PART 9: A New Beginning

17 2 3
                                    

-------
Nakatapos na rin ako ng JuniorHigh at nasa SeniorHigh na ako ng mga panahong ito, nagkita kami ni Charice noong una naming pasukan at magkaiba kami ng Section.

"Oh Charice! Kamusta na paano ba yan nasa Senior High na tayo!"

"Oo nga kakaunti nalang makakapag College na tayo!" Sagot niya.

"Oh paano ba yan pwede na ba ako manligaw!" Pabirong tanong ko.

Seryoso ang mukha niya at hinila niya ako sa Library ng School namin. Mukhang seryosong usapan ito dahil bibihira naman kasi siyang pumunta sa Library.

"Laurence may gusto akong sabihin sayo" Pambungad niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko gaya nung araw na pag-amin niya saakin na Crush nya rin ako.

"Sorry Laurence pero wala na akong gusto sa iyo"

Nang sabihin niya yun eh parang nagunaw ang mundo ko. Parang ang bilis ng mga pangyayari, doble doble, patong patong ang mga problema.
Bigla nalang siyang tumayo at iniwan akong nagiisa sa mesang iyon ng library namin. Hahabulin ko sana siya kaso lubha akong nasaktan sa mga sinabi niya. Buong araw akong lutang dahil sa mga nangyari, hindi ko maintindihan ang turo saakin ng mga guro namin.

Pagkauwi ko pagkatapos ng klase ay nakita ko si Thea na naghihintay sa harap ng eskwelahan namin.

"Sinong hinihintay mo diyan Thea?" Tanong ko.

"Oh! Nandyan ka na pala Laurence tara saby na tayo pauwi"

"Ah sige..." Sabay yuko at nakatulala lang ako sa lupa habang naglalakad.

Napansin niyang tahimik ako kaya siguro napahinto siya at humarap siya saakin.

"Laurence!" Nagulat ako sakanya.

"Laurence! Kung iniisip mo parin iyon, wag mong lunurin ang sarili mo sa mga problema gaya nun" dagdag niya.

Naikwento ko sakanya ang nangyari saamin kanina ni Charice at sobrang natuwa naman ako dahil handa niya akong damayan.

"Laurence nandito lang ako, pwede mo akong maging kaibigan at pwede mo akong ituring na bestfriend gaya ni Michelle" mahinahon niyang paliwanag.

Niyakap ko siya at sumandal ako sa balikat niya. Ramdam ko ang pagyakap niya rin saakin.

Nang makauwi na kami ay inihatid ko siya sa bahay niya.

"Lumabas ka sa may terrace ng bahay niyo mamaya" Pagpaalam niya saakin.

Napangiti nalang ako at saka pumasok sa loob ng kwarto ko, maya maya pagkatapos ko magbihis ay umakyat ako sa terrace gaya ng sinabi ni Thea. Napansin ko si Thea sa taas ng terrace ng bahay nila.

"Mukhang nakatulog yata siya doon" bulong ko sa sarili ko.

Habang pinagmamasdan ang maayo niyang mukha. Natatakot akong tingnan siya nang matagal dahil baka mahumaling ako sakanya at baka mahulog ako sakanya. Mahina kasi ako pagdating sa mga babae. Maya maya ay napansin kong dumilat siya mula sa pagkakatulog at nahuli niya yata akong nakatingin sa kaniya.

"Ehem ehem!" Pakunwari kong ubo para di niya mapansin na nakatingin ako sakaniya.

"Laurence nandyan ka pala!" Sigaw niya saakin.

Kumaway ako sakanya "Oo kakarating ko lang" palusot ko.

Nang kami ay nagkapalagayan ay naisipan naming mag charades nalamang, para pampalipas oras na rin. Nakakatuwang isipin na sa ganung paraan ay napasaya niya ako kahit papaano, maya maya ay umakyat ang mama nito na si Miss Lisa na may dalang tubig at tableta ng vitamins.
Niyaya niya si Thea na matulog na kaya't nagpaalam na siya saakin.

"Laurence!! Laurence!! Kita tayo bukas ahh matutulog lang ako!" Pasigaw niyang paalam saakin.

"Salamat nang marami Thea" pangiti at pasigaw kong sabi sakaniya.

Pagkababa ko sa kwarto ko ay andami kong naiisip, mga problema, mga masasayang alaala, mga nakalipas, at mga kahapong nagdaan na di na kailanman mababalikan.

The Story Of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon