Chapter 23- With a Smile

9.4K 297 19
                                    

Mia

"Kausapin mo si Ralph. Bakamisunderstandinglangyan. Mia, ako na ang magsasabi sayo, hindi babaero si Ralph."

"Lasing ba si Ralph?" Tanong ni Ate Khal. 

"Kanina pa sila umiinom ni Gab eh." Sagot ni Cailee.

Nakatingin silang lahat sa akin pagkatapos kumanta ni Ralph.

Aaminin kong tinamaan ako ng super sa kanta niya. Pinaasa ko ba siya? Parang sobrang gigil niya sa chorus to the point na ang tunog ng tang-ina na part ng kanta.

"Hindi pa ba kayo okay?" Tanong ni Summer sa akin. 

"What?" I asked back. Talaga bang chismosa sila?

"Kaya pala ganyan si Ralph, LQ kayo." Natatawang comment ni Sakura. 

"Feel na feel ang kanta ni Rap-Rap." Cailee said. Is that his nickname?

"Okay lang yan Mia. Kami rin nalilito sa kanila." Sabi ni Ate Allison then she winked at me.
How the fuck did she know? 

"Ano ang alam mo na hindi namin alam?" Tanong ni Ate Beth na pinsan pala ni Ate Allison. 

"May mga bagay na 'di dapat nating hindi pakialaman." Makahulugang sagot ni Ate Allison. Ang weird nila.

"So, Mia, sama ka sa Cordonia next week?" Nakangiting pag-iiba ni Xykie sa usapan. 

"Mayroon akong finals next week," I replied. Totoo naman. 

"Sayang naman. Stag party daw for the boys, syempre makikigulo kami." Sabi ni Violet. 

"Sa wedding mo na lang ako dadating." I promised. 

"Promise yan ah? Tutog ka sa kasal ko ha?" Tanong ni Xykie. 

"Sige. Promise" I said.

Oh Lord, pati pagngiti nilang magkapatid, pareho. Masisisi nyo ba akong magkamali?

Nanonood kami sa stage dahil kahit nanliliit ako sa hiya, nag-eenjoy akong panoorin si Ralph o si Gab...silang dalawa. Nag-eenjoy akong panoorin silang dalawa na tumutugtog.

Pansin kong madaming tumitili na babae sa kanila. Kay Jaxx, kay Ralph... kahit kay Gab na ikinatataas ng kilay ni Cailee. Even to that Papa P that they were calling.

"Last song na tayo. Nakakapagod din." Sabi ni Tito Marcus. 

"Tumatanda ka na dad." Sagot ni Ralph or ni Kuya Gab. Naiiyak na ako, sino ba si Ralph at Gab sa dalawa? 

"Mommy, tumatanda na ba ako?" Tanong ni Tito Marcus. Nagtatawanan ang nasa kabilang table. "More than 5 pa rin, di ba?"

Humagpak sila ng tawa. Hindi ko nagets.

"Akala nila si Cloud ang reigning eh. Eto tayo, chill chill lang." Patuloy ni Tito Marcus. Maluha-luha na sila sa kakatawa pero wala akong idea sa pinag-uusapan nila. 

"Hindi ba si Cloud?" Tanong ni Tito Tristan.

"Hindi... Hindi nyo ba nabalitaan yun?" Sigaw sa kabilang table namin. 

"Alin beh? May chismis kang hindi sinabi sa akin." Biro ni Tito Tristan. 

"Mommy nila Brook." Bulong ni Violet sa akin. Ahhh okay.

"Pwede na ngang ipanganak si Ralph after nila eh. Muntik na nga maging triplets." Sagot ng mommy ni Brook.

Oh my God...are they talking about sex?

And Tito Marcus just shrugged his shoulder like it's no big deal. Binatukan siya ng daddy ni Xykie. 

"Tingnan mo yung mga anak mo?" Sabi ni Tito Kyle.

Kahit ako natawa sa mukha ng magkapatid sa stage. They looked like they are ready to vomit anytime.

"Mark... alam mo na. Nasa dugo ah." Biro ni Tito Marcus.

Oh my God. Gusto kong magtago sa ilalim ng table when my friends looked at me and laughed. Iyon pala ang ibig sabihin nila daddy na 5 times.

"Kayo na ang kumanta ng last song." Sabi ni Tito Marcus sa group nila Ralph.

Nagbulungan ang group nila Ralph then Jaxx went in front with the brothers with his guitar.

Jaxx:
Lift your head, baby don't be scared
of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try

Then Kuya Gab sings after. I know it's him because I can't feel the meaning of the song within me.

Baby, you don't have to worry
'Coz there ain't no need to hurry
No one ever said that there's an easy way
When they're closing all their doors
And they don't want you anymore
This sounds funny but I'll say it anyway.

Then Ralph looked at me. Straight to me like he doesn't see anyone but me. Those blue piercing eyes made my breath stop.

Girl, I'll stay through the bad times
Even if I have to fetch you everyday
We'll get by with a smile
You can never be too happy in this life

It's as if he is speaking to me. My heart beats fast. And I missed him so much.

In a world where everybody
Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go round
But don't let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song

How can I amend with him?

Isa-isa na silang bumaba ng stage. Ang lakas ng palakpakan at hiyawan para sa kanila. Kinakabahan ako habang palapit si Ralph. Ngayon ko nakikita ang small differences nilang magkapatid. Although magkamukha sila, Gab's eyes are like ice... cold... Kay Cailee lang ngumingiti ang mga mata niya. Si Ralph ay parang laging nakangiti ang mga mata.

"Ralph..." Tawag ng isang babae na never ko pang nakita. Yumakap ito or rather naglambitin ito sa leeg ni Ralph. 

"Ang hot mo naman stage." Sabi niya. 

Natawa ang mga kaibigan ko. They knew her. 

"Si Margaux... errrr kaibigan din... ammm masyado lang busy?!" Bulong ni Sakura.

Merong parang kurot sa puso ko na hindi man lang tinanggal ni Ralph ang kamay ni Margaux. 

"Sino ang nagpaasa sayo ha? Aabangan ko." Sabi ni Margaux. 

Napatingin sa akin si Ralph pero hindi nagsalita. 

"Ang gwapo-gwapo mo na nga eh. Para kayong kambal ni Kuya Gab kanina." Sabi ni Margaux.
Parang hindi ko magiging friend si Margaux. Sige pa, buksan mo pa yang butones ng polo ni Ralph. Ang ganda sa paningin ko, para kang sore eyes.

"Gusto mong lumabas?" Bulong ni Jaxx sa akin. 

Tumango ako. Nag-excuse si Jaxx at literal na dumaan sa pagitan ni Margaux at Ralph hila-hila ako palabas.

—————————
A/N
Pakitandaan ang scene na ito...
pakitandaan ang mood ng kwento.

Spoiler Alert: Lalabas sa kwento ni Jaxx.

With A Smile (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon