xli

851 52 1
                                    

a/n: one more chapter before the epilogue. love you guys!

Shiela

Malakas na ang sigawan ng mga tao nang makarating ako sa venue ng game. Nakasuot ako ng gray shirt to support our team.

Agad kong tinignan ang score ng dalawang team sa taas. Napangiti ako nang makitang nangunguna ang aming team. I know they can do it.

I looked for my seat na ni-text sa akin ni Zianna kanina. After sooo many years of paghahanap, at last I found her.

"ZIANNA!" I shouted dahil sa malalakas na cheer.

"HEY, SHIELA YOU'RE HERE! COME ON, UPO NA." she shouted back then her eyes were back on the game.

Hindi na ako nagsalita pa at nanood na lamang ng game.

.
.

4th quarter na and our team is at risk. Nakakahabol na ang opponent namin, five points lamang ang lamang pero malaking puntos pa rin iyon para sa amin.

Mas malakas pa sa tambol namin ang pagtibok ng puso ko. I chanted our cheer with willingness to win.

"WOAAAAAH! GO MARQUEZ!!!" sigaw ko nang maka-three points ito.

Maya-maya lamang ay pumito ang referee at he signalled time out for the opponent team. Ilang segundo na lamang ang natitira sa game and I could feel everyone's tiredness na. Lalo na si Zeke, aside from andami na niyang pawis ay halata mo na sa paghinga niya na pagod na siya. Gayunpaman, he stood like a soldier willing to become more tired para lang manalo.

Nagsimula na naman ang game at halatang pinapatagal na lamang ng kalaban namin ang game. Last 25 seconds and I literally shouted my prayers.

Nang maagaw ng isang player namin ang bola ay muling nabuhayan ang aming loob. Pinasa niya ito kay number 11, which is Mason pero hindi siya makatira kaya pinasa niya ito kay Zeke na nasa three points shot.

Yes, we need a three-point shot para maging lamang kami ng isa and Zeke is our key right now.

Tumayo na ako sa upuan ko at pagkalakas-lakas na sinigaw ang kanyang pangalan. Bahala na kung nakakahiya ito.

Last 5 seconds at parang tumigil ang lahat.

"GO EZEKIEL MOTARDE! KAYA MO 'YAN!"

Nagulat ako nang tumingin ito sa gawi ko at nginitian ako. Kasabay noon ay ang pagtira niya sa ring. Halos hindi makahinga ang lahat habang slowmo na tinitignan ang bola.

"YEEEEEES!!!"

Na-shoot 'yung bola at ilang saglit lang ay umugong ang buzzer na nagsasabing tapos na ang game. Nagtatatalon ako sa tuwa at niyakap si Zianna. I even hugged the person beside me kahit hindi ko kilala.

Why? I'm so happy kaya!

And I'm proud of Zeke.

.
.

"Congratulations!" masaya kong bati sa bagong ligong si Zeke. Yes,  I waited for him at sobra niya tagal pero it's not important anymore.

Diretso itong naglakad palapit sa akin habang nakangiti. That smile, I couldn't afford to lose those. "Thanks for coming," he hugged me. " and for cheering."

I hugged him back. "You all deserve it."

Humiwalay ako sa yakap at tinitigan ang kanyang mga mata. Nope, I can't. Hindi ko pa kaya.

"Hey, may problema ba?"

I creased my head. "Ang gwapo mo kasi kanina sa game." pero OMG! Napatakip ako ng bibig at nabigla rin sa sinabi.

"Woah." I noticed Zeke's face turned red.

"Yieee, kinilig!" sundot ko sa tagiliran niya. "Tara na! Gutom na ako." at hinila siya palabas para kumain.

#EPHEMERAL

votes and comments are highly appreciated.

sourgeon.2 0 1 8
   

EphemeralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon