SAMPUNG ARAW (DEDICATED TO MRS. CAILEIGH)

508 7 2
                                        

SAMPUNG ARAW
By: JustStupidGirl27 (Queen Ash)

Sampung araw? Maikling panahon lang,
Pero di ko aakalain na puso ko'y mabibihag mo,
Sa panandaliang panahon,
Sa mundong hindi ko matiyak kung magiging totoo,
Kathang isip kung tawagin,
Pero di ko ide-deny na minahal kita ng walang pag alinlangan,

Sa dinami-rami ng katulad mong role player,
Puso ko'y pinana ni kupido sayo,
Hindi man kita kilalA sa tunay na mundo,
Ipinagdarasal kong magtatagpo tayo kung saan nag eexist ang tunay na tayo,

Sa RPW kung saan ako nagiging masaya pag ka chat ka,
Sa RPW kung saan din ako nasaktan ng lubusan,
Sa sampung araw di ko ma dedeny na naging parte ka na ng buhay ko,
Masakit mang isipin na akala ko ang pakikitungo mo'y may ibig sabihin,
Umasa lang pala ako sa wala,

Umaasa akong isang araw na babalik ka at sasabihing miss mo ako,
Nabigo ako,
Ilang araw kitang hinintay para sabihin yan,
Para mabasa ang katagang yan,
Ang pagiging ka chat natin ay sadyang wala lang pala sinta.

SPOKEN POETRY Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon