PART 3: My Life At Home

18 4 2
                                    

-------
Pagkauwi ko ng bahay nadatnan kong wala ang tita ko. Siya nalang kasi ang nagaalaga saakin simula noong iwan ako ng aking ina at mawalan ako ng ama. Mabait si tita, itinuring niya akong anak.

Nagpunta ako sa kwarto ko at wala pang bihis bihis, nahiga na agad ako sa higaan ko. At napatulala sa kisame.

May kumatok sa pinto ng kwarto ko at dali-dali ko naman itong pinagbuksan. Nakita ko si Charice.

"Hi Laurence! Dito ka pala nakatira?" Bungad niya saakin. Habang ako nagtataka.

"Ohh paano ka nakapasok. At paano mo nalaman na dito ang bahay ko?"

Hinila niya ako sa lamesa at nakita kong ang daming pagkain sa lamesa. Saktong nagugutom na rin ako kaya umupo na ako dinig table namin.

"Sino ang nagdala nito? Halika Charice kumain ka na rin"
Pagyaya ko sakanya.

Umupo naman siya sa harap ko na parang nahihiya pa. Habang kumakain ako ay napatingin ako sakaniya na nakatingin lang saakin.

"Oh? Bakit ayaw mong kumain? At teka nga muna pasensya na ahh, ikaw ba ang nagdala ng lahat ng ito?" Tanong ko pero nakatulala lang siya saakin.

Habang kinakausap ko si Charice ay narinig kong tumatawag si tita.
"Laurence, Laurence, Hindi ka pa kumakain!"

Nagising ako mula sa pagkakatulog ko,, hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.

"Panaginip lang pala ang lahat ng iyon" nagtatakang sabi ko sa sarili ko.

Dali dali na rin akong tumayo dahil nagugutom na rin talaga ako. Sumunod ako sa tita ko at nakita kong naghanda siya ng nilaga.

"Alam ko favorite mo yan kaya ayan, sige na kumain ka na diyan"

Hindi na ako nakatiis at kumuha na ako ng kanin sabay kain na rin.

"Tita, Salamat po.. Saan ka po galing kanina?"

"Ahhh nagpunta ako dyan sa bagong lipat nating kapitbahay" wika niya saakin.

Tumango nalang ako dahil sobrang sarap ng pagkain ko.

"Ahmm tita, sino daw po ba ung bagong kapitbahay natin dyan?"

"Si Miss Lisa,, Lisa ang pangalan niya. Mayroom siyang isang anak, kaso sayang di ko nakilala kasi wala siya nung mga oras na iyon. Bakit gusto mo bang makita?" Tanong niya saakin

"Ahh hindi tita, natanong ko lang, sa susunod ko nalang siguro titingnan tita"

"Sige, mabait naman si Miss Lisa kaya siguro pwede mo siyang makausap kung minsan"

"Opo tita" at pinagpatuloy ko na ang pagkain ko.

=======

Kinagabihan ay lumabas ako at napasilip sa kabilang bahay, may nakita akong isang batang babae na sumasayaw. Hindi ko masyado makita nang malinaw pero magaling siyang sumayaw.

Maya maya pa ay nakita ako ng tita ko at tinawag na rin ako papasok saamin upang matulog na rin.

The Story Of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon