--------
Matagal tagal na rin ang lumipas simula noong nangyari ang mga bagay na di ko inaasahan nang magkakasabay. Sa ngayon natupad ko na ang mga bagay na gusto kong maabot, naging Guro ako sa Math.. Sa isang sikat na paaralan ng Jose Rizal University sa Manila. Nakakatuwang isipin na sa dinami-rami ng napagdaanan ko. Heto ako ngayon, matagumpay na naabot ang bawat pangarap na minsan kong pinagsikapan. Maraming problema ang dumating pero iisa ang kinapitan ko,, si God.3 years na akong nagtuturo dito sa Jose Rizal University. Marami na rin akong nameet na friendly teacher, Sina Mrs. Cruz, Mr. Linson at si Mr. Garcia.. Iba iba sila kaso may isa akong kakilalang guro na sakitin, si Mrs. Linsey lagi namin siyang sinusugod sa school clinic namin.
"Mr. Trinidad! Mr Trinidad! Kailangan ka po sa Faculty Room ngayon inaatake nanaman po si Mrs. Linsey!" Tawag saakin ng isa kong estudyante habang kumakain ako sa canteen.
Pumunta ako sa Faculty Room namin at dahan dahan naming ibinaba si Mrs. Linsey sa School Clinic, may isang bagong doctor na ngayon ko lamang nakita ang nagasikaso sakanya.
"Ahmm Miss, kamusta po ba ang kalagayan ni Miss Linsey? Matagal na po siyang ganyan pero gusto niya po talagang magturo" pagpapaliwanag ko.
"Ahh okay na naman siya Mr??"
"Mr. Trinidad po" sagot ko.
Nagtaka ako sa ekspresyon ng mukha niya na parang namangha o kung ano. Tinignan niya ang Professors ID ko, at bigla nalang niya akong niyakap.
"Ahm miss?? Bakit ano pong meron?"
"Boy!!! Di mo ba ako naaalala!??" Tanong niya saakin.
Pamilyar saakin ang linya na yun.
"Hala! Totoo ba ito!! Michelle Quinto ikaw ba iyan???!!" Pagkagulat kong tanong sakanya.
Niyakap niya ako ng sobrang higpit yung tipong ayaw na niya akong pakawalan. Iba na ang itsura niya noon, mas pumuti siya at pati pananamit niya iba na. Naging matagumpay na doctor na siya.
"Nakakamiss ka Laurencee!!! Ang tagal nating di nagkita"
Ansaya marinig ng mga boses nya na parang kailan lang mga bata pa kami. Nakakamiss talaga, andaming nagdaan.
"Labas tayo mamayang hapon" pagyaya ko.
"Ikaw ah di ka parin nagbabago!" Pang aasar niya.
Nung hapon na ay nagkita kami sa Jolibee malapit din doon, nagusap kami ng kung ano ano,, ilang taon din kami di nagkita halos 10 years yata.
"Kamusta ka na may Boyfriend ka na ba?" Panimula kong tanong.
"Uyy ikaw boyfriend agad ah, naalala ko pa ikaw pa itong may gusto kay Charice!!"
"Suss wala na yun matagal na rin kaming di naguusap nun"
Biglaang may tumawag sakanya.
"Ate Michelle, Ate Michelle bakit mo po ako pinapapunta dito?"Nakilala ko ang boses na iyon at pagtalikod ko ay nakita ko ang isang babae na may kasamang nobyo niya yata.
"Ohh nandyan na pala siya eh" biglang sabi ni Michelle.
"Sya na yan si Charice! Nalaman ko na Step Sister ko pala siya noon! Kakaibang tadhana eh noh?!" Dagdag pa niya
Hindi ko alam ang sasabihin ko sa mga nangyayari. Agad din naman silang umalis kasama nung boyfriend niya at naiwan kami ni Michelle na kumakain.
"Alam mo ang laking pagbabago ng itsura mo!!" Pagpupuri niya.
"Suss pumogi ba?"
"Kasi yumabang.. Jokee!!"
Hinawakan ko ang kamay niya. "So bagay na ba tayo ngaun?"
"Iba ka din ah anlaki ng pinagbago mo!!" Pagsita niya.
"Buti ako hindi nagbago" pabulong niyang sabi.
"Bakit?? Anong hindi nagbago?" Tanong ko
"Ahh basta halika na nga umalis na tayo dito at papaulan na, oh baka wala ka nanamang dalang payong ahh!!"
At sabay kaming nagtawanan... Kasabay ng paglipas ng panahon ang paglalim ng nararamdaman namin sa isa't isa.
Hanggang sa huli, siya ang aking gustong makasama..
BINABASA MO ANG
The Story Of My Life
RandomPaano mo ba malalaman ang tunay na dahilan kung bakit ka nabubuhay sa mundong ito?? Tama ba ang mga desisyong ginagawa mo?? Maraming mga pagsubok sa buhay natin na kailangan nating harapin at dapat nating malampasan, hangga't may pananalig tayo at p...