Chapter 3- Chismis

12.6K 446 72
                                    

Ralph

"How's our food?" I asked our customers. 

"Oh, it's great." Sagot nila. They flaunt their fake lashes on me. 

"Nice to know that. Enjoy your meal, ladies." I smiled at them and went to the other table.

Hindi bumalik sa resto ang tatlong bruhilda. Hindi ko tuloy alam ang nangyari doon kay Mia. Lumapit ako sa bar at hinintay si Summer na mabakante bago ko siya tinawag. Madami dami ding tao ngayon lalo na at merong kumakanta sa ministage namin.

"Yes, boss?!" Tanong ni Summer. Pinsan ko sila ni Violet sa side ni mommy. 

"May balita ka ba sa nangyari kanina?" Tanong ko sa kanya. "Kinuha na ba ni Mia ang mga luggage niya?" Hindi ko napansin na pumunta siya dito sa resto. Wala na ang mga gamit niya sa office namin. 

"Ahhh. Kinuha na niya kanina." Sagot ni Summer. 

"Wala kang balita?" Tanong ko ulit.

"Chismoso mo." Natatawang lumakad si Summer sa papunta sa isang waiter at binigay ang order nito.

Sakto namang pumasok si London kasama si Chase.
"Uy, alam nyo na ba ang latest chismis?" Tanong ni London sa akin pagkatapos umupo ng mga ito sa bar. 

Umordersi Chase ng wine kay Summer. 

"May anak daw si Tito Mark." London continued. Napatingin ako sa kanya. 

"Hindi nga?" Hindi makapaniwalang tanong ko. 

"Oo nga... Sinabi ni Tita Merj kay Tita Yumi at Tita Bella na narinig naman ni Tito Frank at sinabi kay mommy. Si mommy naman ikinuwento kay daddy kaya narinig ko." Sabi ni London. 

"Ang daming pinagsalinan ng chismis bago makarating sayo." I pointed out. 

"Ikaw, alam mo rin?" Tanong ko kay Chase. Nagkibit balikat lang ito. 

"Maganda daw yung babae eh." Sabi ni London. "Galing daw London. Punta nga kami ni Chase ngayon sa Club Zero, baka nandoon siya ngayon." 

"Teka...si Mia ba yang tinutukoy mo?" Tanong ko kay London. 

"Bakit kilala mo?" Tiningnan ako ng nakakaloko ni London. Si Chase, walang pakialam sa tabi ko. 

"Dito nagtanong kanina yun eh." 

"Maganda ba?" Tanong ni London.

"Yup... At tinawag na Kuya si Ralph." Sabat ni Summer ng dumaan siya sa gawi namin.
Tumawa si Chase at London. 

"Tangina, friend-zone ka agad." Sabi ni London. 

"Kuya-zone nga eh." Sagot ni Chase. "Mas malala yun. Ikaw may malisya, tapos siya tinatawag kang Kuya."Hirit ni Chase. 

"Ang gago nyong kausap." Sabi ko sa kanila. Tawa sila nang tawa, wala namang nakakatawa.

"Type mo ba?" Tanong ni London sa akin. 

"Malamang. Si Ralph pa." Sagot ni Chase. 

"Gago... Hindi mo ako katulad. Poste nga pinapatulan mo basta nakapalda eh." I told him. Tuwang tuwa si Chase sa mga nadidinig. 

"Type mo nga? Didistansya ako." Sabi ni London. 

"Tinatanong pa ba yan? Dumistansya ka na lang." Sagot ni Chase kay London. "Hindi mo dapat tinatalo ang Kuya." Nagtawanan na naman sila.

"Okay lang yan Ralph. Kapag hindi nakuha sa pakindat-kindat ng asul mong mga mata. Tawagin na natin ang tatay mo. Baka kailangan ng padrino." Sabi ni London. Chase clap my shoulder. 

"Aminin na natin, mas matinik sa chicks ang tatay mo." Sabi ni Chase. 

"Huwag mo lang ipapaalam kay Tita Kath. Baka maulit ang alamat ng tape dispenser." Sabi ni London. Natawa pati ako. Laugh trip talaga mga magulang ko nang malaman ko ang kwento ng tape dispenser na yun.

"O kaya kay Kuya Gab." Dagdag pa ni London. 

"Tanga, huwag kay Gab. Parang may kaaway lagi yun eh. Ka-level nun si Kiro."Sagot ni Chase. At dami nilang suggestions. 

"Ay, oo, tama. Magtropa nga pala yun. Baka matakot si Mia kay Kiro tawagin kapang Tito. Okay na kay Tito Marcus tayo magtanong." Sabi ni London. "O kaya sa daddy ni Chase. Tangina... mahina ang an apple a day kay Tito Cloud." Nasamid si Chase. Nagtawanan kami ni London. Hayop na London 'to. Daming alam na chismis palibhasa nakikinig sa kwentuhan kapag nag-iinuman ang mga magulang namin. 

"Tatag ng tuhod ni Tito Cloud noh. Hindi ko malampasan yung 5 times na yun. Kaya buong-buo agad si Chase, hindi na kailangan ng follow up after next week." Sabi nito. Napadukmo si Chase sa kakatawa.

"Hayop ka, London. Dami mong alam." Sumasakit na ang panga ko sa kakatawa. 

"Hindi nyo pa nga nadidinig ang kwento ni jun-jun." Sabi nito sabay tawa. 

"Sino si jun-jun?" Tanong ni Chase. 

"Yung jun-jun ni Tito Frank." Sagot ni Londo.. Tangina mo kang London ka. Magkapatid nga kayo ni Kuya Rome. Dami nyong alam na kalokohan.

Para na kaming hihikain ni Chase sa kakatawa. Pero hindi pa tapos si London sa kwento niya. Bangka na naman ang gago. 

"Kilala nyo si Mang Tonyo di ba?" Tanong nya. 

Kilala namin yun syempre. Yung katiwala ni Tita Diane na ubod ng bibo. Daig pa si Jollibee. 

"Oh...Bakit?" Tanong ni Chase. 

"Nung isang linggo, umiiyak si A ng lumapit kay Ate Zoey. Nasa Vicente kami. Akala naman namin kung napano yung bata." Simula ng kwento niya. Animated pang magkwento 'tong si London kaya masnakakatawa. 

"Eh nasa kubol kaming lahat pati si mommy at daddy. Si Mang Tonyo nakasunod sa bata. Tinanong ni mommy kung bakit umiiyak si A." Nakikinig kami ni Chase habang tumatawang nagkukwento si London. 

"Sabi nung bata... Nonna, yung pony ko, si Mang Tonyo ang daddy." Sabi ni London. Nagtawanan na kami ni Chase. Nagpatuloy pa si London. 

"Eh di pinaliwanag ni Ate Zoey na hindi si Mang Tonyo ang daddy ng pony. Sagot ni A, 'Siya talaga mamme, bungi yung pony ko eh.'" Nadukmo kami sa bar...kaming tatlo. Nagpipigil kaming tumawa ng malakas. Nakakahiya sa mga customer namin. 

"Eh si mommy, sinakyan naman ang kalokohan ng apo nya. Sabi nya kay Mang Tonyo...'Tonyo, di ba sabi ko sayo, tigilan mo ang mga kabayo? Ayan, may bungi ng lumabas.'" Kwento ni London. Hawak-hawak ang tiyan niya sa kakatawa. "Walk-out si Mang Tonyo." Sabi nya pa.

Lumipat kami sa office namin ng paalisin kami ni Summer sa bar dahil sa lakas ng tawa naming tatlo. Tangina ka London... sakit na ng panga ko.

-------------
A/N
Tawa ako ng tawa habang sinusulat ko ito.
Nabiktima na naman si Mang Tonyo ng mga advance mag-isip.

With A Smile (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon