Chapter 5- Raphael

10.9K 387 32
                                    

Ralph

"Kuya... kumusta ka na? Palagi kitang pinapanood, nakikita." Banat na kanta ni Xykie pagpasok ko sa resto at nandoon na sila nila Violet at Sakura. Kasama pa si Brook. Kinuha pa nito ang guitar sa mini stage ko at nagkakantahan sila.

"Kuya, pasensya ka na. Wala rin kasing ako makausap at kasama." Pagpapatuloy ni Xykie.

"Tumigil ka nga." Bulyaw ko sa kanila saka sila nagtawanan.

Lakas mang-asar, kay aga-aga. Parang hindi mga babae ang mga lokong ito. Lumelevel kay London sa kalokohan.

"Tinawag mo 'kong kuya, a-a-ah, a-a-ah, a-aha!" Nag-iba pa talaga sila ng kanta. 

Nawawala ang pagiging Mr. Cool ko sa mga lokong ito. Pumasok ako sa office at sinarado ang pintuan. Dinaanan ko si Summer na tawa nang tawa sa akin.

"Kaibigan lang pala... kaibigan lang pala." Dinig ko pang kinakanta ni Violet. 

Napadukmo na lang ako sa table ko sa sobrang frustrated ko sa mga ito. Hindi na nakakatulong, nanggugulo pa.

Pumasok si Camilla sa office at umupo sa table niya. 

"Okay ka lang, Ralph?" Tanong nito. 

"Okay pa." Sagot ko. Umiiling iling akong binuhay ang laptop ko. 

Camilla chuckled and she open her own laptop.

"Mama Mia, here we go again... My my...friends lang tayo bai...be" Palakas nang palakas ang kantahan nila sa labas. 

Tumawa si Camilla bigla. "Ay, sorry." Sabi niya. Nagtakip siya ng bibig at pinigilang tumawa.

Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. "Nakarating na rin sayo ang balita?" 

Tuluyan ng kumawala ang tawa ni Camilla. "Yup." She replied. "Mukhang affected ka. Type mo ba talaga? Na-love at first sight ka?"

Nag-log in ako sa laptop ko bago ako nagsalita. "Meron bang ganun?" 

"Meron. I felt it for Peter." Nakangiting sagot ni Camilla. "Mag-tiyaga ka lang. Makakaalis ka rin sa friend-zone." Sabi pa nito. 

I snorted... Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pag-checheck ng hatian ng tip ng mga waiter at waitress namin.

Paglabas ko ng office, kasama na nila si London sa isang table at nagtatawanan.

"Boss, join us." Tawag ng kumag kong pinsan na si Violet. Kinawayan ako ni London. 

"May ibabalita ako sayo." Sabi nito sa akin. 

"May bagong chismis si Karen Davila." Sabat ni Brook. Tinitigan siya ng matalim ni London. 

"Ano na namang chismis yan, London?" Tanong ko ng makalapit ako. Itinukod ko ang dalawang kamay ko sa mesa. 

"Aba, bakit may extra pogi ka ngayon, Ralph? May pamada pa ang buhok mo."Tanong ni Xykie tapos nagtawanan sila. 

"Umupo ka nga. Para kang si Kuya Gab kapag nakasimangot ka." Pinanghila ako ng isang upuan ni London sa kabilang table.

"Ano ba ang kwento nyo na naman?" Nakagitna ako sa table na parang ako ang tatay nila. 

"Ang good news Ralph, twenty years old na si Mia. Hindi naman pala teenager. Pwede ng ligawan." Sabi ni Violet. 

"Ang bad news?" Tanong ko. 

"Ang bad news... ayon sa aking source... nakitang tumutugtog kahapon si Mia kasama si Jaxx." Sagot ni London.

"Hindi ko kayo masundan." I told them. 

"Pinopormahan ni Jaxx si Mia." Xykie said. 

"Tumugtog lang, nililigawan na agad?" Manghang tanong ko sa kanila.

"Cute kaya nilang tumugtog. Parang matagal na siyang nagpapractice." Sabi niXykie. 

"Nauunahan ka na. Nagparaya na nga ako sayo eh." Sabi ni London.
Parang utang na loob ko yun?!

"Tigilan nyo nga ang kakaungkat ng buhay ko. Wala ba kayong magawa?" Tanong ko sa kanila.

"Wala." Sagot naman nila. 

"Ralph, di ba naghahanap ng tutor ng piano si Ate Cailee para kay Axel? Bakit hindi mo irecommend si Mia." Suggestion ni Xykie. 

"Oo nga. May dahilan ka ng kausapin si Mia." Sagot ni Sakura.

Tinitigan ko isa-isa ang mga kaibigan ko.

"Tigilan nyo ako." I said. 

"Bahala ka nga." Sabi ni Xykie. "Maunahan ka, kasalanan mo ha!"

"Hello." Napatingin kaming lahat sa pintuan ng marinig namin ang boses ni Mia. 

"Mia..." Sigaw nila Xykie, Sakura at Violet. Kinawayan nila si Mia na nakatayo sa entrance.
Lumapit si Mia sa table namin at automatic na tumayo ako. Binigay ko sa kanya ang upuan. Nahihiya siyang ngumiti. Tumayo na lang ako sa likuran niya.

"Thank you." She said. Improving. Walang karugtong!

"Nga pala. si Brook, kaibigan namin, pinsan ko...at si London. Magkapatid sila." Pagpapakilala ni Violet. 

"Hi Brook. Hi London." Bati niya. 

"Hello." Sagot ni London saka tumingin sa akin at ngumisi. Hampasin ko kaya ang upuan ang gago na ito?  "How nice naman your name. You were named after London, England." Sabi ni Mia.

"Ahhh... ganito kasi yan. Nabuo ako sa London... Si Brook, nabuo sa Brooklyn...At ang Kuya namin, pangalan ay Rome. Alam mo na kung saan siya nabuo." London said.

Mia giggled at London's joke. 

"So, you were named Violet because of your eyes?" Tanong ni Mia kay Violet. 

"My real name is Autumn, I was born in Autumn. But they call me Violet because of my eyes. Si Summer, pinanganak ng Summer. Si Sakura naman, she was named after Cherry Blossoms. Si Xykie... bakit nga ba Xykie pangalan mo?" 

"Para walang kapangalan sa NBI." Sagot ni Xykie tapos tumawa.

"Si Ralph naman... Raphael ang buong name nya." Tumaas taas pa ang isang kilay ni Violet kay Mia. 

Tumingin si Mia sa akin. 

"You were named after an angel...Kuya." Sabi nito.

At tumigil na naman ang mundo ko.

With A Smile (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon