PAGLISAN MO

842 8 0
                                    

Paglisan mo
By: JustStupidgirl_27

Pagkakatanda ko'y ikaw ay Nagpaalam sa akin saglit,
Pero di ka na bumalik pa sa piling ko,
Di ko mawari kung bakit naging ganito?
Pag iwan mo'y kay bilis,

Sa isang iglap lang ay nawala ka na sa akin,
Paglisan mo'y pighati kong di maipaliwanag
Parang kailan lang ay kasama pa kitang nakaupo habang tanaw ang paglubog ng araw,

Nandito pa rin ako sinta,
Kung sa mo ako iniwan,
Umaasang babalik ka at,
Ako'y iyong pipiliin sa huli,

Sinta, pangako mo'y walang natupad,
Pangako mong napako,
Pagdaramdam ay di makayanan,
Tila wala ng pag asang babalik ka pa,

Pagmamahal mo'y tila kahapon lang,
Pero paggising ko'y tila bulang nawala,
Sa iyong paglisan sinta ko sana'y ingatan mo ang sarili mo,
Kahit luha ko'y tila ilog na rumaragsa,
Kaligayahan mo ang hangad ko.

SPOKEN POETRY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon