AMA KO

428 5 0
                                    

AMA KO

Ama ko na siyang dahilan kung ba't ako naririto,
Ikaw ang numero unong lalaki sa buhay ko,
Pero ba't ganun?,
Pagtitiwala ko sayo'y nasira,
.
.
Simula ng kami ay iyong talikuran,
Di ko malaman ang dapat gawin,
Hahabulin o hahayaan ka sa'yong paglisan,
Ang sakit mang isipin,

.
Na ang minsang tao na hinangaan ko,
Ay siyang nagpatunay ngayon na walang kwenta ang mga lalaki sa mundo,
.

Di ko alam kung saan ako magsisimula Ama,
Luha ko'y di ko mabatid kung kailan titila,

.
Pag aaral ko'y naudlot,
Buhat ng kami ay iyong lisanin,
.

Pagtitig ko sa aking mga kapatid,
Ay siyang nag udyok sa akin,
Upang pagtatapos ko'y makamit,

.
Buong buhay ko saludo ako sayo,
Ni hindi ko minsan pinakinggan ang aking inang lumuluha,
Dahil atensyon ko'y para sayo lang,

.
Nagising ako, namulat ako sa mundo ng katotohanan,
Na lahat ng aking kinagisnan ay pagpapanggap lamang,

.
Lumapit ako sa aking inang walang patid ang pag luha,
At nagsalita,
"Ina patawad sa aking tinuran ako'y nagkamali",

Niyakap niya ako ng mahigpit,
At tumugon,
"Maging matatag ka aking supling ika'y walang kasalanan,

.
Lumaban ako sa kalungkutang nadarama,
Upang aking ina'y di mag alala pa,

Ama,
Kung nasaan ka man naroroon,

Salamat,

Sa minsang pagpapadama mo na may ama kami,
Mag ingat ka, Hanggang sa muli nating pagkikita

SPOKEN POETRY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon