--------
Nakapunta kami ni Thea sa iba't ibang lugar dito sa manila. Ang dami na rin naming nalibot at ang saya saya pero dumating yung oras na kailangan na naming umuwi, nagpaalam siya saakin at narinig ko pa ang sinabi niya
"Laurence! Masaya ako at nakilala kita!" Habang nakatingin siya diretso sa mga mata ko.
"Ako rin naman Thea salamat sa iyo"
"Sana na naging masaya ka kasama ako"
"Oo naman! Ikaw ang nagbigay kulay sakin"
"Salamat!!" At dumiretso na siya sa bahay nila ngunit nang mapansin ko ay biglang nagunaw ang bahay nila na parang nagkaroon ng Sink Hole.Nagising ako mula sa pagkakatulog ko.
"Isa lang palang napakasamang panaginip" bulong ko sa sarili ko.
Agad agad akong lumabas upang makita ang bahay nila Thea at maayos naman ito. Walang Sink Hole o kahit anong nakakatakot na pangyayari maliban lang sa isa. Walang tao sa bahay nila, siguro namasyal sila kasama ni Thea.
Napansin kong wala rin si tita Mary sa kwarto niya kaya nakakapagtaka pero nagiwan siya ng aalmusalin ko.
Kinain ko ang iniwan niyang pagkain at dumiretso ako sa 7-11 para bumili ng iba pang makakain.
Nakasalubong ko si Tita Mary sa daan.
"Oh! Laurence?? Bakit nandito ka pa? Hindi ka ba pupunta ng ospital?" Tanong niya saakin. Bigla akong kinabahan na para bang nanghihina ang tuhod ko nang marinig ko iyon.
"Ba-bakit po tita? A-ano po meron dun?"
"Huh? Hindi mo alam?? Sinugod kagabi doon si Thea inatake daw ng Asthma nya mabuti pa puntahan mo dun kakagaling ko lang dun pero di ako pinapasok dahil inaayos pa daw ang kalagayan niya"
Nagmamadali akong pumunta sa ospital na sinabi ni Tita, mula doon ay nakita ko ang mama niya na si Miss Lisa.
"Ahmm Tita Lisa nasaan po si Thea" Pagtatanong ko habang namumugto na ang mga mata ko.
"Ahh nandun siya sa kwarto niya nagpapahinga na"
Nang sabihin iyon ni Miss Lisa ay nakampante ang kalooban kong malaman na ayos na siya at nagpapahinga na siya. Pagpasok ko sa kwarto niya ay nagtataka ako na wala naman tao dun at tanging unan na nakabalot sa kumot ang nakita ko.
"Tita nasaan na po siya?"
Biglang umiyak si Miss Lisa nang ituro niya ang kumot. Inakala ko sa unang tingin ito ay unan lamang na binalutan ng kumot ngunit nang paglapit ko ay nakita ko ang isang malamig na bangkay ni Thea Almonte...
Tumigil ang pagikot ng mundo ko, kasabay ng pagpatak ng bawat luha ko.
"Ano bang mali saakin! Bakit ako nagkakaganito lahat nalang iniiwan ako"
Wala na akong ibang magawa kundi umiyak nalang talaga hanggang sa napagod ako at nawalan ako ng malay.
=======
Nagising ako na nakaupo at pinapaypayan ng isang Nurse, katabi ko nun si Tita Lisa na patuloy paring lumuluha."Tita Lisa totoo ba?" Tanong ko sakanya.
"Laurence pasensya ka na.. Wala na siya, iniwan na niya tayo"
Hindi ko parin lubos matanggap na sa kabila ng nangyari ay mawawala pa rin siya.
"Ang tanging sinabi lang niya saakin kahapon bago siya matulog ay, Pakisabi kay Laurence tuparin niya ung pangarap niya bilang isang guro ha, pangarap rin kasi ni Thea ang pagiging guro"
Dagdag pa niya.Nakatingin nalang ako sa kisame ng mga oras na iyon. Para kasing masyado akong minalas sa buhay ko. Lahat nalang kasi nang dumadating ay siya rin ang pagalis, siguro nga tama si Thea, sinulit niya ang buhay niya sa piling ko at kahit papaano naging masaya naman ako doon.
"Salamat sa lahat Thea Almonte" malungkot na paalam ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Story Of My Life
RandomPaano mo ba malalaman ang tunay na dahilan kung bakit ka nabubuhay sa mundong ito?? Tama ba ang mga desisyong ginagawa mo?? Maraming mga pagsubok sa buhay natin na kailangan nating harapin at dapat nating malampasan, hangga't may pananalig tayo at p...