MAHAL KO

1.3K 15 1
                                    

MAHAL KO
By: JustStupidgirl_27

Ba't ka nanlamig sa isang taon nating magkasama?
Nawala na ba ang yung pagmamahal na sinabi mo sa'kin?

Ba't ka nagbago MAHAL KO, akala ko ba ako lang?
Nag away lang tayo saglit humanap ka na ng reserba.

Di ka ba nakuntento? O sadyang nagkulang lang talaga ako?
Sana sinabi mo kung saan ako nagkulang ng mapunan ko,

Hindi yung paggising ko ay wala ka na,
Wala ni anino akong nasilayan mo,

Luha sa mata ay tila ilog na pumaparagsa,
Nangungulila sa iyong pagkawala,

Akala ko madali pero mahirap kang kalimutan,
Akala ko kaya kong wala ka sa paggising ko sa  umaga,
Akala ko di mo ako iiwan,
Hanggang akala lang pala ang lahat.
.......

Mahal ko, kung nasaan ka man
Hangad ko ang kaligayahan niyo,

Salamat sa pagiging parte ng buhay ko,
Kuntento na ako na naging akin ka sa panandaliang panahon,
Masakit man sa una pero nawala rin kalaunan,

Tanggap ko na na di ikaw ang nakadugtong sa akin,
Ika'y nakatadhana sa ibang tao at ako'y nakatadhana sa isang taong karapat-dapat.

SPOKEN POETRY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon