HUSGA

326 3 0
                                    

Akala mo kung sinong makapanghusga,
Yun naman pala walang ikabubuga,
Sana sa pagbitaw mo ng mga salita,
Iniisip mo sanang walang nasasaktan,

Di yung akala mong okay siya,
Yun pala sa kaloob-looban ay umiiyak na,
MALAS kung tawagin,
Kasi pinanganak ka sa mundong puno ng manghuhusga,

Akala mo kung sinong malinis,
Makalait sayo'y akala mo'y kagandahan,
Makapintas sayo'y parang perpekto.

Tao lang din ako, ikaw, tayo,
Na marunong masaktan,
Hindi ako bato para di magdamdam,
Tumatawa man sa inyong harapan,
Pag katalikod niyo, ako'y naiiyak,

Mas mabuti pang saktan niyo ako sa katawan,
Kesa sa pinapatay niyo ako ng salita,
Mga pasa't peklat ay nawawala kalaunan,
Pero salitang iyong iniwan ay dala-dala ko habang buhay,

Sana bago kayo mangHUSGA,,
ISIPIN niyo kung hindi kayo nakakasakit,
BAGO ka magkomento sa kanyang mga gawa

SPOKEN POETRY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon