Kara P.O.V
Nandito na kami sa Parang beach ata to, eh kasi may dagat tapos may naliligo na mga wierd na tao.
"Grabe , hiningal ako kara, dito muna tayo" hingal nyang Sabi
"Ikaw lang ba ang hiningal? Pati rin kaya ako" Sabi ko sa kanya
"Kara may itatanong lang sana ako sayo, okay lang ba?" Sabi nya tapos umupo sa buhangin, umupo narin ako
"Okay lang naman, ano bang itatanong mo?" Sabi ko na nakatingin sa dagat
"Ikaw ba yung gumawa nung pader na mataas kanina?" Sabi nya.
"Hindi, Bakit?" Deritsong sabi ko sa kanya
"Kung di ikaw sino?" Sabi nya
"Ewan ko, baka isa sa mga nanonood kanina" Sabi ko sa kanya di naman sya sumagot at pag tingin ko Kay thiara ayun nakahiga na at nakapikit, natutulog ata. Humiga rin ako at pumikit.
Third Person P.O.V
Biglang napa bangon si sisa dahil sa nakikita nya sa panaginip nya.
Hindi maaring nandito na sya, kailangan nyang makaalis dito sa lalong madaling panahon. Sabi ni sisa sa isip nya
Biglang napasigaw si Sisa at laking gulat nang mga kawal nang umilaw ang mga mata ni sisa, hudyat na may nakikita na naman ito, agad naman nataranta ang mga kawal, yung ibang kawal pumunta sa hari upang ipaalam kung anong nangyari Kay Sisa ang iba naman lumapit Kay sisa
Sa kabilang dako naman humahangos ang isang kawal na pumunta sa Hari, Nagtataka naman ito kung bakit ito nagmamadali nang makarating na ang kawal
"Mahal na hari." Hangos na sabi nang kawal
"Bakit anung sasabihin mo?" Tanong nang hari
"May nakikita nanaman si Sisa" kawal
"Dalhin nyo siya agad dito !" Pasigaw na sabi nang Hari
Agad namang umalis ang kawal at bumalik kung Saan si Sisa, nang makarating na ang kawal,
"Dalhin nyo si Sisa sa Hari ngayon na" Sabi nang isang kawal agad naman silang sumunod at binuhat si sisa na nanghihina.
Nang makarating na ang mga kawal kasama si sisa.
"Ano na naman ang nakikita mo?" Sabi nang Hari
"Nandito na sya" nanghihinang sabi ni sisa
"Sino?" Agad na sagot nang hari
"Yun lang nakikita ko" sabi ni sisa
"Nakita mo ba ang mukha nya?" Sabi nang hari
"Hindi malinaw yung mukha nya, pero napagtanto ko na babae sya" sabi ni Sisa
Di kaya isa sa mga nahuli nang anak ko ang babaeng sinasabi ni Sisa? Sabi sa isip nang hari
"Ibalik nyo na sya sa selda" sabi nang hari
Pagka Alis nang mga kawal kasama si Sisa , agad namang pinatawag nang hari ang isang kawal para tawagin ang anak nya.
"Papuntahin mo dito si Zero" sabi nang hari sa kawal agad naman syang umalis at pumunta sa kwarto ni Zero
Ilang minutes lang bumalik na agad ang kawal na walang kasama."Wala po ang inyung anak sa kanyang silid" Sabi nang kawal
"Edi hanapin mo bobo !" Galit na sabi nang hari
Sa kabilang dako naman
Naglalakad si Zero palabas nang palasyo nila upang hanapin yung dalawang babae. Nang makalabas na sya sa gate may mga babae ng tumili dahil sa kanyang taglay na kagwapohan. Nag tanong tanong si Zero kung makita ba silang dalawang babae, agad namang lumapit si Shane
"Anong hinahanap mo Prince Zero" nang aakit na sabi nito
"May makita ba kayong dalawang Babae na dumaan dito?" Tanong ni Zero
"Oo actually nawala nalang sila bigla eh" Sabi ni Shane
Agad namang lumayo si zero Kay Shane at nag pasalamat ito at nag tanong tanong pa sya at nalaman na nya kung asan yung dalawang babae.
Nang pupunta na siya sa dagat maynakita syang mga tao na nagtatakbuhan.Agad naman naguluhan si zero kung bakit nagtatakbuhan sila. Hinila nya ang isang babae na tumakbo at tinanong kung anong nangyayari.
"Lumindol kasi kanina, at biglang tumaas ang tubig." Natatakot na sabi ng babae
Agad namang naguluhan si Zero, at napapaisip.
Lindol at tsunami? Impossible na mangyari yun dito. Mangyayari yun kung isa kang avatar? Dito sa amin walang may kapangyarihan na earth at water at air, ang meron lang dito ay fire. Naubos kasi ang lahi ni katara, Toph, Aang. Dito kaya impossible na magka lindol at tsunami di kaya may nakaligtas na kauri ni toph , katara , at Aang sa digmaan.
***************************************
Vote , comment & share
BINABASA MO ANG
The Blind Bandit
FantasyAng Babaeng isinilang na walang nakikita. Dahil sa kanyang kapansanan, Siya ay minamaliit, Inaapi. Dahil sa kanyang naranasan sya ay nagiging matatag at matapang na gaya ng bato na kahit anung pagsubok laging buo at matatag.