PART 1 : First School Day

28 4 3
                                    

-------
Bilang isang highschool student syempre i need to work hard para na rin sa future ko, gusto kong maging guro one day para maturuan ang mga kabataan pero bukod dun marami rin naman akong pangarap.

Unang araw ko palang ng highschool ay excited na ako, ang gaganda ng mga gamit ng mga kaklase ko, mga RichKid sila. Mahiyain kasi akong tao kaya kung minsan eh ako lang magisa sa sulok ng classroom namin. Pero kahit ganun bibo naman ako sa klase matalino naman ako kahit papaano.

Habang gumagawa ako ng assignment sa canteen ng mga oras na iyon, may biglang tumawag saakin.

"Laurence!!"

Nung una di ko pinapansin, kasi baka pagtripan lang nila ako

"Laurence!! Laurence!!"
Sabay may kumalabit saakin.

"Ahmm hello?" Ang bungad ko sakanya.

"Laurence Trinidad, Right??" Biglang tanong nya.

"Oo ako nga"

"Magpapaturo lang sana ako sa Math, Eh kasi kanina ang galing mong sumagot kay ma'am parang sisiw lang sayo lahat" pagpupuri nya saakin.

Nung una hindi ko alam ang isasagot ko.
"Sus, Luck lang talaga ang nangyari kanina"

"Pahumble pa sya, oh siya, pwede na ba akong magpaturo"
Sabay upo niya sa tabi ko

Nung una nahihiya ako sakaniya kasi mukha siyang mayaman at ang bango ng pabango niya parang isa siya sa mga RichKid ng School.

"By the way, I'm Charice pala. Charice De Vera"
Nakangiting sabi niya, sabay abot ng kamay nya.

"I'm Laurence Trinidad naman, Nice to meet you"
Binitawan ko ang ballpen na hawak ko at nakipagshake hands sakaniya.

Habang tinuturuan ko siya sa Math marami rin ang napagkwentuhan namin. Ewan ko, pero parang ang gaan ng loob ko sa kanya, kasi ang saya niya kausap.

"Charice!, Halika ka na dito hinahanap ka ni Mrs. Leah sa labas!!"
Sigaw ng isang kaibigan nya. At dali dali niyang kinuha ang mga gamit niya at tumayo sa kinauupuan niya.

Tumingin siya sakin sabay sabing
"Salamat ng marami ha, di ka lang pala Smart, Helpful din"
Sabay ngiti niya saakin. Tumango nalang ako dahil mukhang nagmamadali na talaga siya.

Maya maya pa, narinig ko ang tunog ng Bell namin.

"Okay, klase nanaman" sa isip isip ko.
Nagligpit na ako ng gamit ko sabay akyat sa susunod kong klase.

The Story Of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon