UMASA
BY JUSTSTUPIDGIRL_27Nakilala kita sa di sinasadyang panahon,
Sa di inaasahang lugar,
Nagtagpo ang ating mga landas,
Nagpakilala ka at tinanggap ko rin ang iyong pakikipag kamay,Naging madalas ang ating pagsasama,
At napunta sa pagiging best buddies or what I called Bestfriend,Akala ko wala lang,
Akala ko di ako mahuhulog,
Yun pala ako lang ang nahulog sa sarili kong bitag,
Lahat ginawa ko para mahulog ka sa akin,
Pero sa huli nasaktan lang ako,
Umasang magugustuhan mo rin ako pabalik,Nagtagal ang palihim kong pagkagusto sayo,
Inakala kong di mo matutuklasan,
Yun pala ay alam mo na,
Kahit alam mp ng may gusto na ako sayo,Mas pinili mong magpaiwan sa aking tabi,
Isang araw tinanong mo ako,
Tungkol sa nararamdaman ko,
Di ako nag deny,Inamin ko ang matagal ko ng tinatago,
Hindi ka umimik,Sa sumunod na araw hinanap kita,
Di na kita nakita,
Hindi ko alam kung bakit,
Tinanong ko ang iba nating kaibigan,
Pero ni isa sa kanila walang alam kung nasaan ka,Kahit anong gawin kung umasang babalik ka pa,
Parang abong tinatangay ang aking pangarap na masisilayan ka pang muli,
Sumuko ako na may sapat na rason,
Kaya ko pala na wala ka sa buhay ko,
Nasanay lang akong nariyan ka sa mahabang panahon.
