Chapter 26- Break-up Song

9.6K 282 7
                                    

Mia

Mabuti na lang at tapos na ang finals ko nang ma-receive ko ang mga picture na sinend ni Ralph. Mukha namang siyang nag-eenjoy. I wonder kung way nya yun para sabihin na, "I can replace you in a nick of time, Mia."

"Mia..."

Hinanap ko ang sumigaw ng pangalan ko and I saw Jaxx at a porch, 2 houses away mula sa tapat ng bahay namin. Kinawayan ko siya and he jogged papunta sa bahay namin. Nakaupo ako sa steps sa porch hawak ang gitara at may notebook sa lapag.

"Do you live there?" Turo ko sa bahay na pinanggalingan niya.
"Yeah." He replied at umupo sa tabi ko. Kinuha niya ang notebook at binasa.
"Nagsusulat ka pala ng kanta?"

I make face at kinuha ko ang notebook sa kanya.
"Sometimes. When the mood is not right." I reply.
Bahagyang tumawa si Jaxx. "Kunin ko ang gitara ko. Hintayin mo ako diyan." He jogged back to their house.
Bumalik si Jaxx na dala ang acoustic guitar niya.
"Let's see." Sabi nito. Kinuha niya ulit ang notebook ko at tumipa ng ilang notes bago niya nilagyan ng chords ang mga wala pang chords sa ginawa kong kanta.
"Ano 'to, break up song?" Biro niya nang ibalik sa akin ang notebook.
I played the chords that he put and softly sing the lyrics that I wrote earlier.
"Hindi naman. Nasa mood lang talaga ako na gumawa ng kanta." I replied.
"Sige... simulan mo daw. Tapos irecord natin sa studio sa bahay." Sabi ni Jaxx.

Sinundan ko ang chords na ginawa namin ni Jaxx. Nakagitna sa amin ang notebook habang nakaupo kami sa hagdanan. Makulimlim ang langit at malamig ang hangin. Tahimik ang paligid maliban sa gitara naming dalawa. I started to sing without even realizing it.

Heto na naman ako,
Nag-aabang ng bago sa istorya ko
Paulit-ulit na lang
Paulit-ulit na lang.

Then Jaxx sings the second verse.

Heto na naman ako,
Tinitignan sa'n nagkamali ang puso ko,
Parang walang katapusan
Walang katapusan.

Ang ganda ng boses nya. Pwede sa rock, pwede sa ballad. Tinanguan ako ni Jaxx, telling me to sing the next verse.

Kahit pilitin pa'ng sarili
Ibiginkangmali,
Ako'y Mali
Ako'y Mali

Sumabay si Jaxx sa chorus, our voice are harmonizing. Para siyang nagtatanong?  Para din siyang nasasaktan.

Paano ba ang magmahal?
Palagi bang nasasaktan
Umiiyak na lang palagi,
Gusto ko nang lumisan.

Paano ba ang magmahal?
Kailangan bang nasasaktan
Lagi na lang, di maaari
Ngunit ayaw lumisan.

"Do you have a problem?" I asked him after naming tapusin ang kanta.
Natatawa siyang umiling. "Hindi ah. Sinasabayan ko lang ang sinulat mo."
Tumango-tango ako. He has emotions when he sings. Ang galing niya.

"Problema mo na naman?" Tanong ni Jaxx.
Umiling ako. "Hulaan ko... Yung Stag Party noh."
"Bakit mo alam yun? Dami mong alam." I said.
Tumawa si Jaxx. "Nabasa ko lang sa GC namin. Binalita ni London ang mga pangyayari..."
I snorted. "Stag party yun... Talagang may mga babae sa Stag Party." Paliwanag ni Jaxx. "Saka, hindi lang si Ralph ang nandoon. Outside the kulambo nga ang iba." Paliwanag ni Jaxx. Ano ba siya, lawyer ni Ralph?

Kahit na, nakakainis pa din. Ang laki kaya ng— parang baby butt sa laki. Then he is smiling and laughing and enjoying his hand on that valley of sin.

"Nagseselos ka, hindi naman kayo." Pang-aasar ni Jaxx habang kumakanta ng Torete tapos pinalitan ang lyrics ng Seloso...

"Siguro kaya hindi kami dahil..." Napabuntong hininga ako. Napahinto si Jaxx sa pang-aasar niya.
"...dahil natatakot ako na maging kagaya ng mga naging babae ni daddy. And—"
Natingin ako kay Jaxx. Nakasandal siya sa balustrade ng hagdanan. Nakikinig siya sa akin.
"Why I am even telling you this?" Biglang natanong ko sa kanya.
Nagkibit balikat si Jaxx. "Because I'm your bff." He replied chuckling.
Mahina akong natawa.
"Alam mo Mia, mahirap makahanap ng babae na hindi tinatapon ang sarili sa paanan ko. Yung gaya natin...neutral lang. Nakakapag-usap ng maayos ng walang damit na hinuhubad. Gets mo?" Tanong ni Jaxx.
Tumango ako. He is looking for a female friend.
"Madami rin naman akong kaibigan dito na babae...Nandiyan sila Violet. Pero iba ang trip nila eh. Pero tayo, mayroong common grounds...music. Saka hindi ako naiilang sayo."
"You were uncomfortable with them?" Nakunot ang noong tanong ko. Jaxx snorted.
"Hindi importante kung sino ang hihingi sa inyong sorry." Pag-iiba nya ng usapan.
"Sabi nga ni Tito Marcus, ang pride parang panty. Walang mangyayari kung hindi ibababa."
Nagtawanan kami sa analogy.  Medyo bastos but it does make sense.

Tumayo siya at nilahad ang kamay niya sa akin.
"Tara, record natin yang break-up song mo." He said.
"Hindi 'to break up song." Tanggi ko.

Mukha bang break up song?!

------------
A/N
The original composer of the song is Yeng Constantino.
Dahil kaya kong gumawa ng tula pero hindi ko kayang gumawa ng kanta,
for the sake of the story, let's pretend na si Mia ang nagsulat...

Peace out sa mga fans ni Ms. Yeng at Ms. Sarah G.

With A Smile (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon