xxxix

960 58 2
                                    

— Shiela

Its been 3 months since Zeke asked me.

Noong una, siyempre, I was shocked, fluttered and kinilig when he asked that question pero hindi agad ako nakasagot dahil marami akong mga bagay na iniisip. At isa na diyan ang conflicts sa parents ko pagdating sa relationship namin.

Pero bago ko pa 'yon masabi ay inunahan na niya ako. He said that he already solved that problem. Which I confirmed muna bago I said my yes to him.

Yeah, I know masyado nang matagal ang panliligaw niya. I'm a fan of old traditions and so as my family, that's why. Pakipot na lang in short.

Nandito ako ngayon sa library kasama ang kaibigan kong si Zianna. We're finishing our thesis dahil malapit na ang deadline nito.

"Shiela?"

"Yes, Zianna?"

Pumalumbaba siya at tinignan ako nang may pagtataka. "Kailan mo ba sasagutin si Bebe Zeke?"

"I'm just waiting for the right timing." simpleng sagot ko habang nagta-type sa laptop.

"Naku girl! Kailan pa kaya 'yang right timing mo?" Lalo siyang lumapit sa akin at may binulong. "Napapansin ko lang ah. Parang nagiging cold si Zeke sa'yo nowadays."

I creased my forehead. "Busy siya ngayon, magsisimula na kasi ang UAAP season next week."

Huminga siya ng malalim at sinamaan ako ng tingin. "'Wag kang iiyak kapag sinabi niyang nagsasawa na siya, I've warned you."

.
.

It's 4 in the afternoon and sa wakas, tapos na ang class ko. I decided to visit Zeke sa gymnasium para kumustahin siya dahil tatlong araw ko na siyang hindi nakikita.

"Lala!" salubong sa akin ni Mason nang makita niya ako sa entrance ng gym.

"Hey! Where's Zeke?"

"Ouch ah! Parati na lang si Zeke, paano naman ako?!" I sarcastically smiled at him.

Mason chuckled. "Joke lang! Nandon siya sa locker room. Bakit pupuntahan mo?"

"Yes!"

"What? Are you nuts?! Puro lalaki roon!"

"Tapos?"

He looked at me unbelievably. Hindi pa siya nakakasagot nang may pumito at tinawag ang surname niya.

"MARQUEZ!"

Tinignan niya akong muli at binigyan ng pagbabanta. "'Wag kang papasok, makakakita ka ng sawa." and he started to play the game.

Naguguluhan man ay pumunta pa rin akong locker room. Konti lang naman siguro ang nasa loob dahil halos lahat ng players ay nasa labas at naglalaro ng practice game.

As I stepped inside, napalaki agad ang mga mata ko. "Gosh." I exclaimed as I saw tons of men wearing nothing but a towel. Natigilan din sila at nabigla.

Hindi agad ako nakakilos at nabigla na lamang ako nang may tumakip sa dalawa kong mata.

"What are you doing here?" malamlam ang boses na tanong nito.

Si Zeke.

Bago pa ako makasalita ay narinig ko ang mga tukso ng ka-teammates niya. Ang ilan ay sumigaw at ang iba ay sumipol.

"Let's go." iginaya niya ako sa isang sulok kung saan walang taong naroroon.

Hinarap niya ako. Tila umurong ang dila ko nang makita ko ang mata niyang pwede nang makapatay. "Ano bang ginagawa mo rito?!" inis nitong tanong.

"I-I just want to check you out."

Bahagya niyang ginulo ang kanyang buhok. "Bakit kailangan mo pang pumasok dito?!"

I creased my forehead. "Bakit ka ba galit?!"

Zeke took a deep breath at sa isang iglap lang ay naging maamo ang kanyang mukha. "I'm not mad."

"Eh bakit ka ganyan?!" inis kong tanong at tinuro ang mukha niya.

Hindi siya sumagot at nag-ayos ng kanyang gamit. Pagkatapos niya akong sigawan?! Wow.

"Hoy Ezekiel Motarde! Tinatanong kita. Isa!"

"You need to go home."

"Dalawa!"

Tinignan niya ako nang nagmamakaawa. Tinaasan ko siya ng kilay. "Dalawa't kalahati! 'Wag mo tong papaabutin sa tatlo Zeke, sinasabi ko sa'yo!"

"Tat—"

"Okay fine." napangiti ako sa sinabi niya. I waited for him to speak up pero hindi siya nagsalita.

"Ano na?"

Umiwas siya ng tingin at bahagyang namula ang kanyang tainga. Really? Nahihiya ba siya?

"Nagseselos ako."

I was taken aback at hindi agad nakasalita.

"I'm freakin' jealous, Shiela and I hate this feeling. I don't want you to see other guy's body and I don't want to see you drooling for another dude. I know this may sound possessive but I want you mine, only mine."

#EPHEMERAL

sibs! hindi ko na alam sinusulat kooooo! votes and comments are highly appreciated.

sourgeon.2 0 1 8

EphemeralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon