Chapter 27- Something Inside

9.7K 276 12
                                    

Ralph

"Uy, gung-gong, ano yang pinaggagawa nyo diyan?" Bungad ni Jaxx nang sagutin ko ang video call niya.
"What do you mean?" Tanong ko.
"Anong what do you mean? Sige may isesend ako sayo ha. Tangina ka, hirap na hirap na akong maging abugado mo kay Mia." Sagot ni Jaxx.

Tumawa si London na nasa kabilang kama. Hirap maging roommate nito, laging nakikinig sa usapan.

Binuksan ko ang sinend ni Jaxx. It was Mia and him on his studio sa bahay nila Tita Merj. Mia is singing with her guitar. Pinanood ko ng saglit ang video and I heard few lines of the song. Bumalik ako sa video call ni Jaxx.

"Ano, nadinig mo na?" Tanong ni Jaxx.
"Maganda ang boses nya." I said. Saka namimiss ko na siya.
"Tanga hindi yung boses niya. Yung meaning ng kanta. Tang-ina ka... mag hang-over ka pa ba?"
Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko.
"Nakita nya ba ang mga pictures?" Lakas loob na tanong ko.
"Malamang. Direct send mo ba naman sa kanya. Nakagawa nga ng isang buong kanta eh." Sagot ni Jaxx.
Tumawa na naman si London.

"Galit ba?" Tanong ko ulit.
"Pambihira ka kasi. Sinabi ko nga sa kanya na hindi ka babaero tapos magsesend ka ng ganung pictures."
"Galit nga?" Tanong ko ulit.
"Malungkot." Sagot ni Jaxx.

Napabuntong hininga ako.
"Hindi ko man gustong ikwento yung nangyari sa iba, kinuwento ko tuloy para lang malaman niya na ganun ang nangyari sa Stag Party nyo. Na hindi ka nag-iisa. Na may mas malamang nagyari kaysa sayo. Tang-ina, damay-damay na kayo." Natatawang sagot ni Jaxx.

"Uuwi na kami bukas. Nasa Country Club ba siya?"
Tumango si Jaxx.
"Ingatan mo si Mia. May phobia na yung tao sa mga ginawa ng tatay niya, dadagdagan mo pa." He said.
"Sige Jaxx. Salamat, pre."
"Ano gusto mong pasalubong? Gusto mo ba ng blonde?" Sigaw ni London.
Natawa si Jaxx. "Tado... may blonde din dito. Dumayo pa kayo." Sagot nito.
Pinanood ko ulit ang video na sinend ni Jaxx sa akin. Pinanood ko ng paulit-ulit hanggang sa makabisa ko ang lyrics ng sinulat ni Mia.

Parang may civil war sa loob ng eroplano.
Ang tahimik...literal na hati ang seating arrangement. Boys sa kaliwa dahil mahilig daw kumaliwa sabi ni Khaleesi.
Girls sa right, dahil lagi raw silang tama sagot ni Rome.

At nakagitna ako, si London, at ang dalawang couple na walang ginawa kung hindi tawanan sila at ako— si Camilla at Saint and Kiro at Sakura. Naiwan si Brook at Summer sa Cordonia.

"Ralph, meron ka na bang speech pagdating mo?" Tanong ni London. I groaned dahil napatingin lahat sa akin.
"Shut up." I told him.
"Ikaw Kuya Rome?" Tanong ni London.
"Ipapabugbog kita kay Kiro kung hindi ka tatahimik." Sagot ni Kuya Rome. Tuwang tuwa si London sa pang-aasar.
"Kapag kasi inuman, inom lang." Sabat ni Saint.
Tumawa si Kiro at London. Sila lang ang maingay sa eroplano. Sinusutsutan sila ni Camilla pero tuloy pa din sila.
"Tingin lang, huwag hahawakan." Dagdag ni London.
"Fuck you." Bulong ko. Inilagay ko ang eye mask para hindi ko makita ang gagong si London. I pretend to be asleep.
"Isang sulyap lang, huwag ng susundan ng tingin." Sabi ni Kiro.

Halos lahat ng nasa kaliwa minumura silang tatlo. Sulsol pa... kapag ang eroplano na ito bumagsak kapag nagwala ang mga nasa kanan, kasalanan ninyong tatlo, London.

Paglapag ko sa bahay, naidlip ako saglit at nagising sa tawag ni Chase.
"Punta ka dito sa Club Zero." Sabi nito.
"Kadadating ko lang."
"Nandito si Mia." Sabi niya.
Napaupo ako sa kama. Nawala ang antok ko.
"Nagpapractice sila ng banda ni Jaxx. Baka lang gusto mong pumunta." Sabi niya.
"Sige papunta na ako." I replied.

Sarado pa ang Club Zero para sa ibang customer pero laging open ito sa amin. Anytime pwede kaming pumunta at tumambay.

Nandoon na si Violet, Sakura, Chase at London ng dumating ako. Nasa stage si Jaxx at Mia kasama ang banda niya. Dala ni Mia ang cello na binigay ko sa kanya.

"One man band pala si Mia." Sabi ni Violet na akin.
"Kanina piano, tapos cello...ano pa alam niyang tugtugin?" Tanong ni Sakura.
"Violin, guitar and harp." I replied.

Pinapanood ko si Mia habang nakikipag-usap kay Jaxx at sa kasama nilang isa pang guitarist. Tumango siya sa sinabi ni Jaxx at pumuwesto ulit sa cello.

Nakapikit si Mia ng nagsimula siyang tumugtog. It's a classic song na hindi ko alam ang title, then they incorporate it to the slow rock ballad na sinimulang tugtugin nila Jaxx.

It's the first thing you see as you open your eyes
The last thing you say as your saying goodbye
Something inside you is crying and driving you on
'Cause if you hadn't found me
I would have found you
I would have found you

Kung paano nila naipasok ang classical song ay hindi ko alam. Ang alam ko lang ay kailangan ko si Mia at natatakot akong lapitan at kausapin siya. Naduduwag ako sa kung ano man ang sasabihin niya. Baka sabihin niyang huminto na ako at tapusin na namin ang nasimulan namin. Baka tawagin na naman niya akong Kuya.

-------------
A/N

OST talaga sa August Rush na movie ang song...But for the sake of our story
let's pretend nasi Jaxx angnagcompose... Salamuc

With A Smile (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon