Chapter 10- Pep Talk

10.5K 344 16
                                    

Mia

"Mia, seryoso ako ha. Iwasan mo yung mga babaero na yun." Sabi ni daddy habang papunta kami sa bahay niya dito rin sa loob ng Country Club.

"Are they...uhhmmm... rake like you?" Tanong ko sa kanya. Sabay pa kaming nangiwing mag-sink in ang tanong ko.

"Like I said, hindi ko alam maging tatay sayo. I didn't know I had a child until you showed up. Akala ko tatanda na akong mag-isa." Sagot ni daddy.

"Hindi ko rin naman alam kung paano magkaroon ng daddy." I replied.

"Hindi ba nag-asawa si Amanda?"

"She did... Actually, I grew up with too many different step-dad. But no one gave me any importance. Mas madalas invisible ako sa paningin nila." Pagkukwento ko.

"Mom doesn't have a stable job kaya umaasa siya na if ever makakakuha siya ngboyfriend or live-in or even a husband, mayroon kaming pansamantalang masisilungan. Kaya iyon nga ang nagyari. After one relationship failed, she will look for another man para may bahay kami."

"I really didn't know about you Mia. I may not be the best dad, but I am sure I will not let any child, especially mine, will suffer like what you have experienced." Dad said sincerely. Natahimik kaming dalawa.

"How did she die?" Tanong ni daddy.

"Physical abuse." Huminga ako ng malalim.

"Nakatira ako sa isang dorm kaya hindi ako umuuwi kay mommy. I didn't know that her last husband beats her to death. Masaya kasi siya tuwing tumatawag siya sa akin. I have 3 jobs in London para makapag-aral lang ako. Then one day, the police called me. She was found dead in her husband's apartment. She was dead for a week when she found." Niyakap ko ang backpack ko. Sometimes, I feel guilty. I should have seen her kahit minsan lang.

"Jesus Christ." Daddy murmured.

"I sold my cello, violin and guitar so I have money for the cremation." I said softly.
Tiningnan ako sandali ni daddy bago tumingin ulit sa daan.
"Kailangan natin humanap ng Columbarium para sa mommy mo. Hindi pwedeng katabi mo lagi yung abo nya." Dad commented.

Pagdating namin sa bahay niya, binulabog niya ang natutulog na kasambahay.Binilinan na hindi na papapasukin si Rebecca sa bahay at pinabigyan ako ng isang kwarto. Napamaang ang matandang babae ng sabihin niyang anak nya ako.

Kinabukasan, habang kausap ko si Manang Flor sa kusina, pumasok si Rebecca sa bahay.
"Bawal ka daw dito." Sabi ni Manang Flor kay Rebecca.

"Mia, ikuha mo nga ako ng kape." Utos nito sa akin.

"Umalis ka na bago ka pa makita ni Mark." Galit na si Manang Flor. Yaya pala siya ni daddy buhat ng bata kaya Mark lang ang tawag niya. At dahil madalas wala sa bahay ni daddy at nasa Club Zero (nagclose na ang Below Negative sa Grace Hotel), si Manang lang ang kinuhang kasama ni daddy.

"Mia... hindi mo ba ako nadinig?" Sigaw ni Rebecca sa akin.

Hinawakan ako sa balikat ni Manang Flor at pinigilang tumayo.

"Ikaw babae ka... Ipapapulis na kita. Pinapaalis ka na. Uutusan mo pa itong bata. Wala ka bang kamay at paa? Palibhasa pekpek mo lang yang kaya mong paganahin." Sigaw ni Manang Flor.

"Lumabas ka...lumabas ka... Tatagain kitang higad ka."

Pero hindi natinag si Rebecca. Ako ang hinarap niya at sinigawan.

"Yung kape Mia... Bilisan mo...yung kape."

"Putang-ina, bakit nandito ka?" Sigaw ni daddy sa may hagdanan.

"Di ba pinalayas na kita kagabi pa? At bakit inuutusan mo si Mia?"

"Mark, kailangan nating mag-usap. You have to choose...Si Mia o ako?" Nakapamewang natanong ni Rebecca.

Napamaang ako. Hindi naman sa masama ang ugali ko, but what the bloody tarnation? Okay, maputi siya, medyo slim at nasa 30s siguro siya... Hindi ko pa siya nakitang walang make up so I am not sure kung maganda nga siya. But my dad is not bad...he has a look and body...babaero nga lang. You give a rake that ultimatum and you are out. As in tapos na kayo...period.

"Nagpapatawa ka ba? Kaya kitang palitan kahit mamayang paglabas mo ng pintuan. Kagabi ko pa sinabing umalis ka na. Ano pa ang ginagawa mo dito?" Nakaboxers lang si daddy nang bumangon. Baka nadinig niya ang sigawan.
"Manang, tumawag ka ng guard. Ipakaladkad mo yang babaeng yan kung ayaw umalis."

Nilagpasan ni daddy si Rebecca na nakapamewang sa sala.

"Hindi ka na makakahanap ng babae na kagaya ko." Sabi ni Rebecca.

"Mabuti naman. Now go... Wala akong panahon sayo." Walang amor na reply ni daddy.

Ganun lang ba lahat sa kanya? Kaya niyang palitan agad-agad ang mga babae? Parang nagtapon lang siya ng tissue paper kung magtapon ng tao palabas ng pintuan. Naaawa ako kay Rebecca kahit papaano.

"Hatid na kita sa labas." Sabi ko kay Rebecca. She hissed at me.

"I know my way out." Inirapan niya ako at binagsak ang pintuan paglabas niya.

"Dad, are you not going to at least be kind to her?"
Binaba ni daddy ang tasa na hawak niya. "Masyado ka pang bata para maintindihan mo ang laro namin. Hindi lahat ng babae ay desente."

Kasama din kaya si mommy sa babaeng hindi disente kaya napaglaruan mo din siya?

With A Smile (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon