PART 8: A New Discovery

20 4 3
                                    

-------
Nagising ako na basang basa sa luha ang unan ko, nakatulog pala ako.. Maya maya ay naalala ko si Michelle at naisip ang mga alaala naming dalawa, mga alaala naming magbestfriend na walang hihigit pa ang saya.

"Kaya ko ito, magkikita pa naman kami" pagpapalakas ko ng loob ko.

Nakarinig ako ng pagkatok mula sa pinto ng kwarto ko.

"Bukas!!" Pasigaw kong sagot at nakita ko si Tita Mary at si Thea.

"Laurence gusto ka lang kamustahin daw nitong si Thea"

Napaupo ako sa kama mula sa pagkakahiga at pinaupo ko sa tabi ko si Thea.

"Okay ka na ba?" Panimula niya.

Nakatulala lang ako sa sahig habang kausap niya ako.

"Alam mo Laurence, marami na rin akong naranasang ganyan. May mga tao talaga sa buhay natin na kung minsan darating pero kaagad din naman aalis, pero hindi naman lahat Laurence. Malay mo isang araw makita mo ulit siya, wala naman imposible sa mundo as long as nananalig at naniniwala ka sa Kanya."

Nakakapagtaka pero parang andami na niyang karanasan pagdating sa mga ganung sitwasyon. Napatingin ako sakanya ng saglit sabay napaluha.

"Laurence. Okay lang yan, marami pa namang pagkakataon, di pa naman ito ang huli eh, nandyan naman ung Crush mong si Charice ba un??"

"Paano mo naman nalaman iyan?" Pagtatakang tanong ko.

"Halos lahat kasi ng tungkol sayo ay naikwento na saakin ni Michelle"

Napayuko nalang ako at napaluha ng todo nang marinig ko ang pangalan niya.

"Laurence hayaan mo na,, kaya sa susunod Cherish The Moments! Wag mong sayangin ang pagkakataon habang nasa tabi mo pa ang isang tao iparamdam mo kung gaano sya kahalaga para sayo, at kung gaano mo sya kinakailangan,, para sa huli kahit na mawala sila atleast nakaexperience sila ng ligaya at saya sa piling mo"

Nabuhayan ako sa sinabi niya. At dali dali akong nagayos at kumuha ng pera sa ipon ko.

"Salamat nang marami Thea, alam mo ang swerte ni Michelle dahil naging kaibigan ka niya, aalis na muna ako saglit Salamat talaga sa pagpapalakas ng loob ko" pagpapaalam ko.

Napatango siya at napangiti, na nagbigay saakin ng lakas. Dumiretso ako sa Bookstore na una naming binisita ni Charice. Agad kong hinanap ang Recipe Book na nakatago sa pinakalikod.

Agad ko itong binili dahil may extrang pera naman akong naipon, gusto ko sana itong iregalo kay Charice para malaman niyang importante sya para saakin. Habang papunta sa Mall na madalas naming pagkitaan, binabasa ko ang RecipeBook na paborito niya at ang gaganda nga ng mga recipes doon at tila andali ring gawin. Maya maya habang patuloy kong binubuklat ang pahina nito, may napansin akong parang punit na pahina. May sulat itong nakalakip.

Charice de Vera, magkita tayo mamaya sa parke malapit sa bahay ng kapatid mo. Gusto ko sanang maipasyal ka kahit papaano, huwag mong kakalimutan iyon ah.

Nagmamahal,
Leah Morales

"Natatandaan ko na! Ito ang numero na nakita ko nakasulat ito sa Page 68!!" Sabi ko sa sarili ko.

Hindi ko alam kung nasaan na si Charice ng mga oras na iyon, pero matiyaga parin akong naghihintay sakaniya. Nakita ko siyang papalapit saakin na parang ang tamlay ng itsura nya.

"Oh, Laurence Why are you here? Ang alam ko diba di muna tayo magkikita ngayon?" Tanong niya saakin.

Binigay ko sakanya ang librong iyon at sabay tanong.
"Ano yung nakasulat dyan?"

"Huh? Edi mga recipes"

"Alam mo ang ibig kong sabihin"

"Huh anu ba yun? Teka nga at nagmamadali na rin ako may pupuntahan kasi kami ng mga friends ko" Sagot niya. Pero alam ko deep inside na nagpapalusot lang siya, hinayaan ko siya at umuwi nalang ako magisa.

The Story Of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon