-------
Malapit na ang uwian nang bigla kong mapansin na umuulan pala."Hala wala akong payong!" Bulong ko.
Hindi ko namalayan na narinig pala iyon ng katabi ko."Oh! Bakit naman di ka nagdadala, alam mo naman na maulan ngayong August eh" sabi ng katabi ko na ngayon lamang ako kinausap.
Nagtuturo kasi ang masungit naming teacher ng mga oras na iyon kaya mahina ang paguusap naming dalawa na halos di na namin maintindihan ang isa't isa.
"Ahh kasi nakalimutan ko" paliwanag ko sakanya.
"Oh teka, san ka ba nakatira?"
Sabay kuha niya bigla ng ID ko."Malapit ka lang pala saakin eh tara at sumabay kana!"
"Naku! Wag na nakakahiya naman"
Ngayon ko lang kasi siya nakausap, ni hindi ko pa siya kilala."Laurence Trinidad at Michelle Quinto tumayo kayong dalawa!"
Pagsigaw saamin ng guro namin. Nahuli pala kaming naguusap kaya sabay na kaming tumayo habang nakayuko."Anong pinaguusapan ninyong dalawa dyan? Unang araw pa lang ng klase ganyan ng kayo?"
Hindi kami umiimik pareho dahil sa sobrang hiya na rin.
"Maiwan kayo mamaya pareho pagkatapos ng klase"
Ang pagalit na sabi ni ma'am.=========
Natapos na ang klase at umalis na ang iba naming classmate, dadalawa nalang kaming natira at lumapit kay ma'am."Ma'am pasensya na po kayo kanina" paghingi ng tawad ni niya. Habang ako eh nakayuko lang dahil hindi ko rin alam ang sasabihin.
"Sa susunod na makikita ko kayong nagdadaldalan sa klase ko ipapatawag ko ang mga magulang ninyo. Naiintindihan nyu ba ako!!??"
"Opo Ma'am" sabay naming wika sakaniya.
Pagkalabas namin ay sobrang lakas ng ulan. Inilabas niya ang payong niya at nakisukob na rin ako. Habang nasa daan kami ay nagkukwento siya ng kung ano-ano.
"Alam mo ba na ngayon lang ako nakapunta dito sa manila, taga Dumaguete kasi ako dati at mababait ang mga teacher doon"
Pagkukwento nya. Napapatango lang ako sakanya at nakikinig."Ano bang nangyayari sayo at ang tahi-tahimik mo diyan. Magsalita ka naman uyy!" Pagsita nya saakin.
"Oo nga pala.. Ako nga pala si Michelle Quinto bago lang ako dito at ikaw si Laurence Trinidad diba?" Sabi niya.
Nagulat ako dahil nakilala niya ako.
"Paano mo naman nalaman?" Nagtatakang tanong ko"Nakita ko sa ID mo kanina at narinig ko nung tinawag tayo ni ma'am"
"Ahhh oo nga pala nakalimutan ko"
Habang naglalakad, napadaan kami sa 7-11 at nagkayayaan.
"Tara dumito muna tayo, lumalakas kasi ang ulan. Pahinain muna natin baka mabasa ang mga bag natin" pagyaya niya.
Tumango nalang ako sabay sunod sakanya. Pagkapasok namin ay agad siyang umupo at tila pagod na pagod.
"May pera ka ba diyan? Manlibre ka naman" biglang sabi niya
"Sige meron naman akong natirang pera kanina"
At dali-dali ko siyang binigyan ng bente.Habang tinitingnan ko siyang naghahanap ng bibilhin ay natutuwa ako sakanya para kasi syang lalaki kung gumalaw.
Maya maya pa ay nakapili na siya ng pagkain at amin namin itong kinain.Pagkatapos namin ay dumiretso na rin kami sa sarisarili naming daan total wala na rin namang ulan ng mga oras na iyon. Habang naglalakad ako palayo ay naiisip ko parin siya, natutuwa sa tuwing naaalala ang bawat galaw niya.
BINABASA MO ANG
The Story Of My Life
Ngẫu nhiênPaano mo ba malalaman ang tunay na dahilan kung bakit ka nabubuhay sa mundong ito?? Tama ba ang mga desisyong ginagawa mo?? Maraming mga pagsubok sa buhay natin na kailangan nating harapin at dapat nating malampasan, hangga't may pananalig tayo at p...