Chapter 6- Siya na!

10.2K 346 14
                                    

Mia

Oh...My...God!

Bakit ko na naman siya tinawag na Kuya? Nawala tuloy ang ngiti ni Ralph. Nahihiya akong nagbawi ng tingin at humarap sa group of friends na obvious na nagpipigil ng tawa. Bakit ba kasi natatawag ko siyang Kuya kapag natitingin ako sa kanya? Kinakabahan ako kapag malapit siya lalo na kapag nakita ko na ang mga mata nya? Tanga-tanga mo Mia.

"Uy, Mia. Huwag mong tawaging Kuya si Ralph. Sige ka, baka tawagin kang baby niyan." Biro ni London. Nagtawanan sila at sobrang pula ko na for sure. Ano kaya iniisip ni Ralph?

"Tigilan nyo si Mia. Akin na yang gitara Xykie, baka mabasag mo pa." Sabi ni Ralph na nasa likod ko. Inabot ni Xykie ang gitara kay Ralph. Naramdaman ko siyang umalis sa likod ko.

"This is so embarrassing," I murmured.

"Hindi pikon si Ralph. Saka okay lang yan. Binibiro ka lang namin." Sabi ni Brook.

"Mabuti at nandito ka? Nakatakas ka sa step mother mo." Sakura said.

Oh...I don't want to speak ill against that woman... but she is not my favorite person right now.

"I am looking for Jaxx...actually," I said. Nanayo ang buhok ko sa batok. Nasa likod ko na si Ralph.

"Si Jaxx..." Mabagal na pag-uulit ni Xykie.

"Si Jaxx na anak ni Tita Merj?" Violet asked.

"He is Tita Merj' son?" I asked back.

"Bakit mo hinahanap si Jaxx?" Tanong ni Brook.

"I will just ask if he has an opening on his band." I replied.

"Ahhhh..." Sabay-sabay nilang sagot.

"Tulog pa siguro yun. I doubt kung nandito siya sa Country Club." Sabi ni London.

"Kailangan mo ng work?" Tanong ni Violet sa akin.

Nahihiya akong tumango. "I want to finish my studies."

Natahimik sila.

"What can you do?" Tanong ni Ralph na nasa likod ko.

Oh...here we go again. Napapalipit na naman ang dila ko.

"I can...play..." I said stuttering.

"What kind of instruments?" Tanong ulit ni Ralph. Ang bastos ko naman kung kausap ko lang ang table sa tuwing sasagot ako sa tanong niya so I looked at him.

"Uhhh...strings..." Kuya.

Napangiwi ako... Mabuti at hindi ko nasabi. Nawala na nga ang ngiti niya eh.

"Can you play now, Mia?" Tanong ni Xykie.

"Errr...right now?" Nabaling ang tingin ko sa kanya.

"Yes. May piano si Ralph dito oh. Please." Xykie pleaded.

"Oh, okay—" Pinagpawisan ang kamay ko nang tumayo ako.

Shocks...

"Can you please play Tale as Old as Time?" Request niya.

"I'll try." I replied.

Sinundan ako ni Ralph sa mini stage nila at inayos ang piano. Malaki ng kaunti ang piano dito. And when I look at the brand, muntik na akong atakihin, Steinway & Sons... Ang mahal ng piano niya.

I press a key and the melody is stunning. Feeling ko nasa concert ako at may kasamang Orchestra. Sinimulan ko ang intro ng kanta.

"Owww... Namimiss ko si Henry." Nadinig kong sabi ni Xykie.

"Shhhh..." Pagbabawal ng iba sa kanya.

Kumakanta ako sa isip ko habang tumutugtog.
Tale as old as time.

Then I heard a violin coming in front of me. Nahinto ako sa pagtugtog at natunganga ako. Si Ralph...on violin.

"Continue." Sabi niya.
Mabilis akong nagbawi ng tingin at tiningnan ang mga keys... Ano nga ba ang susunod? Ahh...okay...

True as it can be.

Pinagpatuloy ko ang pagtugtog ng piano habang pinapakinggan ko ang violin. A man, na sobrang gwapo tapos tumutugtog ng violin? God, is he the one for me?God?...nakikinig ka ba God?

I am trying not to smile while playing the piano but how can't I? The mood is just perfect like the melody of the piano and violin.

Both a little scared. Neither one prepared.
Beauty and the Beast

I closed my eyes at the last part of the song. And I open it when I hit the last note.

"Wow." Sabi ni Xykie.

"Pwedeng sa kasal ko, tumugtog kayong dalawa?" Tanong ni Violet.

"Wala ka namang jowa eh." Sagot ni Ralph sa kanya at nagtawanan ang ibang kaibigan niya.

"That was..." Ralph said to me.

"Perfect." I continued. He nods and smile. Oh God... his smile can kill me. Dahil nalilimutan kong huminga.

"You can play on weekends kung gusto mo or kung anong araw ka available. Let me know, iaayos ko ang schedule." Sabi ni Ralph sa akin. Nakalapit na pala siya saakin.

"Ha?... ahhh okay sige..." I replied. "Ralph."

Oh my God lalong lumawak ang ngiti niya. Siya na Lord...huwag lang siyang babaero. Siya na...promise!

With A Smile (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon