Chapter 2

24 4 0
                                    

Thiara P.O.V

Nandito ako ngayon sa sementeryo, pagkatapos ko kasi makapasa nang requirements sa school, agad akung pumunta didto. Binibisita ko ang aking kapatid, matagal tagal rin ako na Hindi nakabisita sa kapatid ko dahil busy ako..

Dahil nakadama na ako nang gutom eh tumayo na ako para bibili nang pagkain, sa kalagitnaan nang paglalakad ko, nakita ko yung  babaeng nakabangga sa akin. Lalapitan ko na sana sya nang biglang may nagtakip nang bibig at ilong ko. Nangdilim agad ang paningin ko.

Zero P.O.V

Nandito kami ngayon sa sementeryo at nag tingin.x sa paligid marami akong nakikitang mga kauri namin. Laking tulong itong suot ko dahil malalaman ko kung sino ang Hindi mortal.. Nag umpisa na kami sa pagkuha ng mga kauri namin. Di naman kami nahirapan dahil tinitigan ko lang sila sa mata at agad ko silang napapasunod.

Nang marami rami na ang aming napapasunod lumingon ako sa kilid ko at may nakita akung babae na kumukuha nang tubig at tinignan ko sya nang mabuti wala akung nakikitang aura sa kanya. Nakakapagtaka naman.

May nakita akung babae na naglalakad at may nakasunod sa kanya na lalaki at based sa aura nang lalaki, itim ito it means mga kalaban agad kung sinabihan ang mga kawal ko na sugudin yung tinuro ko. Pag tingin ko sa kilid ko nanglaki ang mata ko nang makita ko yung babaeng walang aura na kinukuha nang kalaban, wala itong malay. Agad akung lumapit sa kanila at sinugod yung kalaban.

Agad namang nabitawan nang kalaban ang babaeng walang malay. Agad ko namang nasalo ang babae at nilagay ng maayos sa lupa at sinugod ang kalaban.

Di sya nakailag dahil kasing bilis ko si Flash. Sinuntok ko sya nang pagka lakas lakas at agad naman syang tumilapon sa malayo kinuha ko agad ang babae at sinakay sa Van. Nakalimutan Kong sabihin na limang Van yung kinuha namin..

Pagkalagay ko sa babaeng walang Malay saka naman dumating yung mga kawal at bitbit din ang isang babaeng wala ring Malay agad namin silang inihiga sa pinakalikod ng upuan sa Van. At agad kaming pumunta sa Portal.

Nang makarating na kami, nag presinta ang isang kawal at hiniwa ang kanyang kamay at umagos naman ang dugo at pinahid sa puno. Agad namang umiilaw ang portal.

Lumingon ako sa likod at nandoon yung mga immortal na napapasunod ko.

"Pumasok kayo dito" Turo ko sa portal at agad naman silang sumunod.

Agad akung bumalik sa van at kinuha ang isang babaeng walang Malay, yung isa kinuha na nang kawal kanina. Nang makapasok na sila agad naman akung pumasok sa portal bitbit ko yung babae..

Kara P.O.V

Pag mulat ko nang mata agad akung napatakip ng mata dahil sa liwanag na nang galing sa harapan ko.

Nasan ba ako, agad Kong ginala yung paningin ko. Doon ko lang napag tanto na parang NASA hospital ata ako. Eh kasi puro puti yung dingding  eh, tumayo ako para lumabas, nang bumukas ang pinto at inuluwa nito ang isang nurse. Lumapit sya sa akin, at nag salita

"Okay kana ba iha?" Nurse

"Opo, Nasan ba ako??" Tanong ko sa kanya

"Nandito ka sa Clinic iha" Nurse

"Alam ko po, I mean bakit ako nandito? Eh wala naman akung sakit" Nagtatakang tanong ko

"Dinala ka dito kasi hinimatay ka" Nurse

"Po?! Nahimatay?!" Sigaw kung sabi

"Oo, nakita kitang nakahiga sa damohan, kaya dinala kita dito" Sabi niya

"Ganun po ba, Salamat po pala." Sabi ko sa nurse

"Welcome, ano may masakit ba sayo?" Nurse

"Wala naman po, Sige po Alis na ako" Nahihiyang sabi ko

"Sige ingat ka, iha" Nurse

"Sige po, Bye po" Ngiting sabi ko
At lumabas nang Clinic

Habang nag lakad lakad ako parang nag iba yung  atmosphere yung feeling na parang  NASA ibang mundo ka ganun..

Liliko na sana ako nang may nakabangga ako, at nag untogan kami  nang ulo. Pareha kaming  napaupo, Tumayo ako at hihingi sana ng sorry nang makita ko sya.

"Anong ginagawa mo dito?" Sabi ko sa kaharap ko

"Nawawala kasi ako" natatarantang sabi niya, nagtaka naman ako.

"Ha? Nawawala?" Sabi ko sa kanya

"Oo di lang ako pati ikaw nawawala din, at yung mga tao dito Hindi sila normal" Natatakot nyang sabi.

"Ano?! Panong Hindi normal?" Nagtatakang sabi ko

"May powers ang mga tao dito, yun ang ibig kung sabihin" Takot parin nyang sabi

"Ano?! Paano tayo makakalabas dito?" Natatakot ko naring sabi

"Yun  na nga ang kanina ko pang hinahanap eh," Sabi niya

"Wait, Bago natin hanapin, magpakilala muna tayo sa isa't is a" sabi ko

"Ay Oo nga pala, Ako nga pala  si Thiara Warts ikaw?"

"Kara Beifong." Sabi ko at makipag shakehands sa kanya

Pagka tapos namin mag pakilala, lumakad na kami at hinanap kung saan lalabas, habang nag lalakad kami  may nakita kaming parang  malaking gate. Nag katinginan kami at agad na tumakbo papunta sa gate. Yung gate na may nakabantay na parang kawal.

"Ahh, Pwede po bang lumabas" Nahihiyang sabi ni thiara

"Name nyo po muna" sabi ng kawal

"Thiara warts po at itong kasama ko naman si kara Beifong" Sabi ni thiara.

Agad naman silang bumaw sa amin, na aming pinagtaka at binuksan na nila ang pag kalaking gate. Pag kalabas  namin agad namang nanglaki ang mga mata namin ni thiara

"Akala ko makakauwi na tayo" sabi niya habang tumitingin sa paligid

"Mukhang NASA ibang planeta ata tayo thiara" gulat ko paring sabi,

Pano Hindi ka magugulat eh pagka kita mo palang sa paligid ibang iba na. Yung mga tao kasi pinagtitinginan kami. Yung iba may nilalabas na powers ata nila. May apoy , may kuryente at iba pa.

******************************

Done chapter 2.

Like , Comment & Vote

The Blind BanditTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon