Chapter 4- Jaxx

10.6K 327 11
                                    

Mia

Binigay ni Tita Merj, Violet, Xykie at Sakura ang cellphone number nila sa akin bago ako iniwan sa kamay ni Rebecca.

"Hindi dahil feeling mo anak ka ni Mark eh magiging senyorita ka dito." Sabi nito habang sinusundan ko siya. 

"Dito ka matutulog habang hindi pa lumalabas ang DNA result ninyong dalawa. I doubt kung anak ka nga niya." She added. Yakap-yakap ko ang backpack ko. Ano ba siya ni daddy? Hinintay ako ni Rebecca na makapasok sa isang maliit na kwarto. Wala itong bintana at nasa tabi ng storage area ng Club. 

"Mamayang gabi, tumulong ka sa Club. Kulang kami ng waitress." Sabi niya. Hindi ako kumibo. Nilapag ko ang backpack ko sa kama. 

"Naiintindihan mo ba ako?" Naiinis na tanong ni Rebecca. 

"Yes. I understand you perfectly." I replied. 

"Alisin mo yang slang mo ha. Hindi ako natutuwa." Sabi nito. 

"How am I supposed to talk? This is my accent." 

"At sumasagot ka pa talaga..." Inambaan ako ng sampal ni Rebecca. Automatic na napayuko ako at umilag. 

"Ayusin mo yang pagsagot-sagot mo sa akin." Sabi nito at iniwan ako.

Kinuha ko ang gamit ko sa office ni Summer after kong masecure na nakatago ang abo ni mommy. 

I look around at their still empty resto-bar. 

"He is not here. He is in the kitchen." Sabi ni Summer sa akin.

"Thank you for keeping my things." 

"It's the least I can do. Where you will stay?" 

"At Club Zero...for a while." I smiled at her. 

"Let me know if you need any help." She gave me a calling card. I accepted the card and placed it in my pocket. 

"Thanks ulit Summer." 

"Welcome." She replied.

Boses ni Rebecca at kalampag ng metal na palanggana ang nagpagising sa akin after kong makatulog pagkabalik ko sa Club Zero. Para akong lalagnatin sa sakit ng katawan ko. 

"Bumangon ka na..." Sigaw ni Rebacca sa pintuan ko. Kumalampag na naman ang palanggana.
Pumunta ako sa office ni daddy pagkatapos kong mag-ayos ng sarili. Naabutan ko sila na naghahalikan ni Rebecca. Eww...

"Sorry." Biglang talikod ko sa kanila at pumunta na lang sa stage para tingnan ang mga instrument. Medyo malaki ang stage at ang unang nakatawag ng pansin saakin ay ang Piano. Mayroong baby grand piano at kating-kati akong tugtugin ito.

My mom taught me how to read music sheets. Alam kong tugtugin halos lahat ng string instruments. Hindi ko pa nga lang tapos ang studies ko about music. Life in London is hard... Lalo na kapag wala ka ng magulang na matatakbuhan.

Umupo ako sa upuan and I play few keys. Hanggang sa nagkusa ang mga daliri ko na tumugtog mag-isa. Everybody thought that this song is Bella's Lullaby. But few know the original title of this song. It's called Rivers Flows in You.

Mom taught this song to me and I memorized it by heart already. I can even play this even my eyes are closed like... now.

Then a heard an acoustic guitar playing with me. I open my eyes and saw a guy sitting at cajon box ang playing the guitar. I continue to play and he plays the same. Our instruments harmonized and it created a beautiful acoustic Yiruma version of River Flows in You.

When I hit the last note, the guy claps his hand. 

"That was impressive." He said. 

"Thanks," I replied. 

"You must be Mia." Sabi niya. He has a vibe of a rock star. He is wearing a black shirt. He has tattoos on his arm. He has this bad boy vibes that shouting I'm A Rock Star.

"I'm Jaxx." Kumaway lang si Jaxx sa akin. 

"How did you know my name?" 

"Well, everybody knows who you are by now. There is no secret in the Country Club." Sabi nito at nagtipa siya ng ilang keys sa guitar. Sinabayan ko ang tinutugtog niya sa piano. 

Ngumiti si Jaxx ng madinig niyang sinasabayan ko siya. He's playing Canon in D but he makes it like a rock version. I am competitive so I played with him and modify some notes para magblend sa tinutugtog niya.

Sa London, merong tinatawag na mga street musician. I was one of them lalo na kapag kailangan ko na ng pangtuition. Dahil wala akong piano na pwedeng dalin, guitar or violin ang madalas kong gamitin. Inaabot ako ng hating gabi sa daan para lang sa kakaunting barya na maiaabot sa akin. Pero kahit minsan walang pera akong nakukuha at the end of the night, napakalaking fulfillment sa akin ang makatugtog.

Jaxx ended the song and it's my time to clap my hand. I have a feeling na magkakasundo kami.

"Ang galing." I commented.

"Jaxx..." Napatingin kami ni Jaxx kay daddy. Mukhang tapos na sila ni Rebecca. 

"Tapos na sila." Jaxx commented. Nabasa ang nasa utak ko.

"You saw them too?" 

He chuckled and placed the guitar at the stand. Bumaba siya ng stage at kinausap si daddy. May banda kaya siya? Pwede kayang maki-jamming?

With A Smile (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon