Chapter 1- Mr. Cool no more

29.4K 478 14
                                    

Ralph

"Para na kayong kambal ni Kuya Gab." Bungad ni Summer sa akin nang pumasok ako sa The Lakeside Resto-Bar na pag-aari naming tatlo ni Camilla. 

"Gaya-gaya ng gupit si Kuya." Sagot ko sa kanya bago ako dumeretso sa office naming tatlo at asikasuhin ang payroll ng mga tauhan namin. 

Ako ang may hawak ng mga waiter/waitress. Si Summer naman ang may hawak ng bar at si Cami ang chef namin ang may hawak ng kitchen. Pero in-all ako ang may hawak ng payroll.

Maaga kaming pumapasok na tatlo para isupervise ang mga trabaho bago pa magbukas ang resto-bar. Hands-on kami pagdating sa area namin kahit may Manager kami na kinuha.

Si Kuya ang sumunod sa yapak ni Daddy... sabi nga ni lolo, ang tatay ni daddy, ako daw si Mr. Cool. Chill lang lagi at peace maker kahit sa mga tropa namin. Hayaan ko na daw kay Kuya ang pagiging sundalo. Hindi naman sa hindi ko kayang humawak ng baril. Tinuruan ako ni Daddy pati na ang hand to hand combat. Hindi ko lang gusto ang away hanggat maari.

Narinig ko ang boses ni Violet sa labas. Ginawang tambayan ng mga yun ang The Lakeside. Kahit naman pagsabihan ko, tinitingnan lang ako ng lokong batang yun. Palibhasa bunso kaya saksakan ng kulit.

"Nagmumukmok na naman kayo dito?" Tumabi ako sa kina Violet, Sakura ay Xykie at tiningnan sila isa-isa. "Ano ang problema nyo?" 

"Wala lang." Sagot ni Xykie. 

"Ralph, bakit mga babaero kayo?" Tanong ni Sakura na ikinatawa ko. 

"Huwag nyo akong idamay... Wala akong kasalanan sa inyo, aba." Sagot ko sa kanya. Ano na naman ang ginawa ni Kiro at nagmamaktol itong si Sakura?

Kung bakit ba kasi hindi nila hayaang lumapit sa kanila ang mga lalaki? Ang gaganda naman nila, may mga pinag-aralan pa. Ang dami ring nagkakagusto sa kanila, yun lang takot sa mga magulang nila. Kung alam lang nila ang dami ng mga lalaking nagpupunta dito sa Resto-Bar namin hoping na makita sila. Bakit ba sila nagmamadaling magka-jowa? Hindi naman sila mauubusan.

"Hello..." Napalingon kami sa may pintuan. May isang babae na may dalang dalawang malaking maleta at bagpack ang nandoon. Nakajeans ito at jacket na pang-college. Nakataas din ang buhok na parang donut sa ulo niya.

"We are still close." Sabi ni Summer. 

"I'm sorry..." Sagot nito in a British accent. "I know you are still close...and I am wondering if you could help me." Sabi nito kay Summer.

Napahinto sa pagpupunas ng bar si Summer at lumapit sa babae na nasa dulo ng bar niya.

Nacurious ako kaya tumayo ako at lumapit kay Summer at sa babae. Sumunod naman si Sakura, Violet at Xykie sa akin. Inunahan pa ako ng mga ito na makalapit kay Summer. Chismosa talaga.

"Are you lost? Can we help you?" Tanong ni Violet. Hinarangan ako ni Sakura at Xykei na makalapit. Pilit ko silang hinahawi pero parang mga bata ito na nakikipaglaro sa akin. Ayaw nila akong paraanin.

"Yes... I am looking for Mark Cuevas." Sagot nito. Napatingin siya sa akin. 

At tumigil ang mundo... 

Ang bata niya at ang ganda. Given na hindi siya katangkaran. Hanggang balikat ko siya. Maamo ang mukha, matangos ang maliit na ilong. Ang kilay niya ay hindi drawing. Mahaba ang tunay na pilit mata at natural ang pagkapula ng labi at pisngi. 

Pero ano ang kailangan niya sa numero unong babaero ng Country Club? 

Bumalik ang tingin niya kay Summer.

