xxix

1K 63 1
                                    

— Shiela   

Nakatungo ang aking ulo sa mesa nang maramdaman ko ang pagtayo ng aking mga kaklase at ang mabilis nilang paglalakad palabas ng pinto. Today's our Physical Education class, super terror ng prof namin dito kaya lahat ay takot na ma-late sa klase niya.

"Shiela," tawag sa akin ni Zia. "tara na, baka mahuli tayo sa gymnasium!"

Bumangon ako mula sa pagkakatungo and gave her a smile. "Susunod na lang ako, Zia."

"You're not feeling well ba? Gusto mo samahan kita sa clinic?" alalang tanong nito.

Mabilis naman akong umiling. "I'm fine. Mauna ka na muna."

Kahit ayaw niya akong iwan ay napilitan pa rin siyang umalis dahil mabigat ang parusang pinapataw ni Sir Cinco sa mga nale-late at absent sa class niya.

Pinikit ko ang aking mata at naghintay ng limang minuto. Sa totoo lang, hindi talaga maganda ang pakiramdam ko. Yeah, matigas ang ulo ko. Kasi naman, I stayed up all night thinking how dumb I am and how jerk Zeke is. Plus, I waited for him under the rain.

Woah.

I heaved a sigh before I decided to head in my locker room and changed my clothes.

"Take your consequences, Shiela." bulong ko sa sarili ko nang makapasok sa gymnasium. Malalang parusa 'to, panigurado.

Nakita ko ang mukha ng mga kaklase kong gulat na gulat at para bang kinakaawaan na nila ako ngayon pa lamang. Napansin ko ring hindi lamang kami ang narito sa loob. Kasama namin ang ibang course sa klaseng ito.

Kung saan naroroon si Zeke Motarde.

"CASTRO, YOU'RE 2 MINUTES LATE! 50 PUSH UPS AND RUN 5 KILOMETERS! NOW!" malakas na sigaw ni Sir Cinco sa akin. Agad naman akong umayos ng tayo at sumaludo sa kanya.

"SIR, YES SIR!" sigaw ko at nagsimula nang gawin ang parusa ko.

. .

Kakatapos ko lamang tapusin ang 50 push ups. And I'm currently running nonstop dito sa track.

Ramdam ko na ang pagod ko at mabigat na ang pakiramdam ko. Huminga ako nang malalim at pinilit na tapusin ang aking pagtakbo ngunit hindi na iyon kinaya ng aking katawan.

Huminto ako sa pagtakbo dahil sa nakahihilong pag-ikot ng aking paningin.

"SHIELA!"

"OMG, what happened to her?"

"LALA!"

And I found myself lying on the ground. Ngunit bago pa ako lamunin ng kadiliman ay naramdaman ko ang aking pag-angat sa lupa. Kasabay noon ay ang saglit kong pagbaling sa taong bumubuhat sa akin.

"Shiela."

Zeke.

#EPHEMERAL

sorry po talaga sa sobrang late update. sorry.

sourgeon.2 0 1 8

EphemeralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon