New Version of SAMPUNG ARAW

385 3 0
                                    

Sampung aaw simula ng makilala kita,
Sa isang mundong di katotohanan,
Sa mundong kathang isip lamang,
Na pawang pag papanggap lang ang lahat.
.
.
Sampung araw? Maikling panahon lang,
Pero di ko aakalain na puso ko'y iyong mabibihag,
Sa panandaliang panahon,
Sa mundong hindi ko matitiyak kung magiging totoo,
.
.
Sa dinami-raming role players sa mundong ito,
Tanging sa iyo lang pinana ang puso kong ito,
Hindi man kita kilala sa totoong mundo,
Ipinagdarasal kong magtatagpo tayo kung saan nag eexist ang tunay na tayo,
.
Sa mundong kung saan tayo pwedeng maging masaya,
Sa mundong tunay na pwede Tayong magsama habang buhay,
.
Sa sampung araw di ko maitatangging parte ka na ng buhay ko,
Masakit mang isipin pero hanggang dito lang ata tayo,
Sa mundong walang katiyakan ang pagmamahal mo,
.
Pagkakagusto mo sakin na gawa-gawa lang,
Paasa kung tawagin,
Umasa lang pala ako sa wala,

.
Nagbabakasaling babalik ka pa at sasabihin ang mga katagang "namiss kita",
Nabigo ako,
Hinintay kita,
Pero sadyang mapaglaro ang tadhana,
Nabigo akong Hintayin ka pa,
Sadyang hanggang Sampung araw lang talaga.

SPOKEN POETRY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon