xxxvi

967 49 2
                                    

— Shiela

After the revelations, agad akong umuwi sa dorm ko. Hindi ko kasi kaya ang atmosphere sa bahay and I needed to think of a plan. But I couldn't create atleast one.

Naglalakad ako ngayon patungo sa locker ko. Nang makarating ay napakunot ang noo ko sa nakadikit na sticky note roon.

And it says. Unblock me.  — Zeke.

Ahh, I almost forgot! Ni-block ko pala siya for the sake of my heart.

Pero hindi ko muna 'yan iintindihin. Nag-aral ako magdamag para sa test namin ngayon kaya kailangan ko nang bilisan dahil malapit nang mag-time. Inipit ko ang sticky note sa isa kong notebook at dali-daling naglakad papuntang first class ko which is Calculus.

The hell.

.

I'm bored.

Mabilis na natapos ang araw ko ngayon sa university. It's almost 8 PM and I'm done with my assignments. I don't know what to do next!!

Itutuloy ko ba ang paggawa ng thesis or tutunganga or matutulog?

Gusto ko man gawin 'yung first choice, pero di ko magawa. My brain is too pagod na to work.

Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang nakitang sticky note sa locker ko kanina. "OMG!"

I immediately get my phone and started to unblock him. Nang tuluyan ko na itong ma-unblock ay bumilis ng kabog ng puso ko nang makitang online siya ngayon.

"What the fudge?!" I exclaimed.

Nabato ko ang phone ko. Buti na lamang at sa kama ko iyon bumagsak. I can't lose my phone, not right now.

Para akong estatwang nakaupo sa silya at nakatingin sa phone ko. "'Wag kang mag-message please. 'Wag kang mag-message." bulong ko.

At gaya nang sabi sa hula, my phone vibrated and someone messaged me. Lalong tumiriple ang tibok ng aking puso nang makita ang pangalan niya. Zeke Motarde.

This is not I want. Huhu. 

Unti-unti akong tumayo mula sa aking upuan at dahan-dahang kinuha ito nang nakapikit. I composed myself. Nakailang breath in and out na ako pero parang hindi pa rin ako ready.

"Sheez, bahala na nga." binuksan ko ang isa kong mata at sinimulang basahin ang message niya.

Woah.

#EPHEMERAL 

votes and comments are highly appreciated.

sourgeon.2 0 1 8

EphemeralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon