PART 5: Bestfriend

26 2 4
                                    

-------
Maya maya pa ay nakapunta na ako sa may parke at nakita ko si Charice na may kausap na isang babae na nasa mga 40's na siguro ang edad. Nakatingin lang ako sa kanila habang naguusap sila, nang makalipas ang ilang saglit ay sumakay silang dalawa sa Van pero may napansin akong nalaglag na kapirasong papel bago sila sumakay.

Kinuha ko ito at pilit silang hinabol ngunit bago pa ako makalapit ay nakaalis na ang Van na kanilang sinasakyan. Binuksan ko ang kapirasong papel na malapit nang mapunit dahil basang basa na ng ulan. Nakasulat doon ang number na "68". Nakakapagtaka ug number pero di ko rin naman alam kung ano ang meaning nito. Napagdesisyunan kong tumambay sa 7-11 na una naming pinuntahan ni Michelle.

" Sir yung payong nyu po" boses ng isang babae na nanggaling sa likod ko.

Ibinaba ko ang payong at may bigla akong narinig na tumatawa. Pagkatingin ko ay nakita ko si Michelle.

"Aba, ang lakas ng trip mo saakin ngayon ah hahahahaha"

"Ikaw eh nakakatawa ka tingnan" habang tumatawa parin siya na nakatngin saakin.

Tumigil siya sa pagtawa nang sabihin niyang
"Di ka nga nagpakita kahapon eh"

Hindi ko alam ang sasabihin sakaniya kasi baka magtampo siya kaya naman umisip nalang ako ng paraan para makalusot.

"Ahmm kasi ganito eh, nagyaya kasi si Charice na pumunta ng bookstore magpapaalam sana ako sayo kaso di na kita agad nakita"

"Kayo na ba nun ni Charice! Ikaw ah di mo sinasabi!"
Pangiting sabi niya. "Wala yun, gusto mo ngayon nalang tayo pumunta sa bahay kung gugustuhin mo"

Tumango nalang ako sabay dampot sa payong na nailapag ko dahil sakanya.

=======
Nang makarating kami sa Bahay nila nakita ko ang medyo kalakihan nito.

"Wow RichKid ka rin pala eh" pabirong sabi ko.

"Hahahahaha ako? Lol!" Nakangiting sabi niya at dumiretso siya sa loob ng kanilang bahay. Pumasok na rin ako at nakita ko ang tatlong babaeng nagaalalay sakaniya.

"Sino sila? Mahinang tanong ko.

" ahh sila, mga yaya ko sila.. Busy kasi sa trabaho si mommy at si daddy kaya halos di nila ako maasikaso, ung mga yaya ko lang ang nagaalaga saakin"

"Bago lang kasi ako dito, at sina mama at papa nasa dumaguete at dun nagtrabaho, bumibisita dito sa tuwing bakasyon o may okasyon" Dagdag pa niya.

"Buti ka nga eh, may mga magulang ka pa kahit papaano..."

Napalalim ang pagkukwentuhan namin sa sala habang kumakain na rin kami.

Maya maya ay nacurious akong magtanong ng mga bagay bagay sa kaniya tungkol sa pamilya niya.
"May mga kapatid ka ba?"

At nagulat ako nang bigla niyang iniba ang topic ng usapan namin.
"Ohh teka muna, ikaw naman magkwento sa inyung relasyon ni Charice"

"Oh bakit napunta ang usapan sakanya?"

"Uyyy Yiiehhh dali na magkwento ka na!"

"Ahmm kasi ano, ahmm,, wala lang ,ang cute kasi niya at mabait siya"

"In short? Crush mo!" Sabat niya.

"Siguro?"

"Aminin mo na sakaniya"

"Nahihiya ako eh"
Ewan ko ba kung bakit niya ako pinipilit pero pagdating sa babae sadyang mahina ako, torpe kumbaga.

Hanggang sa napalalim ang usapan namin at hindi namin namalayan ang oras.

"Hala! 7:30 na pala!"

"Oo nga" pagsang-ayon niya.

Nang papauwi na ako, nakita ko ang ngiti sa kanyang mga labi na tila nasisiyahan sa pagbisita ko sakanila. At umuwi na akong masayang masaya rin na nakapagusap kami ni Michelle.

The Story Of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon