Sa buhay natin hindi natin maiiwasang dumaan sa mga pagsubok, mga pagsubok na akala natin ay ibinibaba tayo pero ang totoo, pinalalakas tayo at pinagtitibay. Binibigyan tayo ng pagkakataong magbago.
May mga bagay o tao sa buhay natin na ating makakasama sa paglalakbay pero di ibig sabihin nito na sasamahan nila tayo hanggang sa dulo at katapusan.
Cherish The Moments kasi You Only Live Once. Mga katagang luma na, pero malaki at mahalaga ang ibig sabihin. Hindi naman kasi natin alam ang mangyayari sa hinaharap kaya mas mabuti pa hangga't kasama mo, kapiling mo o sayo pa siya. Sulitin mo na ipadama mo kung gaano mo sya kamahal, dahil sa huli kung nakatadhana kayo sa isa't isa. Kayo talaga ang magkakatuluyan. Sa buhay natin di masamang magtry ng bago basta huwag yung nakakasama.
Hindi masamang magmahal ng isang tao, lalo na kung tunay ito. Ansarap kaya sa feeling na ung taong Mahal mo, Mahal ka din. Kaya habang Mahal ka pa niya, sulitin mo na, huwag mong ipadama na di sya mahalaga kasi kapag umalis siya baka magsisi ka. Hindi kasi natin hawak ang oras sa mundo, minsan kasabay ng pagbago ng oras ang pagbago ng isang tao, pero di natin sila masisisi kung talagang nagbago sila para sa sarili nila, lahat ng bagay may katapusan. Wala naman talagang forever, forever is a term na tumutukoy, hindi sa tagal ng isang bagay. Ito ay kung gaano katotoo ang isang bagay at kung gaano ito katagal na panghahawakan.
Maraming dahilan kung bakit tayo nabuhay sa mundong ito, isa na dyan ay para maging parte ng buhay ng isang tao, para maging kaibigan ng bestfriend mo at para hanapin ang tunay na magmamahal sayo. Kung di ka pa nakakahanap ng taong mamahalin ka ng totoo.. Maghintay ka lang at manalig sa Kanya, malay mo di pa kasi niya tapos isulat ang love story mo.
Huwag kang malungkot o mainggit sa iba, huwag mong pangarapin ang meron sila. Dahil, iba-iba ang tao, para iyang pagkopya sa test, pero hindi mo alam iba-iba pala kayo ng tanong.Ito ang palagi ninyong tatandaan.. Sa mundong ito, iisa ang sigurado, may taong magmamahal sa inyo at may taong nakatadhanang maging sayo. Huwag mong hanapin ang Love, Let Love finds you. Huwag mawalan ng pag-asa kung nahaharap ka ngayon sa iba't ibang klase ng problema, hayaan mo malalampasan mo rin naman yan lahat at sigurado ako dun. Mapagtatagumpayan mo at makikita mo na Worth It pala lahat ng ito.
========
Salamat po sa pagbabasa sa aking unang gawang libro. Nawa'y nasiyahan at natuwa po kayo sa inyong nabasa, maraming salamat po.. Stay Tuned po sa marami pang books na ongoing palang.Yours Truly,
TheMysteriousOne211x
BINABASA MO ANG
The Story Of My Life
RandomPaano mo ba malalaman ang tunay na dahilan kung bakit ka nabubuhay sa mundong ito?? Tama ba ang mga desisyong ginagawa mo?? Maraming mga pagsubok sa buhay natin na kailangan nating harapin at dapat nating malampasan, hangga't may pananalig tayo at p...