din ako ng mga nakakatanda.
Lumakad na ako papuntang quarto, kaso natigil ako tsaka ko hinarap si Papa.
"Oo nga pala, nakita lang kita noong isang araw na may kasama ka sa isang fancy resto, then the next day mawawalan ka ng pera. Don't blame me , kung may kalokohan kang ginagawa. Kasi napupuno na ako."Pagdating ko sa kwarto ko, wala pa ring text o message sj Caden, dahil busy sa pagre-review para sa board exam, sa sobrang bagot ko kumuha ako ng canvas at brushes, pero nang nasa harapan ko na wala akong mapinta.
Biglang pumasok sa isip ko ang academics ko na hindi ko alam kung ano ang gagawin ko at paano ko sasabihin kay Papa.
I took a selfie and send it to Caden. Kaso napangitan din ako sa kuha ko kaya ko naidelete sa messenger, dahil sa naalala ko na kahit idelete ko ang picture ko ay makikita pa din ni Caden. Mags-switch account sana ako kaso biglang pumasok sa isip ko na baka magalit si Caden pag binuksan ko ang account niya nang walang paalam.
Binibigay naman sa akin ni Caden ang account at password niya sa social media, pero hindi ko ito ginagalaw kaya naman napagpasyahan ko din sa huli na galawin ko na ang account niya tutal mag ide-delete din naman ako.
Nag-message ako na bubuksan ko ang account niya, para aware siya.
I log out my account on facebook tsaka ko binuksan ang account niya. Bigla akong kinabahan habang hinihintay ko na mag-loading ang account niya bago ko maidelete ang picture na sinend ko.
Pero bago ko mabuksan ang conversation namin, may biglang nag-pop out na messenger bubble sa screen ng cellphone ko. Inisip ko muna kung bubuksan ko yung message, tutal "sent a photo" lang naman ang nakalagay.
Pero mas lalo akong na-curious nang narinig ko ang message na may salitang chics at maganda, kaya agad-agad kong binuksan 'to.
Hindi ko kinaya ang nakita ko, si Caden na may kasamang babae. Si Caden na may hawak na beer at katabing babae. Si Caden na naka-akbay sa babae hababg hinahalikan siya neto sa pisngi. Si Caden na katabi ang babae habang suot niya ang bra at high waist short na nakadikit ang suso niya sa braso ni Caden.
BINABASA MO ANG
Forget-me-not
Teen Fiction"They only care, when it's too late." Sanchez family is anything but a normal family -- normal family para sa society. To introduce to you my family, let me tell you my mother -- step mother sa kaalaman ng pamilya, second my father who is current...