"Please, I just want to talk to him." Ang sabi ng babae. She has a thick British accent that's making me think in-appropriate thing. Napatunganga ang mga kasama kong babae.

Mangiyak-ngiyak na ang babae nang paupuin muna sila Violet sa bar at binigyan siya ng tubig ni Summer. 

"May we know your name?" Tanong ni Violet sa kanya. 

"Mia." She replied. 

"Mia. I'm Violet. This is my sister Summer and my cousin Ralph. This is my friends Sakura and Xykie." Pagpapakilala ni Violet sa amin. 

"Hello." Nahihiyang bati niya. Tumingin siya sa akin at mabilis na nagbawi ng tingin.

"Why are you looking for Tito Mark?" Tanong ko sa kanya. I saw Violet and Summer rolled their eyes at me. 

What? Masama bang magtanong?

"It's more on personal and I am desperate to talk to him. Please I don't know how to find him anymore and I came all the way from London. My mom said that to go in here." Sagot nito.
Nakunot ang noo ko.

"Samahan ko na..." I volunteered.

"No... Kami na." Sagot ni Violet. "Maiwan ka. May work ka pa." 

"Foreigner or Filipino?" Tanong ni Xykie kay Mia. 

"Filipino. I just grew up in London. But I can speak Tagalog. It's just awkward with my accent." Sagot niya. Ang cute kaya.

"Samahan ko na rin kayo." Prisinta ko.

"Kaya namin." Sagot ni Sakura. Naningkit ang mga mata ko dahil nakangisi silang tatlo. These three she-devils. Masamang magsasama-sama itong mga 'to eh.

"May dala akong kotse." Sabi ni Violet. 

"May work ka pa. Baka magusot yang polo mo. Yang neck tie mo baka mawala sa porma." Sagot ni Xykie. Inayos pa nito ang necktie ko. Hinigpitan nito ang necktie at muntik ko ng dagukan ito nang sakalin ako. Tumatawa itong lumayo sa akin. Nagusot na!!! Hinubad ko ang necktie at isinabit sa balikat ko. Binukas ko din ang unang butones ng longsleeves ko.

"We will take you to Tito Mark." Sabi ni Sakura kay Mia. 

"Oh, thank you." Tumayo si Mia at iniwasan akong tingnan.

"You can leave your luggage in my office." Lumabas si Summer sa bar niya at sinamahan si Mia sa office namin para mailagay ang mga maleta. Tinaasan ako ng kilay si Ralph ng tatlong anak ni Lucifer.

"Bata pa yun, Ralph." Violet warned. 

"Wala naman akong sinabi." I crossed his arms. 

"Pero yung mata mo... naku, naku..." Sagot ni Sakura. 

"Bakit ba pinagtutulungan nyo ako ngayon?" Medyo naiinis na tanong ko. Hindi sumagot ang tatlo at nagsikuhan lang.

"Thank you, Summer." Sabi ni Mia. 

"Tara na. Gising na siguro yun." Yaya ni Xykie. 

Inakay ng tatlo si Mia palabas ng pintuan. Bumalik si Summer sa loob ng bar.

Lumingon si Mia sa amin at ngumiti.

"Thank you ulit..." Sabi nito kay Summer. Then she looked at me. "Thank you, Kuya." Sabi niya.

What...the...fuck!

Napahinto ang tatlo sa paglabas ng pintuan. Sabay-sabay pang lumingon sa akin. Si Summer nangpipigil ng tawa.

"Kuya," Violet mouthed bago sila makalabas ng pintuan kasama si Mia.
Xykie, Summer, and Sakura chuckled. 

"Na-kuya zone ka." Sabi ni Summer sa akin sabay tawa. "Mas malalaya yun kaysa sa friend-zone." Dagdag pa niya.

I looked at Summer and asked. 

"Mukha ba akong ka-age ni Tito P?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Nadukmo kakatawa si Summer. 

"At least si Tito P, Darling Perdo ang tawag sa kanya ng mga babae. Sayo, kuya eh." Sagot ni Summer. Umiwas ito nang hablutin ko ng necktie.

Iniwan ko siya at nagkulong na lang sa office namin. Bwisit!!!

With A Smile (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon