xx

1.1K 71 8
                                    

- Shiela

"Huy girl, nasaan ka na? Kanina pa nagsisimula 'yung game!" bungad sa akin ni Zia nang sagutin ko ang kanyang tawag.

I took a deep breath. "Nasa library ako ngayon. Hindi ko alam kung makakapunta pa ako."

"What? Ano bang ginagawa mo diyan?"

"May pinapagawa 'yung prof ko, Zia. I'm so sorry." sabi ko sa kabilang linya.

"It's fine but I just want to tell you na nandito 'yung pinsan mo and hinahanap ka niya. Goodluck with your books, Shiela." and our call ended.

Napasinghap ako sa narinig. My cousin is here? For what?

Dali-dali kong tinapos ang aking ginagawa. Patakbo akong lumabas ng library at pumunta sa office, inilapag sa mesa ang tatlong pirasong bond paper na may laman na mga sulat na isang professor dapat ang gumagawa.

Pagkarating sa gymnasium ay agad kong hinanap ang aking pinsan. Hindi naman na ako nahirapan because most of the girls are looking at him. Alumni siya ng university namin and everyone respected his presence because he's one of the personality who made a huge impact in our campus. Siyempre, in a good way.

"Kuya Eros." tawag kong pansin sa kanya. Napatingin siya sa aking gawi at tinapik ang upuan na nasa kanyang tabi.

Nagtataka man ay umupo na lamang ako. "What are you doing here, Kuya?"

He smiled habang nanonood ng game. "I just want to check you out." he said. "And him."

Napatingin naman ako sa court at saktong pagtingin ko ay siyang pagpuntos ni Zeke. Muli kong tinignan ang aking pinsan.

"Zeke Motarde? You're checking on him? Bakla ka ba Kuya Eros?"

He gave me a bored look. Hindi siya nagsalita kaya muli akong nagtanong. "What do you mean ba?"

"Manood ka na lang ng game."

Curiosity is killing my system but I remained silent at nanood na lamang ng game. Wala pang isang minuto nang may sumiko sa akin. 'Pag tingin ko ay si Ziana lang pala.

"I thought you weren't able to come. Thanks to Kuya Eros at nandito ka." masayang sabi nito nang hindi inaalis ang paningin sa laro.

"Yeah." tanging sagot ko at tinignan ang scoreboard.

As of now, 2nd quarter, ang koponan namin ang lamang. Based on the goosips I'm hearing right now, ang kalaban ng basketball team namin ay maduming maglaro. And that supported their claim when in the middle of the game, kung saan magsho-shoot na si Zeke for points. Sobrang bilis nang nangyari ay nagulat na lamang ang lahat nang makitang nakahiga na ito sa sahig.

Wala sa sarili akong napatayo at tinungo ang baba upang makita ko nang malapitan ang kalagayn ni Zeke.

Namimilipit siya sa sakit habang yakap-yakap ang kanyang tuhod. Agad namang umaksyon ang mga medic.

Pagkatapos nilang mabigyan ng lunas si Zeke ay nahimas-masan naman ito. Tinulungan siyang makatayo at pinaupo muna sa bench. Nagulat na lamang ako nang may biglang umakbay sa akin. Pagtingin ko ay si Mason lang pala. Wait, what am I doing here? Bakit ako nasa court?

"Got yah." nakangiting saad nito. Narinig ko ang mga singhap at bulungan ng mga tao sa buong gymnasium.

Great, Shiela. Great.

Iginawi niya ako sa bench habang naka-akbay pa rin sa akin. Kaya naman inalis ko iyon at nandidiri siyang tinignan.

"Yuck, ang pawis mo kaya!" I said as I imagined myself na sobrang baho ko na.

He smiled and raised his both hands na para bang sinasabing suko na siya.

"I'm sorry." maloko niyang saad at tinulak ako palapit kay Zeke. Nanindig naman ang mga balahibo ko nang magtama ang aming mga mata. His eyes are furious, parang any moment ay makakapatay na ito ng tao. Masama ang tingin niya sa aming dalawa, lalo na kay Mason.

What the hell is happening?

"Cool bro, hindi ko siya aagawin."

Hindi sumagot si Zeke kaya naman ay tinapakan ko ang paa ng katabi ko. He gave me an annoying smile at tumakbo na papuntang court. "Bye, Lala!"

Muli kong tinignan ang taong nasa harapan ko. I took a deep breath. "Ayos ka lang?"

"I'm fine. You shouldn't be here, makakaalis ka na." cold niyang pagkakasabi at pinikit ang mga mata.

Fudge, bakit ba ako concern sa kanya?

I took out my unused towel at hinagis sa mukha niya. Napamulat siya ng tingin at masama akong tinignan.

"What's this?" takang tanong niya.

"Hindi ba obvious na towel 'yan?" lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Kinuha ko ang towel na nasa kamay niya at pinunasan ang pawis sa kanyang mukha.

I don't know pero bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko. At mas lalong nagwala ito when our eyes met. Punong-puno ito nang magkakahalong emosyon.

And I couldn't read it.

Nakataas pa rin ang aking kamay na tila ba tumigil rin ng kusa. I unconsciously took a deep breath when he touched my hand.

"Everyone's looking at us." he whispered at dahan-dahang binaba ang aking kamay.

Bago pa ako makapagsalita ay inunahan na niya ako. "And please, stop making this hard for me. Umalis ka na."

#EPHEMERAL

na-miss kong mag-update. at dahil matagal akong nawala, here's the UD!

votes and comments are highly appreciated.

sourgeon.2 0 1 8

EphemeralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon