Tophara P.O.V
Nandito ako ngayon sa kwarto ko sa may bintana, nakatingin sa mga Tao na nag eensayo para sa Level up Competition.
Di ako nag eensayo di dahil sa malakas ako kundi wala akung gana. Hehehe atsaka bakit ako mag eensayo saan ko naman gagamitin yang pagpapalakas.
*Tok*Tok*Tok*Tok*
"Pasok" Sabi ko habang di ko inaalis ang paningin sa mga nag eensayo.
"Mahal na prinsesa, pinapatawag po kayo nang ama nyo" Sabi nang isang kawal namin.
"Bakit anung kailangan nya sa akin?" Taas kilay kung tanong
"Di ko po alam mahal na prinsesa" Sabi niya
"Okay,mauna kana Susunod ako" Sabi ko
Agad namang umalis ang kawal, ano nanaman kaya ang pag-uusapan namin ni ama. Pag ka lipas nang ilang minuto bumaba na ako nang kwarto ko. Pagka baba ko nakita ko naman si ama na nakaupo sa kanyang Trono.
"Akala ko di kana baba" Ama
"Tinawag mo ko diba? Syempre baba ako." Pilosopong sabi ko Kay ama, agad namang nanlilisik yung mga mata niya.
"Ano ba yung pag uusapan natin ama?" Dagdag kung sabi
"May ipapahanap ako sayo." Sabi ni ama
"Ipapahanap? Atsaka hanapan ba ako nang nawawala?" Pilosoping sabi ko
"Umayos ka nga ! Seryoso ako." Galit nyang sabi sa akin
Bumuntong hininga ako.
"Ano bang ipapahanap mo sa akin?" Tanong ko Kay ama
"Hanapin mo yung may kapangyarihan na tatlo na elemento." Sabi ni ama. Agad namang nanglaki mga mata ko
"Apat na elements, Diba Yun yung Lupa, Hangin, Tubig, ?" Sabi ko
"Oo" sabi niya
"Bakit?? Atsaka wala nang ganun na kapangyarihan ama, matagal nang walang gumagamit non" Sabi ko
"Akala mo lang yun, Nung Lumindol sa may Beach diba nag ka tsunami pa nga yon" sabi ni ama
"Pero ama, ganun naman talaga yun diba pag mag lumindol asahan mo namay kasunod na tsunami" Sabi ko
"Di mo pa rin ba gets Tophara? O sadyang Bobo ka lang. Matagal nang Hindi lumindol at nag ka tsunami, huling lindol noon nong buhay pa ang avatar ! At ang sabi may ginawa ang avatar na yun para mapaghiwalay nya ang apat na kapangyarihan na meron sya. At yung isa napunta sa Red Kingdom kung saan sila lang ang may kakayahang gumagamit nang apoy, dapat meron din sa atin." Galit nyang Sabi sa akin
"Pero ama diba may kapangyarihan naman tayo? Mabilis tumakbo, lumusot sa pader, Kuryente at iba PA" sabi ko
"Bobo ! Gusto ko yung pinakamalakas na kapangyarihan. Dapat meron akong isang kapangyarihan na taglay nung apat na elemento." Galit parin nyang sabi sa akin.
"Ama pano kung mahanap ko na yung may kapangyarihan na isa sa apat elemento. Pano mo aagawin yung kapangyarihan" Sabi ko
"Merong paraan para nakuha yung kapangyarihan nang isang tao" sabi ni ama
"Ano?" Nagtatakang sabi ko
"Wala ka na dun !, hanggang dito nalang yung pag uusapan natin" sabi nya sa akin
Ako naman ay lumakad na palabas, may tanong pa rin kasi sa utak ko na paano kaya makukuha yung kapangyarihan sa isang tao?.
Sa lalim nang iniisip ko napunta ako sa lugar na parang lampas ata ako sa kingdom, nagsimula na akung kabahan.. Parang may tao sa likod ko, pag tingin ko wala naman, pero ramdam ko may nakatitig sa akin. Ginala ko yung mata ko sa paligid.
BINABASA MO ANG
The Blind Bandit
FantasyAng Babaeng isinilang na walang nakikita. Dahil sa kanyang kapansanan, Siya ay minamaliit, Inaapi. Dahil sa kanyang naranasan sya ay nagiging matatag at matapang na gaya ng bato na kahit anung pagsubok laging buo at matatag.