Thank you po sa lahat ng nagbabasa..
ROUND 010:
Kung lagi pala akong nagbabasag ng gamit nya at tinatapon iyon sa maruming lugar, titino rin pala ang isang yun. Napapangiti ako nang maalala ko ang Cellphone nya. Lumipas na ang dalawang lingo, tiyak may bago na yung Cellphone. Di nya kasi pinapakita sakin, tuwing nararamdaman nyang parating na ako, agad nya yung tinatago. Abah! Dapat lang, talagang mauubos sakin ang gamit nyang pangmayaman.
Papasok na ako ng School nang makita ko na naman ang halimaw na nagpapalit anyo, de joke lang. Pasakay na ng kotse si Nakashima. Bago pa sya makapasok ng tuluyan sa driver's seat sinabayan ko na sya.
"Hey you! Get out of here!"
"Get out of here your ass. Sasabay ako sa'yo papunta ng School." Walang anu-ano'y sabi ko. Kahit naman may driver na pinapahiram sakin si Tita iba pa rin kapag iniinis ko si Nakashima. Yung tipong di lang sasakit ang ulo nya sakin kundi malalagas din lahat ng buhok nya. Kukunsumihin ko sya ng husto hanggang sya na ang lumuhod sa harap ko para tumigil na ako.
"And who said that?" Nagtaka pa, ano ba tingin nya sakin, multo?
"Me, myself and I. Mula ngayon, imo-monitor ko na ang pagpasok mo sa School." Pagmamayabang na sabi ko. Tingnan ko lang kung may kawala pa sya sakin. Kung ang Mommy nya kinakaya nya, pwes, ibahin nya ako.
"Damn!" Narinig kong nagmura sya ng mahina. Tsk! Nakashima, susuko ka talaga sakin.
"Sa driver ka magpahatid. I'm not going to school kaya baba!" Bigla nya akong tinulak, agad din akong bumawi. I really felt his breath in my face, napansin ko ring may pasa sya sa pisngi at putok ang labi nya.
Hinila ko ang kwelyo nya para mas lalo kong makita ng malapitan. "What's that?"
"Tanga ka ba e di sugat?" Engot na sagot nito. Dagdagan ko kaya ang sugat nya, nakakairita eh.
"Bobo ka! Tinatanong ko kung napano yan."
"The hell you care! I'm not asking your opinion, so get out of my car" paasik na sabi nya. Sinusungitan man nya ako ngayon pero bakit masnadadaig ang awa ko sa kanya. Bakit kaya sya napaaway? Hinagilap ko ang Medicine kit sa Comforter ng kotse nya pero wala naman dun.. It should be here and I hate it.
BINABASA MO ANG
The Monster's Love story (BADBOY ROYALTY SERIES # 1)
Genç KurguBadboy Royalty # 1:'Gwapo nga, arogante naman. Mayaman nga, troublemaker naman. Hearthrob heck no, he's a snob. He's a Monster at pagsisisihan nyang ninakaw niya ang first kiss ko.' Yan ang tingin ni Aloudia sa famous and campus heartthrob, who's th...