Diane at Tonyo... Isang sulyap sa buhay Hacienda.

13.7K 352 45
                                    


"Senyorita." Bati ni Tonyo kay Diane ng makita niya si Diane na lumabas ng opisina ng admin.
"Uy, Tonyo. Nagkalat ka." Sagot naman ni Diane.

Sinundan ni Tonyo sa paglalakad si Diane hanggang sa makarating sila sa health center. Pumasok si Tonyo sa center. Nandoon si Trevor at kasalukuyang nagche-check ng mga gamot. 

"Tonyo, bakit ba nakabuntot ka? Ano kailangan mo?" Tanong ni Diane.

Umupo si Tonyo sa tapat ng table ni Trevor.

"Senyorita, seryosong tanong lang." Simula ni Tonyo. Natigil sa pagkuha ng folder si Diane at si Trevor ay natigil sa pagbibilang ng gamot. Hinihintay nila ang sasabihin ni Tonyo.
"Panget ba ako?" Tanong ni Tonyo sa pinakaseryosong mukha.

Nalaglag ang folder na kukuhanin dapat ni Diane.

"Seryoso ka?" Tanong ni Diane.
Nadukmo si Trevor sa table at umalog ang mga balikat.
"Ano ang nangyari kay Doc. Trevor?" Tanong ni Tonyo.
"Hinihika sayo." Sagot ni Diane.

Umayos ng upo si Trevor at pinilit na huwag tumawa. Pinagpatuloy ang pagbibilang ng gamot.

"Ano na Senyorita? Panget ba ako?" Tanong ulit ni Tonyo. Nawala sa bilang si Trevor at hinayaan na lang ang gamot sa harapan niya.
"Hindi lang uso ang mukha mo ngayon." Sagot ni Diane.

Nasamid si Trevor sa sinagot ni Diane.

"Kaylan ba mauso ulet ang gantong mukha?" Balik na tanong ni Tonyo.
"Baka kapag lumabas na ulit ang mga dinosaur." Sagot ni Diane.

Naubo na sa pagpipigil ng tawa si Trevor.

"Doc, pacheck mu na kaya yang hika mo." Nag-aalalang sabi ni Tonyo.
"Okay pa ako Mang Tonyo. Ikaw, okay ka pa ba?" Balik na tanong ni Trevor.
"Nawawala na yata ang gandang lalake ko." Sagot ni Tonyo.

Nalaglag na naman ang folder na kakapulot lang ni Diane. Napatingin siya kay Tonyo at pinigilang bulyawan ito. Sa halip, inintindi niya ang isa sa katiwala niya.

"Sinubukan mo bang hanapin kung meron nga talaga?" Tanong ni Diane.

Parang nagdamdam si Tonyo sa sinagot ni Diane.
"Subra ka, Senyorita." Sagot nito.
"Ano ba kasi ang gusto mong sabihin, Tonyo? Paliguy-ligoy ka eh. Ang haba ng mga pasakalye mo." Nakapamewang na si Diane at nawawalan na ng pasensya kay Tonyo.

Tumingin si Tonyo kay Trevor na parang nahihiya.

"Eh, Senyorita..nakakahiya ih." Napahawak sa batok si Tonyo at hinimas-himas ito.
"Huwag ka ng mahiya sa akin, Mang Tonyo." Sagot ni Trevor.

"May Viagra pa bang sampul si Senyorito Tristan?" Biglang tanong ni Tonyo kay Diane.

Napamaang si Trevor kay Tonyo. Naningkit naman ang mga mata ni Diane. Hinarap nito si Tonyo.

"Di ba sabi ko sayo tigilan mo ang Viagra at meron ng bunging pony na lumabas?" Pinipigilan ni Diane na tumawa. Nagkunwari siyang nagagalit kay Tonyo.
"Hindi ko ginagalaw ang mga kabayo. Saka Senyorita, nagrereklamo na si Ana." Sabi nito.

Si Trevor, hindi alam kung tatawa ng malakas o itatago ang tawa niya.

"Ano ang nirereklamo ni Ana?" Tanong ni Diane.
"Malambut daw yung ano..." Sagot ni Tonyo.
"Ambot sa imu...Tonyo. Tigilan mo ang Viagra." Sabi ni Diane. "Adik ka na dun."
"Nanlalamig na sa akon si Ana. Sinabihan na naman niya ako na para daw akong Jergens." Nagmamaktol na kwento ni tonyo.

"Buhat ng sinabi mo yan, hindi na ako bumili ng Jergens." Dianne commented.

"Doc. Trevor, may Viagra ka ba?" Tanong ni Tonyo sa namumulang si Trevor.
"Hindi ko kailangan yun, Mang Tonyo." Sagot ni Trevor.
"Diyan sa mga gamut mo? Meron ba?" Umaasang tanong ni Tonyo.
"Wala." Sagot ni Diane.

"Parang awa mo na Senyorita... Masisira ang aking pamilya." Pagmamakaawa ni Mang Tonyo.
"Diyos na mahabagin... Para kang kuneho Tonyo." Napahawak sa puso si Diane.

Sakto naman pumasok si Trista at naabutan sila na nagtatalo.

"Senyorito..." Kinuwento na naman ni Tonyo ang Viagra problems niya kay Tristan.

"Hindi na ako nagcli--clinic Tonyo kaya wala na akong free na Viagra para sayo." Sagot ni Tristan. Seryoso ba ito, sa isip-isip nya!

"Paano na ang buhay ku?" Naitanung bigla ni Tonyo. Bumagsak ang mga balikat at napayuko.
"Subukan mo naman sa kambing baka wala silang reklamo." Sarcastic na sagot ni Diane.

Napatingin si Tonyo kay Diane.
"Uy, demunyo ka... Binibiro lang kita. Baka may lumabas na ding bunging kambing." Mabilis na bawi ni Diane sa binitawang biro.

"Ganto Mang Tonyo, bakit hindi mo subukan ang natural na paraan. Pagkaligo mo sa gabi..." Paliwanang ni Trevor.
"Nakakatulog na agad ako sa gabi pagkaligo dahil sa pagod." Mabilis na sagot ni Tonyo.
"Eh di sa umaga mo gawin pagkagising ninyo." Suggestion ni Trevor.
Napaisip si Tonyo. "Gising din ang mga bata eh... Papasuk sa eskwela."
"Sa tanghali...hindi ka pa pagud nun." Sabat ni Diane.

Biglang nagning-ning ang mukha ni Tonyo. Mabilis itong tumayo at nagpaalam...

After 1 week.

"Nasaan si Tonyo?" Tanong ni Diane sa mga tauhan dahil lampas ala-una na ay wala pa sa manggahan.
"Senyorita, nagmamadaling umuwi kanina. Sa bahay daw nila siya kakain." Sagot ng isang trabahador.

Tinamaan ng magaling si Tonyo.... Tanghaling tapat!!!!!!

————————
A/N
Abangan ang mga susunod na anak ng kambing 😂😂😂
Lupit mo Tonyo...

With A Smile (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon