--------
Halos ganito ang mga pangyayari sa araw-araw kong buhay, sa eskwela laging tumatabi saakin si Charice na lagi ko namang nakakausap. Pagkauwi ko naman ay lagi akong pumupunta sa bahay ni Michelle dahil halos isang kanto lang naman ang pagitan namin. Naging magbestfriend kami ni Michelle, kakaiba diba? Boy-Girl Bestfriend bihira yun! At unti-unti namang nahuhulog ang loob ko kay Charice.Magdadalawang buwan na kami sa eskwelahan nun nang niyaya ako ni Charice na kumain pagkatapos ng klase.
"Laurence! Pwede ka ba mamaya, I'm hungry kase eh, kailangan ko rin kasi ng makakasama" Pagyaya niya.
"Sige pero magpapaalam muna ako kay Michelle"
Nagpaalam ako kay Michelle at pumayag naman ito.
"Oh Laurence galingan mo pagporma mo boy!" Pangaasar niya.
"Susss!" Sabay ngiti.
Dumiretso na ako sa tagpuan namin ni Charice. Nagpunta kami sa isang Carinderia malapit sa school namin.
"Oh yan minsan lang toh, mamili ka na at manlilibre ako"
Hirit niya."Wow! Ano okasyon?"
"Ahh wala basta, oh dali na mamili ka na bago pa magbago ang isip ko"
Nagpagpasyahan ko na ring pumili ng aming kakainin. Habang kumakain ay masaya kaming naguusap, hanggang sa mapunta ang usapan sa di ko inaasahan.
"Uy Laurence alam mo ba may nagugustuhan ako sa klase natin"
Bumilis ang tibok ng puso ko ng sinabi nya yun, ayokong umasa kaya nagsabi rin ako ng saloobin ko."Ako rin Charice eh!"
"Oh??? Sino? Share naman dyan, Promise di ko pagsasabi"
"Basta baka ipagkalat mo eh at saka baka kapag nalaman nun lumayo ang loob niya saakin"
"Sus si Michelle ba?? Malay mo naman gusto ka rin ng gusto mo" sabay pagngiti niya saakin.
Ayoko na rin naman itago ang lahat sakanya kaya napagpasyahan ko ng sabihin ang lahat.
"Alam mo, Charice Crush kita"
Sabay pagyuko ko."Hayst Laurence pasensya ka na ah pero ung taong nagugustuhan ko, ikaw kasi yun eh" nagulat ako sa sinabi niya na parang nasa langit ako nang marinig ko iyon.
"So tayo na?"
"Sorry Laurence pero di pa ako handa pero okay lang ba sayo na crush-crush lang muna hanggang pagkatapos ng Senior HighSchool natin?"
"Oo ba" pumayag na rin ako kasi nasa 4th year narin naman kami ng Junior HighSchool.
=======
Araw araw na kaming nagkakasama ni Charice na para bang kami na pero wala pang label. Madalas siyang nakadikit saakin at ako naman itong namumula.Hanggang sa isang araw mula kami noon sa isang Mall at nang papauwi na kami.
"Laurence Salamat sa oras ah!" Sinabi niya saakin.
Kumindat ako at nagpasalamat din, di ko napigilan ang sarili ko na sabihing..
"I Love You Charice!"
Nakita ko ang pamumula niya at kahit medyo malayo na kami sa isat isa narinig ko ang sinabi niya na "I Love You Too"
Simula nang araw na iyon ay lagi ko na siyang napapanaginipan, marami kaming napupuntahan sa panaginip namin na para bang makatotohanan. Nakakamanghang isipin na may mga bagay talaga sa mundong ito na minsan sa panaginip mo makikita at mararanasan.
BINABASA MO ANG
The Story Of My Life
De TodoPaano mo ba malalaman ang tunay na dahilan kung bakit ka nabubuhay sa mundong ito?? Tama ba ang mga desisyong ginagawa mo?? Maraming mga pagsubok sa buhay natin na kailangan nating harapin at dapat nating malampasan, hangga't may pananalig tayo at p...