— Shiela
"Mom? Dad?" tawag ko nang makapasok ako sa loob ng bahay.
"Anak, you're here." wika ni Daddy at niyakap ako. Gayon din ang ginawa ni Mommy.
Aww, I missed them so much.
Humiwalay ako ng yakap. "Aren't we going to the cemetery?"
Umiling silang dalawa at iginawi ako sa sala. Nagtataka man pero sumunod pa rin ako.
Napatigil ako sa paglalakad at napako sa pagkakatayo nang makapunta kami sa sala at makita ang mga taong naroon.
Si Kuya Eros at...
"You know Ezekiel, anak? Pareho kasi kayo ng pinapasukang university."
Si Zeke.
I nodded. "Yes Mommy."
Umupo na ako at pagkakataon nga naman, magkaharap kami ngayon ng lalaking iyon. Sinulyapan ko siya. Surprisingly, he's looking at me with a touch of concern. Wow, what's happening?
"Anak," panimula ni Mommy. "noon pa man ay active na kami ng Daddy mo sa mga orphanage. We volunteered sa mga projects nila at doon namin nakita ang Kuya Kiel mo."
"Kuya Kiel is an orphan?" gulat kong tanong.
"Yes, your Kuya is a precious orphan. Six months palang siya nang una ko siyang makarga. Your Daddy and I decided to adopt him." sabi ni Mommy nang nakangiti at para bang sumusulyap kay Zeke.
Okay?
"Two years old ang Kuya mo noon nang isilang kita, anak. Sobra niyang saya. He always makes you laugh pero 3 years after I gave birth to you, there's this scenario happened. Kiel's biological parents showed up. Kinuwento nila sa amin ang totoong nangyari kung bakit napunta sa orphan si Kiel. At ang sabi nila ay nawawala na si Kiel sa ospital pa lamang. They reviewed the CCTV at nakita ang isang nurse na may bitbit na sanggol. And that's Kiel."
"Binigay niyo po si Kuya Kiel?"
Daddy nodded. "As parents, alam namin ng Mommy mo ang nararamdaman ng mga magulang ni Kiel. Shiela, patawad kung nagsinungaling kami sa'yo."
Kumunot ang aking noo, "Pero bakit niyo sinabing patay na siya?"
"Iyon ang request sa amin ni Kiel bago siya umalis sa aming poder." sambit naman ni Mommy.
"Nasaan na po si Kuya Kiel ngayon?"
Ngumiti si Mommy at tumingin kay Zeke. Si Zeke naman ay mataman lamang na nakatingin sa akin.
"Nasa harapan mo na ang Kuya Kiel mo, Shiela."
.
#EPHEMERAL
votes and comments are highly appreciated.
sourgeon.2 0 1 8
BINABASA MO ANG
Ephemeral
Fanfiction[epistolary] It all started with wrong sent messages from Shiela, leaving no choice for Zeke but to fell in with. ↻ sᴏᴜʀɢᴇᴏɴ, 2018