PART 4: Priority

29 5 1
                                    

--------
Kinabukasan.. Habang wala pa ang aming guro ay lumapit saakin si Charice.

"Uy Laurence, gusto mo bang sumama saakin mamaya dyan lang sa may BookStore sa tapat ng school natin"

"Sige sige, anong gagawin mo doon?" Tanong ko.

"Titingin lang naman ako ng libro, pero kung may pera ka naman bilhan mo na ako" pangiting sabi niya, sabay nagtawanan kami pareho.

Dumating ang teacher namin sa Filipino na si Ma'am Morabe at bumalik siya sa upuan niya at tumabi naman saakin si Michelle.

"Uyy sino yung babaeng yun? Girlfriend mo ba? Yieeehhh!!" Pangaasar niya sakin.

"Hala! Hindi noh. Kakilala ko lang yun dito, tumigil ka na diyan sa pangaasar mo baka makita tayo ni ma'am at patayuin rin tayo gaya nung si ma'am Bautista"

=========
Halos napalapit na rin ang loob ko kay Michelle kaya halos lagi lagi na rin kaming magkausap.

"Laurence, gusto mo pumunta sa bahay?" Pagtatanong nya. Nagulat ako syempre siya pa ang nagyaya saakin

"Sige ba"

"Magkalapit lang naman tayo ng bahay eh kaya okay lang yon"

"Kaya nga" mahina kong sabi habang nakangiti sakanya.

Maya maya pa nung naguwian na, tanaw ko na si Michelle na naghihintay saakin at papalapit na ako sa kanya nang biglang may kumalabit saakin.

"Laurence! I hope na di ka busy, sasamahan mo ba ako or what?"
Ang nagsalitang iyon ay si Charice, nawala sa isip ko ang pagpunta namin sa bookstore.

"Ahh oo nga pala sige, hintayin mo lang muna ako dyan"
Magpapaalam sana ako kay Michelle na mauna na.

"Dalian mo na tara na, nagmamadali rin kasi ako eh saglit lang naman tayo" pagpipilit niya.

Napilitan nalang ako at napayuko dahil baka kasi magtampo saakin si Michelle dahil hindi ko siya sinipot.

"Sana maintindihan niya ako" Bulong ko sa sarili ko.

Nang kami ay makarating na sa BookStore, dumiretso agad siya sa isang shelf at nang mapalapit ako doon ay napansin kong pamilyar ang librong binabasa niya.

"Ano yan?"

"Ahmm this?? Eto kasi ung lagi kong binibisita dito, A Book of Recipes mahilig kasi ako magcook" pagpapaliwanag niya.

Habang nakangiti siya saakin ay napatitig ako sakanya.

"Ang cute mo pala" pabulong kong sinabi

"Ano?" Pagtatakang tanong niya

"Huh? Anong ano? Ah-eh sabi ko bibili ka ba niyan"
Palusot ko nalang sabay dampot ng ibang libro.

"Wala kasi akong pera sa ngayon Laurence, bibilihan mo ba ako?"

Sabay tingin niya saakin at tawa.

"Chosss!!! Hahahahahaha biro lang ah baka totohanin mo naman"
Pangaasar niya.

Napangiti nalang ako habang patuloy pa ring binubuklat ang librong hawak ko.
Napagdesisyunan na naming umuwi dahil medyo dumidilim ang langit.

"Halaa! Tara na, papaulan na we still need time to walk para di tayo maabutan"

Napatango nalang ako dali dali niyang hinawakan ang kamay ko at hinila papatakbo.

Nang makarating na kami sa may parke, tila napatigil siya.

"Laurence mauna ka na, may titingnan lang ako"

"Huh? Hindi. Sabay nalang tayo hihintayin nalang kita"

"Di mauna kana dali papaulan na oh!"

"Paano ka"

"Okay lang ako dito sasaglit din naman ako, malapit na rin naman ang bahay namin dito"

Tinulak niya ako sabay ngiti saakin. Dumiretso nalang ako sa paglalakad at pagkatingin ko sakanya eh napakaway saakin. Nakakatuwang isipin na nakilala ko siya, ansaya niya kausap parang wala ka nang ibang hahanapin pa.

Nang makauwi ako saamin ay biglang bumuhos ang malakas na ulan.

"Hala! Wala yata siyang payong" ang sabi ko sa sarili ko, sabay kuha ng payong sa cabinet at dali daling lumabas. Habang tumatakbo ako papalayo ay narinig ko pa ang tawag ng aking tita saakin.

"Laurence saan ka pupunta?"

Hindi ko na pinansin si tita dahil na rin nagmamadali ako baka nababasa na ng ulan si Charice.

The Story Of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon