Super late upload.. I hope you enjoy reading.. Thanks reading..
ROUND 013:
"Hindi ka mabubusog kong tititgan mo lang yan."
Halos magalaw at matabig ko ang cup nang marinig ko ang boses nya, sobra akong nagulat sa aura nya.
"Gising ka na?" Napatingin sya sa akin nang may pagtataka. Teka, mali pala ang tanong ko. Revise. "Will you knock? Ba't ba nanggugulat ka?"
Umupo sya sa tapat ko. I took the other noodles and open it then put it in front of him.
"Spicy noodles, oh, sa'yo na tong isa." Saka ko itinulak pa palapit sa kanya.
"You really like spicy noodles."
"All that spicy." Saka ako nag ilang subo sa bowl ko. Dapat ko bang sabihin ang mga nakita ko? Bakit pa? Tiningnan ko sya, di pa rin nya ginagalaw yung bowl. Lalamig na yun. "Hoy, Nakashima, kainin mo na yan." Singhal ko sa kanya.
"Ayaw ko nyan. Di ako kumakain ng pangmahirap." Biglang nairita ang tenga ko sa sinabi nya. Sobra bang mahirap ang lagay ko?
"Anong sabi mo? Hoy! Hindi ko yan binili sa turo-turo lang. I bought it in a descent Restaurant!"
Nanggigil na bulyaw ko pabalik sa kanya. How this man could really insulted me! "kainin mo na yan."
"Ayaw ko nga sabi!" Natabig nya yung cup at ang pobreng noodles, sahig na ang nakinabang.
"Hoy! Sayang yung food!" hinayang na hinayang na sabi ko sa kanya. Wala namang bahid ng panghihinayang ang mukha nya na parang sanay na sanay na syang magtapon ng pagkain.
Tumayo sya saka sinabing "Pulutin mo kung gusto mo." Lumapit sya sa Ref at kumuha ng isang pitsel ng tubig at nagsalin sa baso nyang inabot nya lang.
Nanggigil na sinugod ko sya. "Ano bang problema mo? Pati pagkain sinayang mo!"
BINABASA MO ANG
The Monster's Love story (BADBOY ROYALTY SERIES # 1)
Novela JuvenilBadboy Royalty # 1:'Gwapo nga, arogante naman. Mayaman nga, troublemaker naman. Hearthrob heck no, he's a snob. He's a Monster at pagsisisihan nyang ninakaw niya ang first kiss ko.' Yan ang tingin ni Aloudia sa famous and campus heartthrob, who's th...