xxx

1K 64 1
                                    

Shiela

"Bakit ako nandito?" tanong ko nang imulat ko ang aking mata. Agad namang tumama ang aking paningin kay Mason.

"Nag-collapse ka habang ginagawa ang punishment mo. You overused your energy." seryoso nitong saad, straightly looking at my eyes.

"Ilang oras na akong natutulog?" isa ko pang tanong.

"Almost 4 hours."

Napalaki ang mata ko sa narinig. What? Apat na oras akong nakaratay dito sa kama?

"Ehh, why are you still here? Dapat pumasok ka na!" taranta kong saad at mabilis na tumayo ngunit bago pa ako makaalis ng kama ay pinigilan na niya ako.

"Mason!" saway ko sa kanya. I really want to attend my class! I feel useless kasi kapag wala akong naiintindihan sa bawat subjects.

Pinilit niya akong paupuin muli sa kama at mahinahon akong tinignan. "Ten minutes na lang at tapos na ang last subject mo, same as mine."

I mentally made a face palm. Gosh, what did you do to yourself Shiela?

Pinilit kong alisin ang fact na wala akong natutunan sa araw na ito. I think of another question dahil hindi ko talaga maalala anv nangyari kanina.

"Paano nga pala ako napunta rito?"

"Obviously, someone carried you here."

"Sino?" taka kong tanong.

"Basta."

"Sino nga?" pagpupumilit ko rito.

"You don't have to know."

"Ikaw ba?"

"I wish I were."

"Sino nga kasi?"

"Masasaktan ka lang."

"Mason!" muli kong saway dito.

Tinignan niya ako na para bang ine-examine ang iniisip ko. Huminga ito nang malalim bago nagsalita.

"Fine," napangiti ako sa narinig. "it's Zeke who carried you here."

And my smile automatically vanished when I heard his name. Doon ko naalala ang mga nangyari; ang parusa ko, ang pagkahilo ko, ang pagsigaw ng lahat sa pangalan ko at ang pagaalalang nakita ko sa mukha ni Zeke ng mga panahong iyon.

. .
.

It's 4:30 in the afternoon when Mason and I decided to leave the clinic.

Sinukbit ko ang bagpack ko at nagsimula nang maglakad. Pero bago pa man ako makalabas ay may pumigil sa akin.

Si Mason.

Binalingan ko siya. "Ano na naman? Bitawan mo nga 'yung bag ko."

Hindi siya sumagot. Kinuha niya ang bagpack ko at muling naglakad. Hinabol ko siya sa paglalakad at may pagtatakang tinignan siya.

"Ano bang problema mo?" inis kong tanong.

"Hindi kita kayang bitbitin kapag nahimatay ka ulit." sabay ngiti nitong saad.

Napasinghap ako. Wow, ganoon ba ako kabigat? "As if namang mahihimatay ako sa simpleng pagbitbit ng bag."

"Kung alam mo lang, Lala, sobrang nahirapan si Zeke sa pagkarga sa'yo. Hindi ko talaga malimutan 'yung mukha niya noon. Para siyang may buhat na dalawang sakong bigas." sabi nito at tumawa ng malakas.

Pumintig ang tenga ko sa narinig at pinaghahampas siya. "Anong sabi mo? Dalawang sakong bigas?"

"Hahaha oo." sabi nito habang pinipigilan ang kamay kong humahampas sa kanya.

"Shiela."

Napatigil kaming dalawa ni Mason sa narinig. Malamig ang boses nito at may awtoridad.

At alam ko ang boses na iyon. Kilalang-kilala ko iyon.

"Zeke." bulong ko.

#EPHEMERAL

late update again. sorry po, ang hirap kasing maging student.
sana support niyo pa rin ito.

sourgeon.2 0 1 8

EphemeralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon