PART 7: Is This A GoodBye

15 4 2
                                    

-------
Halos bibihira ko nalang makasama si Michelle dahil nakatuon ang atensyon ko kay Charice, mayroon akong napapansin na laging kasama ni Michelle isang babaeng mukhang pamilyar ang itsura naglakas loob akong lumapit at nang makausap ko sila ay doon ko lang nakilala ang babae, ung babaeng yun ay yung kapitbahay namin na magaling sumayaw.

"Oh! Ikaw pala Boy!" Pagbati saakin ni Michelle
"Ang tagal mong di nagparamdam ah, porket ba naging kayo na ni Charice??"

"Uyy hindi ah, sino siya Michelle??" Sabay turo sa babaeng kasama niya.

"Ahmm ako nga pala si Thea, Thea Almonte ang buo kong pangalan, Nice to meet you Laurence. Palagi ka kasing naikukwento nito si Michelle saakin simula nung nagkakilala kami" pakilala ni Thea.

Ahh Thea pala ang pangalan niya, ang lambing ng boses niya.

"Ahh ganun ba" yun na lamang ang naisagot ko.

Nagpaalam nalang ako sa kanilang dalawa dahil magkikita kami ni Charice sa araw na iyon.

=======
"Charice, Charice nandito ako!" Pagtawag ko sa kaniya na nasa kabila ng kalsada.

"Bakit mukhang natagalan ka yata" sabay kamot niya ng ulo niya.

"Ahh pasensya na, may nakasalubong kasi ako kanina"

"Oh siya, lets go na?"

Namasyal ulit kami ngayon at nagyaya siya na manood ng Sine.

"Tara samahan mo ako sa sinehan! Mukhang maganda ang palabas diyan"

Napatango nalang ako habang nakatingin sa mga mata niyang nakakaakit.

======
Nang matapos ang palabas ay nakita niya ang mga kaibigan niya, at dali dali siyang lumapit sa kanila.

"Laurence sasama ka ba saamin? Magmomovie Marathon kami sa bahay nila Nicole (Ang isa niyang kaibigan)"

"Hindi na mauuna na akong umuwi"

Kumaway pa siya saakin at naglakad na ako palayo, maya maya ay may nakita akong babae sa harapan ng bahay namin.

"Oh! Ikaw pala Thea ano ang ginagawa mo dito?"

"Ahh hinahanap ko kasi si Michelle, nakita mo ba siya"

"Hindi eh, kakarating ko palang kasi galing sa Mall"

Agad siyang tumakbo patungo sa parke, dumiretso nalang ako ng uwi upang makapagpahinga na rin. Nakita ako ng tiya ko na papasok na ng kwarto nang bigla niya akong tawagin.

"Laurence may pinapabigay nga pala sayo si Michelle, sabi niya utang nya daw yan sayo" iniabot ni tita saakin ang Bente pesos.

"Huh? Para saan toh?" Naalala ko, ang una naming pagkikita ni Michelle.

"Bakit niya kaya binigay ito at para saan naman kaya toh" tanong ko sa sarili ko. Biglang may pumasok sa isip ko at dali-dali akong nagpunta sa parke at nakita ko si Thea at Michelle na naguusap.

"Oh Michelle at Thea nandito lang pala kayo eh" bungad ko sa kanilang dalawa.

Nang mapatingin saakin si Michelle ay parang namumugto ang kanyang mga mata, tumayo siya sa kinauupuan niya at biglaan akong niyakap.

"Oh bakit Michelle anong nangyari??" Hindi siya makasagot kaya si Thea ang tinanong ko.

"Thea sabihin mo nga, anong nangyayari dito??

"Paalis na kasi si Michelle dahil susunduin na siya ng kanyang ina at dun na daw siya magaaral sa dumaguete" habang naririnig ko ang mga salitang iyon ay unti unting tumutulo ang luha sa mga mata ko.

Niyakap ko nang mahigpit si Michelle at sinabing
"Michelle mamimiss kita! Alam mo namang ikaw ang bestfriend ko eh"

Hindi ko man makita ang mukha ni Michelle pero ramdam ko ang pagluha nito sa likod ko. Maya maya may Van na huminto sa harap namin. Bumaba ang isang pamilyar na babae, at nung magsalita ito ay naalala ko. Ito ang babaeng kausap ni Charice dati.

"Hindi kaya siya ang..." Sa isip isip ko.

"Anak halika na at hinihintay ka na rin ng iyong ama" pagyaya ng babae kay Michelle.

Humiwalay sa pagyakap saakin si Michelle at tumingin sa mga mata ko. Nakita kong sobrang pula ng mga mata niya.

"Laurence, Laurence Trinidad wag kang magbabago ha!! Hintayin mo ako babalik ako sa tabi mo wag kang mag-alala di kita kakalimutan Boy BestFriend!!" Sabay pasok niya sa Van.

"Alagaan mo siya Thea ahh!!!!" Pasigaw ni Michelle kay Thea.

Hindi ko na pigilan ang sarili ko kaya napaiyak na lang ako habang pinagmamasdan ang Van na unti unting lumalayo mula saamin ni Thea, hanggang sa hindi ko na makaya at dumiretso ako sa bahay ko sabay pasok ng kwarto at doon ko inilabas ang lahat lahat ng sakit.

The Story Of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon