Chapter 21- Maling Akala

8.8K 313 16
                                    

Mia

"Bakit sumabay ka pa sa akin? May sundo ka naman pala?" Tanong ni Jaxx sa akin pagkatapos niya akong balikan sa waiting area ng condo. Nasa daan na kami pauwi sa Country Club.
"LQ kayo?" Tanong nito. 

"Hindi naman kami." I replied. 

Nagkikita kami ni Jaxx sa weekdays para ayusin ang song na ginagawa niya. He asked me to collaborate on a classic song on his rock ballad.

"Totoo? Sa tagal nyang sinusundo-hatid ka, hindi pa kayo nun ah?" 

"Bakit mo alam?" 

Nagkibit balikat si Jaxx. "Country Club. Walang secret doon kahit akala ng mga tao ay secret ang buhay nila." He replied. "So, ano problema mo kay Ralph?" Usisa ni Jaxx. 

"Babaero." Sagot ko. 

Hindi agad kumibo si Jaxx. "Si Ralph? Babaero?" Tanong ni Jaxx. 

"Uh-huh." 

"Kung sinabi mong si London, maniniwala ako sayo. Pero si Ralph? Baka mali ang chismis na nasagap mo." Sagot ni Jaxx. 

"I saw how she kissed a woman." Malapit na akong umiyak.

"Si Ralph?" Tanong ulit ni Jaxx. 

"I saw him...okay!" I said with finality.

"Ano ang itsura ng babae?" Tanong ni Jaxx. 

Parang tanga kausap si Jaxx. Nasasaktan na akong pag-usap. Ayaw ko ng sumagot.

"Maganda siya." I murmured. 

Tumango-tango ito. 

"And they seem to have a kid," I added.

Hindi na naman kumibo si Jaxx.

"Saan mo nakita si Ralph at yung babae?" He asked after a while. 

"Doon sa mansion." I replied. 

Jaxx chuckled, then he shook his head. 

"Kausapin mo si Ralph. Baka misunderstanding lang yan. Mia, ako na ang magsasabi sayo, hindi babaero si Ralph." 

Misunderstanding? May babae na ngang kahalikan.

Nagpatugtog si Jaxx ng kanta mula sa cellphone nya na naka-sync sa sound system ng kotse.

Maliit na butas lumalaki
Konting gusot dumadami
Hindi mo maibabaon sa limot at bahala
Kapag nabulag ka-hah
Ng maling akala

Sinabayan nya pa ng kanta at parang tuwang-tuwa pa siya. Nanahimik akong tumingin sa labas.


Dumeretso si Jaxx sa Club Zero. Dinig sa labas ang masayang tawanan ng mga nanonood. Pagpasok namin, hinila agad ako nila Violet at pinaupo sa gitna nila. Hindi ako basta-basta makakatakas sa kanila ngayon.

Madami rin silang kasama sa table. And to my surprise nandoon ang babaeng nabunggo ko sa mansion noong palabas ako. 

"Hi, Mia." Bati nito sa akin. Nakangiti siya. Parang ngiti na pinipigilang tumawa. "I'm Allison."
Isa-isang pinakilala ni Violet ang ibang hindi ko kilala. 

"Si Ate Cailee, na-meet mo na di ba?!" Sabi ni Violet. 

"Hi Mia. Good to see you again." Bati ni Cailee.

Nawala ang ngiti ko pero bakit parang lumawak ang ngiti niya. Eto na ba ang time na ipapahiya nya ako dahil nililigawan ako ng asawa nya before?

"Jaxx." Tawag ng nasa stage. Napatingin ako sa stage at muntik na akong mamatay sa kakapusan ng oxygen. Si Ralph nasa stage kasama si... may kakambal ba siya?

"Mia. Okay ka lang? Mukhakang nakakita ng multo." Biro ni Ate Allison sa akin.

"Si...sino yung?" Tinuro ko ang nasa stage dahil hindi ako makasalita.

"Namiss mo si Ralph noh." Tukso ni Sakura. 

"Si Kuya Gab ang isa diyan." Natatawang sagot ni Summer. "Magkamukha sila, di ba?!"

"Nalito nga si Axel nang makita si Ralph kanina sa bahay. Tinawag niyang daddy. Kung bakit kasi, magkamukha na sila, pareho pa ng gupit." Natatawang kwento ni Cailee.

Oh my God... Did I make a huge mistake? Nanlalamig akong umupo sa gitna ng mga kaibigan ko habang kumakanta ang daddy ni Ralph. When he said the name Kathleen, naghiyawan pati ang mga nasa kabilang table. It looks like their parents are at the next table and Ralph's mom is in there.

Nakipalakpak ako ng matapos ang kanta kahit nanlalambot ako sa kaba.

"True to life ah." Biro ng isa sa side nila Ralph. 

"Ganun dapat." Sagot ni Tito Marcus. 

"Bigyan mo nga ng true to life si daddy." Sabi ni Ralph or ni Kuya Gab... kay Ralph o kay Kuya Gab. Sino ba sa kanila si Ralph? Sino ba si Kuya Gab?

With A Smile (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon